Chapter 50

1.5K 26 3
                                        

NP: Ugly by 2ne1.

Totoo pong si Honey ay mahilig sa 2ne1. XD

---

MIJARA'S POV

 

 

Uwaaaaaaaaaaaaaaaa graduation day naaaaaaaaa! Hahahahahahahaha. On the way na kami nila nanay at ate sa school. Hindi ko pa rin sinasabi na salut ako para surprise :)))))))

Pagdating namin sa school, ang daming tao! Busyng-busy mga tao ngayon. May mga nagpipicturan na, nagkakabit ng bulaklak sa dibdib, nag-aayos ng mga upuan, at kung anu-ano. Grabe... last day ko na talaga 'to dito?

Asan kaya si Rhie?

Pumila na lang ako sa pwesto ko. Pangalawa ako sa mga lalakad kasi pinakaunang mag mamarcha ang mga honor students.

Waaaaa nag-umpisa na ang program wala pa si potpot!

Nagsimula na magmaglakad si ate Serah at papa niya pero wala pa rin si potpot!

Nagsimula na rin kaming maglakad nila nanay pero wala pa rin si potpot! Halaaaaaaaaaaaaaaa!

Pagpunta ko sa upuan ko...

Ando'n si Rhie?!

"Pot! Bakit hindi ka nagmarcha?!"

"Nahihiya ako. Wala akong kasamang parent o guardian..."

"Bakit? Nasa'n sila?"

"Nasa work pa. Susunod na lang daw..."

O_O

Hays. Rhie. :(

Niyakap ko na lang si Rhie. Disappointed na naman siya sa parents siya. :(((

"Sana sinabi mo sa'kin para pinasamahan na lang kita kay ate magmarcha? Kasama ko rin naman si nanay e?"

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon