Hindi pa nagrereply sa'kin yung gusto kong maging Philip sa storyyyyy TT.TT kaya hindi ko pa mapost ang pikachoo niya.
---
HANS' POV
Nagpasukan na ulit. Masaya ako kasi nakikita ko na araw-araw suot ni Mijara yung kwintas. :)
Nung February, Valentines' day, dinalhan 'ko ng bulaklak si Mijara sa room nila. Ang aga ko pa no'n, hindi pa nagsisimula ang mga klase, dinalhan ko na siya ng bulaklak. Alam kong maraming magreregalo kay Mijara ngayon, maganda nang unahan ko sila.
Pumunta ako sa pinto ng room nila, hawak ang bouquet ng white roses. Ipinatawag ko siya sa classmates niyang nakaupo malapit sa pinto. Maya-maya, nakita ko na siyang tumayo mula sa upuan niya. Papunta na siya sa'kin, masaya, at nakangiti...
MIJARA'S POV
Hays. 2 months na naming hindi nakakasama sa lunch si Hans. Si Rhie araw-araw ko pa ring pinipilit. Hindi ko akalaing mahihirapan ako ng ganto sa pagpilit sa kanya. Pero hindi ako susuko.
Feb 14, Valentine's day, early in the morning, tinawag ako ng classmate ko. Nakita ko si Hans nasa pinto ng room namin, may dalang bouquet!
Lumapit ako sa kanya. Ang saya ko, hindi pa rin siya sumusuko :))
"Hi chimoy!" nakangiti kong sabi sa kanya. Ang saya ko talaga kasi nakikita ko si chimoy na punong-puno pa rin ng pag-asa :)
"A- chuchay..."
"Hm?"
"Good morning."
"Hahahahahahaha chimoy kinakabahan ka? Easy ka lang. Saglit lang, stay put ka lang diyan, gagawin ko ang lahat para lumabas dito si Rhie at tanggapin 'yang flowers mo. I'll be right back my bestfriend!"
Wala siyang imik, nakatingin lang siya sa'kin. Pero pumasok na 'ko ulit, hindi ko na hinintay yung sagot niya. Alam ko namang kinakabahan 'yon e. Hays, very good chimoy. Wag kang susuko ^_^
Pinuntahan ko sa Rhie. Grabe kahit anong pilit ko ayaw. 3 minutes na 'kong please nang please :(
Kanina pa si Hans sa labas, kawawa naman 'yon :((
Lalabas nga muna 'ako ulit. Sabihin ko mamayang recess or lunch niya na ibigay.
Paglabas ko, wala na siya. -.-
Siguro sa tagal ko nainip na siya, or nakita niyang hindi mapilit si Rhie. Kawawa naman 'yon. >.<
HANS' POV
Takte nakakainis.
Yung siya yung pinatawag ko sa classroom nila tapos ang nasa isip niya pa rin para kay Rhie yung bulaklak? >.<
"Pre ba't hindi mo pa nabibigay? Di tinanggap?" sabi ni Troy nung nakita niya na pabalik ako sa room na dala pa rin yung bouquet.
"Pa'no ko ibibigay 'to sa taong hindi alam na para sa kanya 'to?" umupo ako sa tabi nila Troy, Ken, at Charlie.
"Ha? Nililigawan mo na ba si Mijara?" tanong ni Charlie.
Hindi ako nakasagot agad. Pupunuin lang ako ng kantyaw.
"Ayaw niya pa mag bf e. Saka na. Pag 4th year na" yun na lang sabi, kahit totoo namin din 'yon.
"Ligawan mo pre para malaman niya na yung nararamdaman mo, o kung ayaw mo iparamdam mo lang"
"Pa'no ko nga gagawin 'yon e ang alam niya talaga si Rhie ang gusto ko?"
"Si Rhie? Yung matangkad na lagi niyang kasama?" sabi ni Ken.
"Oo yung type niyo. " hays ayoko nang ipagpatuloy yung usapan namin at baka malaman lang nila na minsan, ako yung may problema dahil 'di ko rin madiretso kay Mijara yung dapat sabihin.
"Tapos nung first year tayo sinasabi mo pa sa'min na pangit pala sila! Gagu ka 'yon pala gusto mo ikaw lang yung makakilala sa dalawa!" natawa ako sa sinabi ni Charlie. Naalala niya pa pala 'yon.
Ano bang p-pwede kong gawin para maramdaman ni Mijara nang hindi ko direktang sinasabi sa kanya! >.<
Manhid naman kasi ng babaeng 'yon >.<
Tae naman kailan ko ba kasi masasabi sa kanya! >.<
---
Ang konti ng update I'm sorry >.<
---
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?