Chapter 46

1.6K 20 3
                                    

HANS' POV

Practice na ng graduation. Katamad. Pagkuha lang ng diploma paparactice-in pa ng ilang oras. 8-12pm daw ang practice? Bwiset naman ang init pa -_-

Andito pa kami sa room ngayon pero pinapapunta na lahat sa quadrangle para sa practice. Naglalabasan na yung ibang section. Teka... Hala 4th year nga rin pala sila Mijara 'no? Hahahaha makalabas na nga.

"Hoy tara labas na tayo!" inaya ko na sila Troy.

"Mamaya na makikisabay ka pa sa mga tao! Mamaya na kapag wala nang harang sa daan!"

"G*ago ang arte mo bahala kayo diyan lalabas na 'ko." lumabas na 'ko ng gate. Hinahanap ko na si Mijara. Pero hindi ko makita, baka nando'n na sa quadrangle.

Tumabi ako sa mga classmates ko. Hinahanap ko pa rin si Mijara, bakit wala? E andito na mga classmates nila?

Nagsasalita pa yung pricipal sa taas ng stage. Kesyo makicooperate daw para madali kasi mainit na, wag daw pasaway, bla bla. Maya-maya nakita ko na si Mijara at Rhie kakalabas pa lang ng high school building, may kasamang babae. Di ko kilala. Wow mga VIP pala tong mga 'to ngayon lang lumabas.

Umupo na sila Mijara. After magdaldal ng principal pinapunta na kami d'o'n sa kadulo-duluhan ng quadrangle. Do'n daw pipila para sa pag marcha papunta sa upuan kasama magulang. Medyo malayo ako sa upuan kasi 3rd section ako tapos Idelfonso apelyido ko. Hindi ko nga alam kung nagstart na ba yung nasa pinakaunahan e. Hahahaha basta nagdadaldalan lang kami dito.

Tapos mga after 30 minutes nakikita ko na nagstart na yung section namin. Nanahimik na kami kasi malapit na kami sa mga teacher na nag-gaguide sa'min. Nung malapit na 'ko, tinignan ko na yung ginagawa nung nauna sa'kin, kung sa'n pupunta at kung sa'n dadaan. Mahirap na baka mapahiya.

Tapos tinawag na apelyido ko. Potek nakakahiya lahat ata ng estudyante at teachers nakatingin sa'kin habang naglalakad ako e. Mamatay na mga napapangitan sa'kin! Wahahahaha. Nakakailang tuloy maglakad. Leche.

Hays buti nakaupo na 'ko. Medyo komportable na 'ko kasi yung kasunod ko na ang tinitignan nila. Asa'n kaya si Mijara? Hindi ko makita kung saan nakaupo. Pandak kasi e. Hahahaha. Nasa kabilang side mga babae e. Andito naman kami sa kabilang side, at nasa bandang likod ako kasi nasa pinakaunahan nakaupo ang mga teachers, sumunod yung mlalaking 1st section kasunod mga 2nd section.

Nung nakaupo na lahat, ayun nagsalita na yung president ata ng school. Nagpray kunyari, at bayang Magiliw kunyari. Tapos pinractice namin yung paglipat ng palawit sa sumbrero na ilipat sa kabilang side. Kailangan ba talaga yun?

Tapos tinawag si Mijara sa stage. Bakit kaya?!

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon