Hays. Inaantok pa ko. -.-
Tapos na yung play nung last week pa. Nag 1st place kami, not bad kasi first pa lang naman kami pero natalo namin ang 2nd year at 3rd year. Hihi! ^_^
After ng play, madami na nkakakilala sa'kin. Pero tawag ng iba sa'kin Snow White. Pero yung iba, alam nila na ako si Mijara. Si ate Mikay nga tuwang tuwa e. Hindi ako ang best actress, third year e. Pero nag congrats pa rin sila sa'kin hihi. Pero nakakaantok talagaaaaaa! >.<
"Hi chuchay!" may kumalabit sa'kin. Huh? Ano daw? Ako ba yun?
"Chuchay?" tanong ko. Ay si Hans pala 'to!
"Ay akala ko si chuchay ka! Sorry" tapos nauna na siya maglakad. Huh, ang weird nito. "Kamukha ko ba 'yon?" pahabol na tanong ko sa kanya.
"Ha?" sabi niya. Tumingin tingin siya sa paligid niya, siguro nag-aalangan siya kung siya ba yung kausap ko.
"Sabi ko kamukha ko ba 'yon, si Chuchay?" sabi ko habang lumalakad na rin papunta sa kanya.
"Ha? Ah, oo. Akala ko ikaw. 'pag nakatalikod lang siguro. Mas maganda 'yon sa'yo" tapos naglakad na ulit siya. Hindi niya ako hinihintay. Parang hindi kami nag-uusap. -.- 'di ko mainitindihan kung mabait ba 'to o ano. Siguro sa mga gusto niya lang na babae.
"Hi Mijara"
"Good morning, Mijara!"
"Ate Mijara!"
"Ate Snow White!"
Binabati ako ng mga nakakasalubong ko. Nginingitian ko naman sila. Nagulat ako nang pabalik sa'kin si Hans.
"Feeling mo naman sikat ka na?" biglang sabi niya nang hindi tumitigin sa'kin.
"Ha? Hindi naman gan-"
"Oo kaya. Feeling mo sikat ka na at ang ganda ganda mo?" sagot niya sa'kin. Parang yamot. Bakit niya ko sinasabihan ng ganyan? TT.TT
"Hindi naman gano'n. Bakit ba?" ang sama ng loob ko. Ang sakit niya magsalita ah.
"Ewan ko sa'yo." tapos nauna na talaga siya maglakad.
Nawala yung antok ko. Naiinis ako sa kanya. Naubos yung pasensya ko. Grabe sakit nung sinabi niya ah. Naglakad na ko papuntang room,
Nung lunch time, sa barbeque-han ulit kami kumain ni Rhie. Biglang dumating si Hans.
"Hi Rhie! Pwede sumabay sa inyo kumain?" tanong niya kay Rhie. Hindi na 'ko naiinis sa kanya, pero ayoko siya kausapin.
"Oo naman!" sagot ni Rhie nang nakangiti. Tingin nang tingin sa'kin si Hans, natatandaan niya siguro na may kasalanan siya sa'kin kaninang umaga. Sana mag sorry siya sa'kin ngayon.
Kumain na kami. Nag-uusap sila, nagiging close na sila. Ako nakikinig lang. "Pot ba't ang tahimik mo?" hala napansin ni pot.
"Ah wala pot ang sarap kasi kumain e nagfofocus lang ako! Hahaha" pilt akong tumawa. Tumawa din siya. Si Hans nakatingin lang sa'kin. Ay siguro naguiguilty talaga siya. Kausapin ko na nga siya para hindi na mahiya at magsorry na siya sa'kin.
"Bakit ka nakatingin sa'kin, Hans?" nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot agad.
"Wala hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit ikaw ang ginawang Snow White?" sabi niya sa'kin nang hindi nakatingin. Bakit 'pag kausap niya 'ko laging hindi siya nakatingin? Gano'n siya kadiri sa mukha ko? Hindi naman ako pangit ah.
Hindi na lang ako sumagot. Baka laitin ako. Natatakot ako malait at ma-judge, ever.
"Hindi ka naman maganda, maliit pa, hindi rin maputi. Bakit kaya? Bakit hindi si Rhie? Sana si Rhie na lang." sabi niya.
Ang sama niya. Ang sama sama niya. Ang sakit no'n, Maganda si Rhie pero... ang sama mo Hans. Hays. Napayuko na 'ko hindi na 'ko nakapagsalita. Nakakaiyak.
"Huy ano ka ba Hans anong sinasabi mo? Ang ganda ganda kaya ni Mijara madami nagkakagusto diyan 'no? Grabe to." pagtatanggol sa'kin ni pot. Naiiyak pa rin ako.
"S.. Sorry.." napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa'kin pero biglang nilipat kay Rhie yung tingin niya. "Sorry Rhie hindi ko na ulit sasabihin 'yon. Sorry kung nasabi ko 'yon sa bestfriend mo ha. Tapos na 'ko kumain. Una na 'ko ha?" sabi niya sabay tayo.
Kay Rhie siya nagsorry? 'di ba... 'di ba ako yung nilait niya? Grabe. Napaiyak na 'ko. Hindi ko na napigilan. Sorry, iyakin talaga ako, mababaw luha ko.
"Pot ba't ka umiiyak? Poooooot. Wag ka umiyak ano ka ba wag ka maniwala sa kanya ang ganda mo kaya. Poooooot. Ano ba pot?" inaalo na 'ko ni Rhie. Nakakahiya sa makakakita. Kailangan ko nang tumigil sa kadramahan. Nagpunas na 'ko ng luha. Ngumiti na lang ako kay Rhie at umakyat na kami sa room.
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?