Chapter 4

2.4K 37 5
                                        

"Chuchay!"


Ha? Argh si Hans na naman 'to. Papansinin ko kaya? Baka malait na naman ako e.


*kalabit, kalabit.


"Hindi nga sabi ako si Chuchay, mas maganda sa'kin 'yon." inilingon ko ang ulo ko habang naglalakad pero hindi nakatingin sa kanya.


"Galit ka ba? Sorry ah." sagot niya tas nauna na maglakad. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.


"Sorry din kahapon ah Culanot" lumingon siya sa'kin pero naglakad rin pagtapos magsalita.


HALA HALA HALA! ALAM NIYA APELYIDO KO!


"Huy sa'n mo nalaman yung surname ko?!" nabigla ako. Tingin ko kailangan ko siyang habulin!


"Huy. Hannnnsss! Huy!" Chimoooy!" hinahabol ko talaga siya. Pero yung takbo ko naman parang lakad pa rin. Hindi niya talaga ako pinapansin. Ano nga ulit naitawag ko? Chimoy? Hahahahaha makaganti lang gawa gawa ng pangalan?


"Chimoy?" sabi niya. Nagtataka siya. Yessssss lumingon siya! :'D


"Pa'no mo nalaman apelido ko?" tanong ko agad.


"Nakita ko lang sa listahan ni ate Mikay ng mga casts ng Snow White. Ang pangit ng apelido mo! Hahahahahaha!" pang-aasar niya.


Ito na naman siya. "Ganyan ka ba talaga? Tss. Una na ko sa'yo, Chimoy na tokmol" sabay behlat sa kanya. Hmp. Sana maasar siya.


Pero tawa pa rin siya ng tawa. Haaaay Ewan.




Nung lunch, as usual kasama ko na naman si Potpot ko. Naglalakad kami nang may lumapit sa'ming lalaki na may dalang bouquet. Suitor ko siya, si Philip. Pogi, mayaman at matalino, pero ayoko sa mayaman. Mamatahin lang ako niyan.


Nakita ko si Hans papalapit rin sana sa'min kaso hindi na tumuloy nung nakalapit sa'min 'tong si Hans, mukhang asar nga e. Akala siguro suitor ni Rhie si Philip hahahahaha.

Binigay lang sa'kin ni Philip yung bouquet. Grabe ha araw-araw bouquet? Simula pa last week 'to nagbibigay. Tinatanggap ko lang, sabi kasi ni potpot e para daw hindi mapahiya. As in dito pa kasi sa school binibigay. Pero sabihin ko raw agad kung may pag-asa o wala.


"Mag-iingat ka lagi" sabi ni Philip habang nakahawak sa baba ko.


Nahiya ako konti. Nasa corridor kaya kami! Hala baka nagbablush ako!

Inilayo ko na yung baba ko sabay sabing "Oo thanks" habang nakangiti. Gusto ko na umalis nahihiya na 'ko. Ang gwapo niya kaso ayoko talaga sa mayaman. Hinila ko na si Rhie.


"Ba-bye cutie" sabi ni Philip. Nag wave lang ako kamay habang naglalakad na.


"Nakakakilig siya pot! Sasagutin mo ba siya?" excited na tanong ni potpot.


Oo nakakakilig yung ginagawang panliligaw ni Philip pero hindi ko siya gusto. Siguro hindi pa sa ngayon. "Hindi ko pa siya gusto pot e."


"Magugustuhan mo rin siya! Ayieeeeee!" nang-asar na siya.


Pagkarating namin sa barbeque-han ando'n na si Hans.


"Lagi na talaga kayo dito kumakain- Uyyyyyyyyyyyy flowers! Para ba sa'kin 'yan Chuchay?" masayang tanong ni Hans.


"Bigay 'to sa'kin no. Chuchay na talaga tawag mo sa'kin? Sino ba 'yun? Turo mo nga sa'kin?"


"Weeeeeeeeee? Talaga may nagbigay sa'yo niyan? Weeeee? Pinabitbit lang ata sa'yo 'yan ni Rhie e. Rhie sino nagbigay niyan sa'yo? Ayos 'yun ah inunahan ako sa panliligaw"


Ayan na naman siya sa panlalait. Hindi pa sinagot yung tanong ko. Nakakainis siya. SI Rhie lang lagi ang pinapansin. Nakakainis. Ipinukpok ko nga sa kanya 'tong bulaklak. "Hmmp'"


"Ay potek! Bakit ka nang hahampas? Kumakain yung tao e. Rhie yung bulaklak mo sinisira" Aba aba siya pa ang nagsumbong kay potpot?


"Lagi kayo nag-aaway no? Magkakainlaban kayo niyan sige kayo" singit ni Rhie.


Walang nagsalita sa'min. Malamang nandidiri siya sa sinabi ni Rhie. Hmp. Pwes ako rin 'no! Porke gwapo ka! Feeling!



Haaaaay ayon buong first year ko binibwiset ako ni Hans. Nasasanay na lang ako. Hindi na ulit ako umiyak sa panlalait niya. Nasanay na lang ako. Medyo close na kaming tatlo, pero iba ang closeness namin ni Hans! Lagi namin siya kasabay kumain at umuwi. Nakakainis lang kasi lagi ko siya nakakasabay sa gate ng school sa umaga. Kaya araw-araw may tumatawag sa'kin ng Chuchay. Nakakainis hanggang ngayon 'di ko pa alam kung sino ba si Chuchay! Lagi ko na lang rin siyang tinatawag na chimoy. At least mas cute kesa sa tukmol at kumag 'di ba.



---

Well, well ayan tapos na ang pag-alala sa napaka habang past! Next chapter ay present na pangyayari na :)))

Pic po ni Rhie ay nasa gilid (with pamatay na ngiti) chicks na chicks--------->

Hindi po ata makikita sa mga wattpad sa cp e. :(

Well sana subaybayan niyo kasi magsisimula na ang love storyyyyyy *3*

---


Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon