Naalala ko nung first year...
Whoah. First year high school na 'ko. Hindi naman ako nahirapan sa pakikisama sa mga new classmates ko, pati mga higher years mukhang mababait rin ^_^
October na! Katatapos lang ng Science week. Sabi ng president namin sa klase, si ate Serah, may stage play raw kami next month para sa English festival. Tuturuan raw kami ng mga 4th year at mamaya raw pupunta sila dito sa room para mamili ng characters. Wow. Parang ang bongga naman.
Nung lunch time, si Rhie na naman kasabay ko kumain. Siya si Krizhea Marie De Los Reyes, siya ang kasama ko araw araw. Para na kami halos mag bestfriend kahit saglit pa lang kami magkasama. Sa umaga, hanap agad namin ang isa't isa. Mabait siya sobra, pero palaban. Maganda pa. Chicks talaga siya lalo siguro kapag nag make-up ay grabe sasambahin ko siguro siya. Ang dami na ngang nanligaw sa kanya e kaya lang wala siyang magustuhan. Pihikan siya e hindi lang basta gwapo ang gusto, gusto niya matalino. Yung may ibubuga sa klase, o kahit man lang may talent. Magkasing edad lang kami, parehas kaming dose. Mas matanda lang siya ng ilang buwan. Gusto ko siya laging kasama, bukod sa masarap kausap, pakiramdam ko safe ako sa kanya. Kasi nga 'ba matapang. Haynaku kapag may umaway sa'kin dito isusumbong ko sila kay Rhie. :(((
"Pot bili tayo ng choc-o tara" pag-aaya sa'kin ni Rhie. Ay ang ganda talaga ng friend ko ang swerte ng magigigng pag-ibig niya. <3
"Sige potpot pautang muna ha 30 lang ipinabaon sa'kin ni mama e" sagot ko sa kanya sabay pout. Ahm, potpot nga pala tawagan namin. Mahirap lang ako. Ewan ba kung bakit pinag-aral ako sa private school, kapos tuloy baon minsan. Pero hindi naman kamahalan dito, semi-private ata?
"Libre na kita" ^_^ bait bait talaga niyaaaaaaaaa! Sana ate ko siya in real life. Hihi.
"Eeeeeh pot, nakakahiya! Utang na lang!" pagpapakipot ko. Hahahaha.
"Kung utang, may patong na 200% na interes ha?" seryosong sabi nya.
"Grabety lang? Seryoso? Sige na nga. Hulugan na lang kita 5 pesos araw araw pwede?" seryoso kaya siya? Payag na lang kaya ako na ilibre niya?
"Ang kuripot mo naman!"
Tatawa sana ako.
"Tabi nga! Ang babagal niyo naman maglakad para kayong nasa buwan" dagdag nung nagsalita. Hindi si potpot yun!
"Hindi ka namin kausap. Ang laki ng space oh sa'min ka pa sumisiksik!" hala ka si potpot makikipag-away ata sa lalaki? No Rhie no Rhie!
"Hi miss..." biglang sabi nung lalaki. Aish, nabighani siguro kay Rhie. Bigla rin naman siyang umalis na pagkatapos niyang sabihin 'yon. E? Ang weird niya. Matapos kaming sungitan bigla maghhi?
Anyway bumili na lang kami ng choc-o and of course pumayag na lang ako na treat niya na 'to! I love you pot!
Last subject namin at hindi kami magkakalase dahil daw darating yung mga 4th year. Pumili sila ng casts. Snow White raw yung ipplay namin. Wow! May napili na silang queen, si Jessa Quinn Perez. Hahaha tamang tama sa name niya yung role huh. May apat na dwarves din na napili sa'min. Yung iba raw sa ibang section na raw. Tapos ang prince charming may napili rin daw sa ibang section.
"Si Mijara po pwede maging Snow White".
HUH? ANO YUUUUN? Sino yon? Nye para namang ang puti ako. Ang dami diyan maputi. "Hala wag po ako ate wag po ako" pilit na ngiti ko.
Si Rhie kaya? magagalit kaya siya pag siya yung tinuro ko? Siya na lang sana. Baka pagtawanan lang ako. Mamaaaaaaaaaaaaaaa tulong. TT.TT
Nagsitaasan sila ng mga kamay. Hindi ko alam kung anong tinanong.
"Gusto ng mga classmates mo ikaw ang mag Snow White e, ikaw na lang! Cute cute mo naman e" sabi ni ateng 4th year. Tinanong siguro sila kung sino may gustong ako. Ajujujujujuu. Pinagaan pa niya loob ko para lang pumayag ako. Nubayan. Where are you potpot please help me!
"Ikaw na lang ha?" Sabay may innannounce na ulit siya. Pupunta na lang daw ulit sila bukas dito kasama yung ibang casts galing sa ibang section. Oh noooo. Ako na talaga? Pa'no ang gastos? Nye. Hala.
"Sinong Snow White ate?" sabi nung lalaking kakasilip lang sa pinto. Taga ibang section siguro? Ay! Siya yung nag 'hi miss' kanina!
Tinuro ako ni ateng 4th year. "Si Mijara" sabi niya. Hala, nakakahiya. Baka laitin ako. Kunyari na lang di ko alam na ako pinaguusapan nila. Get-yourself-busy technique. Sulat, basa, kausap sa katabi.
"Siya? Yung babaeng maliit? Yan?" sabi nung lalaki. Halaaaa, baka magsimula na siya manlait. TT.TT
Pero wala na akong narining. Umalis na siya. Pati si ateng 4th year. Hays. Buti na lang walang sinabi. Kung meron man, buti na lang hindi ko narinig.
---
Hello! may nagbasa ba nito? basahin niyo nga pala yung My dream boy vs. my boyfriend ni letterstojessica. Cute ng story no'n! http://www.wattpad.com/story/3602586-my-dream-boy-vs-my-boyfriend
----

BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Fiksi RemajaWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?