Chapter 49

1.5K 19 5
                                    

HANS' POV

Hays bwisit talaga yung bading na 'yun!

"Teka bakit tayo hihiwalay ng table?" tanong sa'kin ni Rhie.

"E alanang tumabi ako sa bading na yun?"

"Ang arte mo!"

Umupo na kami sa bakanteng table. Tapos tumayo na rin ako para umorder. Alam kong nakatingin sa'kin si Mijara. Bahala ka. Makikipagdate ka pala ah. Tssss kainis!

Pagbalik ko sa table, kumain na kami ni Rhie.

Maya-maya pagtingin ko magkatabi na si Mijara at Philip. Talagang lumipat pa si Mijara ng upuan ah? Haaaaaaaaaaaaaaaaaay bwisit!

Nangungulit na pala ngayon si Mijara kay bading. Gano'n na sila kaclose ngayon? >_<

Pagtapos ni Rhie kumain nag-aya na 'ko umuwi. Tumayo na kami sa table namin at pumunta kina Mijara.

"Tara uwi na" sabi ko kina Mijara.

"Agad?" sagot ni Mijara.

"Oo tara na" hinila ko na si Rhie palabas. Para wala nang aangal.

Hindi naman ako nagkamali. Sumunod naman din sila. Nagtaxi ulit kami pag-uwi.

Mga bwisit kahit hanggang sa taxi nagkukulitan yung dalawa. Nagtititigan pa sila. >_<

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon