HANS' POV
Haaaaaaaaays ano ba yung mga sinabi ko kanina sa kanya. Ang bobo ko. >_<
Bago ako matulog tinawagan ko sa landline si Rhie...
"Rhie?" sabi ko pagkasagot niya sa phone.
"Oh? Gabi na ah" *on the line
"Galing dito kanina si Mijara..."
Hindi siya sumasagot.
"Oy Rhie! Ano?"
"Nagkwento siya?" *on the line
"Oo. Nagalit ka ba sa kanya? Umiiyak yon kanina"
"Oo. nagalit. Nainis." *on the line
"Ginawa niya lang yun kasi akala niya nga gusto kita. Ayaw niyang magkagusto ka kay Philip"
"Naisip ko na yan. Pero niloko niya pa rin ako." *on the line
"Tinutulungan niya lang ako."
"Ikaw tinutulungan ka, e ako Hans? Magkaiba tayo ng pananaw. Hindi ako galit sa kanya dahil kay Philip. Napakababaw kung lalaki ang pagaawayan namin. Nagagalit ako sa kanya kasi niloko niya ko. Para kaya akong tanga kwento nang kwento na gusto ko si Philip, na kinikilig ako kasi tingin nang tingin sa Philip. Ako hanggang tingin lang tapos siya pala nakikipagdate at nakikipagtext na do'n? Hindi mo ko maiintindihan Hans. Wala ka sa sitwasyon ko. Eventually mawawala rin yung inis ko sa kanya. Pero hindi ngayon. Wag muna ngayon. Bye" *on the line
Binabaan niya na ko.
May punto siya. Hays. Anong pwede kong gawin para kay Mijara. Hindi pwedeng gan'to. >_<
Pero kung wala talaga, kung hindi kami maging okay ni Mijara hanngang sa valentine's... itutuloy ko pa rin. Bahala na kung pa'no siya mapupunta sa event. Itutuloy ko pa rin. Hindi pwedeng ngayon pa aatras p*tangina ang tagal ko nang gustong sabihin ngayon papa aatras.
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?