Hi kay Mijara na pinsan ni Pat Mercado! Sa'yo ko nakuha yung name ng character nagandahan kasi ako e. Hi hi hi! :)))
---
MIJARA'S POV
Nakabihis na 'ko. Pakiramdam ko sa suot ko, isa akong Idelfonso. Pakiramdam ko ang yaman ko. WOW. Atleast man lang kahit isang gabi, nagmukha akong mayaman hahahaha.
*Bog bog bog
"Hindi ka pa ba tapos? Tara na baba na tayo!" kinakatok na 'ko ni Hans dito sa CR ni Honey. Nahihiya akong lumabas kasi e. O.o
"Wait lang promise 1 minute!" sigaw ko sa kanya. Nanahimik naman siya.
Wheeeew. Inhale, exhale. Kinakabahan ako. Maganda 'tong dress pero hindi ko naman alam kung bagay sa'kin. Whew.
Maya-maya sumilip ako sa labas. Nakita ako ni Hans.
"Tara na?" sabi niya sa'kin.
"Wait! Kasi ano e... mamaya na..."
"Bakit? Ang tagal ah"
"Chimooooy. Wait na lang promise"
"Ano ba kasi ginagawa mo?"
"Wala naman..."
"E bakit ayaw mo pa bumaba? Tara na!"
"Nahihiya ako..."
Natawa siya. Anong nakakatawa?
"Okay lang yan. Hindi naman nanglalait sila mommy. Kahit pangit ka hindi ka nila lalaitin"
Aish thanks. Nakakatulong ka sa kaba ko promise! Errrr!
"Ano? Tara na?"
Hindi ako sumasagot.
"Pangit ba talaga 'ko?" seryosong sabi ko.
Tinignan niya lang ako.
"Tara na kasi bumaba na tayo"
"Sagutin mo muna yung tanong ko" nakakainis may tinatanong ako hindi sinasagot.
"Kahit kailan hindi ka magiging maganda. Tara na baba na tayo"
Psh. Naglakad na 'ko. Nauna na 'ko sa kanya. Hays. Nakakainis. Pero tingin ko as bestfriend ko gusto niya lang maging honest sa'kin talaga.
"Wala kang kasing ganda" narinig kong sabi niya, pero mahina lang. Nilingon ko siya.
"HA?" first time niya ata ako sinabihan ng ganyan ah. ^_^ Nakangiti na tuloy ako :))))))
"Wala. bingi"
BINABASA MO ANG
Bestfriend kong torpe
Novela JuvenilWe all have that friend who never fails to make us smile, give us anything we need, accompany us during loneliness, and encourage us when we're almost giving up. They are much likely to call bestfriends. Can you do anything for your bestfriend?