HANS' POV
Gumala nga kami ni Mijara nung uwian. Twing gagala kami na kaming dalawa lang kinakabahan ako baka kung ano na naman makasalubong namin. Sana.. sana makayanan ko siyang maipagtanggol sa kahit anong nilalang. Whew -.-
Tama naman, Monday ngayon, madami pa kong pera hahaha. Weekly kasi ang bigay sa'kin ng allowance ko.
"Gusto mo ng cp?" tanong ko kay Mijara. Natatawa ako sa mukha niya gulat na gulat hahahaha. Ang cute niya pa rin talaga ano ba namang babae to parang kahit anong gawin maganda.
"Baliw! hehe" yung lang sagot niya sa'kin.
"Hindi nga seryoso ako! Ibibili kita para 'pag wala si Rhie hindi ka na lalabas ng room. Tsaka... basta ibibili kita tara" hinila ko na siya.
"Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuy ano ka ba chimooooy! Mahal yon 'di ba? Tsaka sayang pera mo! Wag na kain na lang tayooo! Ano baaaa" hinihila niya ako.
"Okay lang yan ano ba to ang KJ tara na dali"
"Ayoko sabiiiiiiii" tsk ang kulit niya.
Binitiwan ko nga yung kamay niya. Dumiretso lang ako sa paglalakad.
"Huuuuuuy chimooooy wag ka ngang makuliiit?" sumusunod naman siya sa'kin. Baliw.
'Ikaw yung makulit"
"Tssss" wala siyang nagawa sumunod na siya sa'kin.
Naibili ko na siya ng phone. Tinuturuan ko siya kung pa'no yun gamitin at naisave ko na rin ang number ko at ni Rhie. Tinext agad niya si Rhie grabe, pero hindi nagrereply.
Nagpumilit siyang pumunta sa bahay namin. Ang kulit. Pero sa court ng village namin ko siya dinala. Umupo kami sa bench. Alas 7 na no'n pero nakakatuwa kasi nagkekwentuhan kami. Nasasanay na rin akong kausap siya.
"Hindi ka ba nilalamok?" tanong ko. Baka kasi nilalamok na siya, ako naka slacks kaya hindi ko nararamdaman.
"Ah hindi naman!" ^_^ 'Chimoy, thank you sa cp ha, text text tayo mamaya para masanay ako hihi"
"Ayoko nga sayang load."
"O di sana hindi mo na 'to binili oh sauli mo na 'to!" binibigay niya sa'kin yung cp hahahahaha parang sira talaga 'tong babaeng 'to.
"Init ng ulo mo. Ingatan mo yan ah?" Hmmmm may gusto akong itanong, siguro naman mag-oopen siya sa'kin. "chuchay, nagka boyfren ka na?"
"Hahaha iingatan ko 'to galing kaya to sa bestfriend ko! ^_^ Hmmmm. Hindi pa. Ikaw?" tumingin siya sa'kin.
Nailang na naman ako. Ikaw pa lang magiging gf ko. Pero siyempre hindi ko 'yan sinabi. "Siyempre hindi pa at hindi ako magkakaboyfren kahit kailan 'no!" pinilosopo ko siya.
Tawa lang siya nang tawa. Hahahahahaha sige tawa lang.
"Pero seryoso, wala pa. Ahmmm, bata pa 'ko. Hindi pa ko marunong manligaw" sabi ko nang seryoso.
"Ahhh, mukhang matagal tagal pa bago mo maliligawan si Rhie ah! Pero okay lang yon kasi tingin ko, strict ang parents ni Rhie, Tingin ko sa college pa siya mag bboyfren. Bunso ata yon e!"
Hays. Hindi niya pa rin maramdaman. Kailan ko ba maipaparamdam? Hindi talaga kasi ako marunong. Hays. "E bakit hindi ka pa nagkaboyfren?"
"Katulad mo, bata pa rin ako" :P
"Sus pero nagpapaligaw ka"
"Hoy hindi ko sila inutusag ligawan ako. Tsaka sinagot ko ba sila 'di ba hindi naman?"
"Pa'no mo sila sasagutin e tumitigil sila sa panliligaw kasi napagtatanto nilang may putok ka!"
"Ikaw nagkakalat no'n eeeee! errrrr!" sinasambunutan niya ko. Hahahaha. shet ayoko nang umuwi.
Tawa lang ako nang tawa. "Pero may crush ka ba?"
"Hm. Wala!" sabi niya habang nakapout.
"Ang daya. Alam kong meron, imposibleng wala. Ang daya kilala mo kung sinong gusto ko tapos 'di ko alam kung sinong gusto mo"
"Wala nga sabi. Naging crush ko dati si Philip pero ngayon hindi na. Hindi na niya ako nililigawan kaya hindi na niya ako nilalapitan kaya rin nawala yung pagkacrush ko sa kanya"
Amp. Si Philip. "May balak ka sanang sagutin siya?"
"Wala. Hangga't maaari gusto ko rin college na 'ko magka bf"
Gusto pala niya si Philip. Amp. Pero buti hindi na nanliligaw. "Magkwento ka naman tungkol sa pamilya mo?"
"Ha? Huy gabi na pala tara na uwi na tayo!" tumayo na siya.
Hinatid ko na siya sa tricycle. Buti naman at pumayag siya magtric, ayaw niya naman rin kasi magpahatid. Siguro natrauma sa mga aso hahahaha.
Hays boset ang saya ng araw ko sana hindi na lang natapos.
Teka... tetext ko siya!
To: Mijara
Ingat ka. Bye! Text ka pagkauwi mo ah.
After 20 minutes...
*brrrrrrrrrt brrrrrrrrrrt (vibrate)
From: Mijara
im.home.tganks!labu.chimny
Hahahahahahahahaha. Bano magtext. Im home lang naintinndihan ko ano bang pinagpipipindot no'n hahahaha. Makakatulog ako ngayon na may ngiti sa'king mga labi :')))))))
To: Mijara
Goodnight ang pangit mo kahit kailan.
After 10 minutes... Susko tagal magreply.
From: Mijara
xabang.mo.pamgit.ka.qin.goodmight.din.hehd
Hahahahahahaha. Haynaku Mijara. Good night. Iloveyou.
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Fiksi RemajaWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?