Chapter 14

1.8K 31 2
                                    

HANS' POV

Monday na naman, may pasok na naman. Nakakatamad  -.-

Kung wala lang akong gustong makita, siguro once a week lang ako papasok. Psh.

Buong weekend katext ko si Mijara, hahaha nagiimprove yung oras ng pagreply niya. Ayos. Kaso kahit sa text hindi ko masabi. Bahala na.

Hinihintay ko pa rin si Mijara sa kanto ng schoo 'pag papasok siya, pero hindi ko na siya sinasabayan sa gate. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang naisip na baka makahalata na 'yon.

Bago ako pumasok sa room, tumingin muna ako sa pinto ng room nila, hindi ko naman siya makita kasi bahagya lang nakikita ko sa loob ng room nila. Pero sakto nakita ko lumabas si Mijara. Good morning sa'kin. :)

Nakita niya naman agad ako.

Pero nakasimangot siya.

Baka absent na naman si Rhie?

"Chimoooooooy!" tumakbo siya papunta sa'kin. Mukha na siyang maiiyak. Ts babaw ng luha.

"Ano?"

"Chimooooy..."

"Ano nga?"

"Hindi ako pinapansin ni Rhie..." :(

Hindi ako agad nakasagot. Naalala ko yung pag-uusap namin nung Friday sa bench ng court sa village.

"Baka badtrip lang 'yon. Baka may problema lang. Tanungin mo na lang siya. OA mo" sabi ko habang nakapatong yung kamay ko sa ulo niya.

Hindi siya sumasagot. Malalim yung iniisip niya.

"SIge na bumalik ka na sa room niyo kakausapin ko na lang siya mamaya." sabi ko mabawasan pag-aalala niya.

Nagbuntong-hininga siya.

"Sama ako, gusto ko malaman din yung problema niya..."

"Hindi na ako na bumalik ka na sa room mo" tapos itinalikod ko na siya at tinulak papunta sa room niya.

Bakit nagkagano'n si Rhie? Mukhang hindi niya ako naintindihan.

Pagkabell pa lang nung lunch, pumunta na ako sa room nila.

"Rhie!" tinawag ko siya.

Hinanap ko si Mijara. Nakatingin lang siya kay Rhie. Wag ka mag-alala Mijara, aayusin ko 'to.

Hindi pa rin lumalapit si Rhie. Nakatingin lang siya sa'kin, tingnan ko lang rin siya. Maya-maya tumayo na rin siya at lumapit sa'kin dito sa labas.

"Bakit?" matamlay na sabi ni Rhie.

"Pwede ba tayo mag-usap sa taas?"

"Ba't sa taas pa?"

Tinitigan ko lang siya nang seryoso. Ayoko makipagsagutan sa kanya nang nakikita ni Mijara.

Maya-maya nag umpisa na rin siyang maglakad papunta sa hagdan. SInusundan ko lang siya.

Nakarating kami sa 3rd floor, sa labas ng science lab. Tahimik na roon dahil library, science lab at speech lab lang ang nasa 3rd floor, wala nang mga classrooms.

"Ano bang pag-uusapan?" tanong agad ni Mijara. nakadungaw siya sa terrace.

"Bakit hindi mo pinapansin si Mijara?"

Hindi siya sumagot.

"Rhie alam mo kung ga'no ka kahalaga kay Mijara..."

"Bigyan niyo lang ako ng oras..."

"Rhie... sabihin mo sa'kin kung bakit. Ano ba ikinagalit mo sa kanya?" hinawakan ko siya sa balikat at pinipilit kong humarap siya sa'kin.

"Hindi ako galit sa kanya. ok?"

"E bakit ka ganyan? Ano ba problema?"

"Ikaw!" pabigla niyang sabi.

"Wala ka kasing pakialam sa mararamdaman ko. Naiinis ako sa'yo. Muntik na 'ko maniwala na gusto mo ako. Akala ko gusto mo ako. Akala ko pinopormahan mo ako. Akala ko mamahalin mo 'ko. Akala ko nung umpisa pa lang gusto mo na 'ko. Panay ka puri, panay ka bola, panay ka pa sweet. Sana inisip mo man lang yung mararamdaman ko.  Sana inisip mo man lang yung mga posibleng mangyari"

"Katulad ng?"

"Marami diyan. Marami diyan nung first year pa lang na mga nanliligaw sa'kin. Pero akala ko nga kasi... gusto mo 'ko" yumuko siya. "Wala pa 'kong balak mag bf, pero sana... kung meron man akong bibigyan ng pagkakataon na hintayin ako, ikaw sana yon Hans..."

*silence

"Wag mo nama sanang iwasan si Mijara..." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pag nakikita ko siya, naaalala ko yung katangahan ko..."

Napatingin ako sa kanya.

Lumuhod ako.

"Lalayo ako. Hindi na 'ko lalapit sa inyo. Kalimutan mo ako. Ibalik niyo yung samahan niyo ni Mijara..." hindi ko alam kung eepekto 'to. Pero para kay Mijara...

"Tumayo ka." sabi niya nang hindi man lang ako tintignan.

"Pumayag ka sa sinabi ko. Pls"

"Tumayo ka sabi"

Mabait si Rhie. Mahirap lang talaga siya galitin. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganyan, yung una ay yung first year pa.

Tumayo na 'ko. Hinintay ko pa rin yung sagot niya.

"Ayaw kitang makita. Sana this time, maintindihan mo naman ako..." tapos naglakad na siya paalis.

"Rhie!" tinawag ko siya pero hindi niya ko nililingon. "Rhie sorry!"

Huminto siya sa paglalakad. "Ibabalik ko yung samahan namin ni Mijara, pero hindi 'yon dahil sa pagluhod mo. Mahalaga sa'kin si Mijara" sabi niya nang hindi ako nililingon.

Simula ngayon hindi na 'ko makakasama sa kanila 'pag lunch. Bakit nga ba kasi hindi ko naisip na baka maniwala si Rhie sa mga pang-aasar ni Mijara. P*taness >.< 

May nakalimutan akong sabihin kay Rhie!

Tinignan ko kung nasa'n na si Rhie. Pababa na siya!

"Rhie!"

Hindi niya 'ko narinig. Shet.

Baka sabihin niya kay Mijara!

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon