RHIE'S POV
Mukhang magiging pangit pasko ko this year. 3 weeks na lang pasko na. Hays. Ano ba naman 'tong katangahan mo Rhie! >.<
Hindi ko pa naman siya mahal pero... hindi ko alam. Nasaktan talaga ako. Sana sinabi niya sa'kin yung plano niya. Niloloko niya kaming mag kaibigan sa ginagawa niya! >.<
"ang sabi ko sa kanya, gusto kasi kita"
"Pero ang totoo, si Mijara yung gusto ko, nung una ko pa lang kayong nakita."
Errrrr hindi ko makalimutan yung pagkasabi niya no'n. Ako napahiya, napahiya, napahiya, napahiya, at napahiya! Ang lakas pa ng loob ko magtanong kung may gusto siya sa'kin. Nagexpect akong may gusto nga siya sa'kin.
Si Mijara, hindi ako galit sa kanya. Mahal ko yung babaeng 'yon. Pero... ewan ko. Ayoko pa muna siya makasama. Pero kinausap ako ni Hans na wag layuan si pot. Alam kong nakapagopen na si Mijara sa kanya. Alam kong nalulungkot si Mijara.
Si Mijara... sa buong buhay ko siya lang nagbigay sa'kin ng importansya.
Siya lang.
Hindi ang pamilya ko...
Puro ako family problem. May business nga kami, walang financial problem, pero hindi kami masaya. Si mommy at daddy lagi nag-aaway. Si daddy niloloko ata si mommy. Si daddy favorite si ate kasi matalino at may trabaho na, at isa pa narinig kong iniisip ni daddy na anak ako ni mommy sa ibang lalaki. Si mommy hindi ko rin nakakausap busy sa trabaho. Walang nakikinig sa'kin sa bahay. Sinisikap kong mag-aral ng mabuti para ipagmalaki sa kanila na nasa top ako. Pero hangga't hindi ko nalalamangan yung mga achievement ni ate hindi nila maappreciate. Pa'no ko maaabot e simula elem first honor si ate, hanggang sa mag college cum laude siya. E ako? ni hindi pa 'ko umabot ng top 3. :((
Minsan kausap ko na lang sa bahay ay stuffed toys. :((
Nung umabsent ako, hindi totoong nilagnat ako. Tinamad akong pumasok kasi walang nakaalala ng birthday ko.
Birthday ko nung monday na yun. Gumising ako nang maaga, nasa bahay silang lahat, si mommy, daddy, at ate. Pero ni isa walang bumati sa'kin. Nagbihis na 'ko lahat lahat wala pa ring nakakaalala. Umalis na silang lahat hindi pa rin nila alam.
Umiyak na lang ako sa bahay no'n. Hindi na 'ko pumasok.
Mas nararandaman ko pa yung concern ni Mijara kesa ng pamilya ko e.
Nung pumasok na ko nung Tuesday, nakita ko sa kanya yung sobrang pag-aalala niya. Itinuring ko na lang na regalo sa birthday ko yung pagpapatawa nila sa'kin ni Hans.
Sa bahay ni Hans, do'n ko nakita ang masayang pamilya. Do'n ko lalung nagustuhan si Hans. Parang gusto ko nando'n ako araw-araw. Parang gusto kong makasama si Hans at ang pamilya niya araw-araw.
Minsan naiisip ko, di bali nang mahirap ako basta masaya pamilya ko.

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Teen FictionWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?