Chapter 7

2.4K 44 8
                                    

Naging malapit na talaga sa'min ni Rhie si Hans. Minsan 'pag lunch break magugulat na lang kami nasa labas na ng room si Hans, sinusundo pa kami. Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko. Kung bakit kaya kaming mga babae ang napiling kaibiganin ni Hans, bading kaya siya? Hahahaha oo promise naiisip ko 'yan. Pero tingin ko sa sobrang pagkagusto niya kay Rhie kaya ganto na lang siya kung makalapit sa'min.

Nakakainis lang kasi wala nang nanliligaw sa'kin. Laging pinapaalis ni Hans nakakainis lahat na lang hindi katiwa-tiwala ang itsura. Pero yung mga manliligaw ni Rhie hindi niya pinapaalis. Natatakot siguro siyang magalit sa kanya si Rhie sa pangingialam niya. Unfair, sa'kin 'di siya takot. -.-


 

HANS' POV

First year pa lang kami nang makita naming magkakaklase si Rhie at Mijara na naglalakad. Matangkad at maganda si Rhie kaya napansin agad namin siya ng mga kaklase ko. Lahat kami no'n type si Rhie. Kasama ko no'n sina Troy, Ken, at Charlie nakatambay sa pinto ng room kasi lunch break.

 

"Pre kunin mo number!" sabi ni Ken.

 

"Ba't 'di kayo?" hindi ko ugaling manguha ng number agad 'pag nagandahan sa babae.

 

"Pre ikaw lang pangit sa'tin kaya ikaw na" sabi ni Troy.

 

"Lul ako pa pangit ngayon" sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas.

 

"Ano na? Number pre! Chicks 'yon tae" biglang sabi ni Ken.

 

"Pre 'wag kang weak. Sige sabihin na nating ikaw pinakagwapo dito-" serryosong sabi ni Charlie.

 

"Tsss" singit ng iba

 

"Deeee magpakatotoo na tayo si Hans pinakagwapo sa'tin pero syempre gwapo rin tayo. Pre buti ikaw biniyayaan ng mala-Adonis na mukha 'wag mong sayangin pre. Kukunin mo lang naman ang number sigurado kami ibibigay sa'yo 'yon!" pang eencourage niya.

 

Hahahaha mga gunggong 'to. "E kung ganyan ba naman aaminin nyong ako LANG gwapo sa inyo e 'di pagbibigyan ko kayo..." tumayo na ako at lumabas.

 

"Hoy hindi sinabing ikaw lang gwapo.....bla bla" hindi ko na narinig palayo na 'ko nang palayo sa kanila e. Papunta ako ngayon sa dalawang babae. Mapakitaan nga yung mga gunggong.

 

Nasa likod na nila ako. Naririnig ko na 'yung pinag-uusapan nila. Ano ba 'to, tungkol sa utang.

 

"Grabety lang? Seryoso? Sige na nga. Hulugan na lang kita 5 pesos araw araw pwede?" sabi nitong babaeng maliit. Ang kulit ng boses hahaha pang bata.

 

"Ang kuripot mo naman!" singit ko sa kanila. "Tabi nga! Ang babagal niyo naman maglakad para kayong nasa buwan" dagdag ko nung pagkalingon nila sa'kin.

Bestfriend kong torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon