Julia's POV
May pasok pala ngayun! Monday na pala. 7:30 na! 8 ang pasok ko. Ay bahala na. Late lang naman atleast kung malte diba atleast pumasok.
Agad agad akong tumayo at pumasok na sa cr at naligo. Siguro mga 15minutes natapos na ako. Yun na ang pinaka mabilis ko.
''BES! Late ka rin? Tara na!'' sabi ni Kath. Late din pala nagising to. Akalain mo yun.
Nakasakay na kami sa kotse. Agad agad naman kaming nakarating dun dahil malalate na kami talaga, dire diretso kami sa room. Takbo kami eh, hinayaan nalang kami ni Manong guard, mabait naman yun eh.
''Goodmorning Ms, Sorry were late.'' sabi namin ni Kath ng sabay. Thank God at si Ms.Reyes to.
"Ok lang. Next time hah!Sige take your seats."
Umupo na kami ni Kath. Yung upuan namin may naki upo.Siyempre mga babae, gusto maka tabi sila Quen at DJ eh. So, umupo nalang kami ni Kath sa dulo kung saan maraming bakanteng upuan.
Naglesson lang din ng naglesson ng nakakaboring. Alam ko na yan eh tinuturo pa,paulet ulet. Tsk!
Nagtagal na at sakawas recess na! Pumunta na kami ni Kath ng mabilis sa canteen, gutom na kami eh, di kami naka breakfast.Alam nyo naman, bawal kaming magutom,masama.
Dali dali kaming bumili at naghanap ng table. Kaya pagkahanap na pagkahanap namin ng lamesa,nilapag agad namin ito at nilamon. Oo, nilamon.
"Woiii Kathryn Bernardo, Bat di ako iniintay huh?" tinignan ko lang yung nagsalita at syota pala ni Kath, si Dj.
''Sorry , Gutom na talaga ako eh." sabi naman ni Kath na parang nagpapaawa effect pa.
''Achuchu, sige na nga. Kain ka lang dyan at baka magkasakit ka pa.'' sabi naman ni DJ. Ang PDA nila. Tsk!
''Wag PDA! Nasa school tayo.'' singit ni Quen. Aba't nandito pala to?
Nakaupo sila ngayun sa harap namin. Biglang nagtinginan si DJ at Kath. Yung nakakaloko ba. Parang may pinagtatawanan.
''WOI! Bat kayo tumatawa dyan? May nakakatawa ba?" tanong ko sakanila kasi nakakairita sila kaya iritang irita ang pagkasabi ko.
''HAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!" tawa nilang dalawa. Mukhang hindi na nila natigilan kaya natawa na sila ng malakas. Dami tuloy napatingolin. Agaw pansin din sila eh noh!Sa ngayun, katabi ko na si Quen kasi siyempre, nagtabi ang dalawang magsyotang pda na nakakairita.
Parang may tinitignan sila sa cellphone ni Kath, tapos tawa ng tawa na ewan. Yung totoo? Kakalabas lang ba nila sa mental?
''Gusto nyo talaga makita?'' tanong ni DJ saamin na parang may kakaibang tingin na nakakaloko. Parang ayoko na tignan ah!
''Akin na nga! Patingin! Anu ba kase yan,'' sabi ko na kasi nakakacurious,habang kinuha yung cp at patingin pa lang pagkatapos kong sabihin yun.
O____O
Dug.dug.dug.dug.dug
Bumilis tibok ng puso ko sa nakita ko.
Di ko alam kung bakit eh picture lang naman ito
Lintek na yan! Saan galing itong picture na to?Wala akong maalala! Nakita ko yung buhat buhat ako ni Quen at akovay walang malay.
"Hoy! Ano to huh?! Wala akong maalala!'' sabi ko sakanila na tinitignan sila ng masama. Sila naman patay malisya lang at nagpipigil pa ng tawa kaya sinamaan ko pa sila ng tingin. As in death glare na talaga!
''Anu ba kase yan! '' sabay hablot ni Quen sakin.
Nanlaki mata nya sa nakita nya.
''Oy kayong dalawa! Sira ulo kayo ah!" sabi ni Quen ng maangas na nakakatawa. Kinotongan nya si DJ.
''Anu ka ba Quen, Brutal ah, Katuwaan lang naman yan eh tsaka ayaw mo nun pag naging KAYO may remembrance? HAHAHAHAHAHAHHAHA!'' sabi ni DJ, tas tawa sila ng tawa ni Kath.
''Uii Juls, binuhat lang naman kasi kita kasi ano eh, lasing ka, alam mo naman buhatin ka nito ni DJ eh patpat to.''sabi ni Quen sabay tawa kami dahil sa sinabihan nyang 'patpat' si Dj.
''Sige ok lang. Haha! Thanks. hahahahha!'' natatawa kong sabi dahil parang naapi si Dj sa itsura nya.
''Hoy! ANUNG patpat? Sinong patpat huh?'' sabi ni DJ na kunwari naghahanap. Eh alam nya namang siya yun,or maybe,slow siya. Haha!
''IKAW!'' sabi naming dalawa ni Quen ng sabay.
Nanlaki mata ni Dj at parang naiirita siya na naiinis.
''FYI Matcho to noh. Ako pa, Diba Bebe ko?!'' sabi ni Dj at nagpacute pa kay Kath para sumang ayon sa kanya
''HAHAHAHAHHA! Sorry hindi eh.''
''Pati ba naman ikaw hindi naniniwala sakin?!'' sabi ni DJ na naiinis.
''Eh kasi naman, ok lang namna yun, wag mo ng ipilit, totoo naman sinabi nila eh.''Sabi ni Kath na natatawa pa rin. Epic ng itsura ni Dj eh!
''Ewan ko sayo!'' sabi ni DJ na nagtatampo at akmang tatayo na. Ang DAMINGGG alam!
''Eto naman oh, wag ka ng magtampo. Sige na, sorry na.'' sabi ni Kath kay DJ na hinila paupo si Dj dahil muntik na ngang umalis.
''YUCKKK!'' sabay na angal namin ni Quen sa kanila. Masyado silang sweet,baka langgamin.
''Inggit lang kayo! Tsaka maiintindihan nyo rin kami pagdating ng araw pag naging KAYO!'' sabi ni DJ na nangiinggit pa. As if Dj! As if!
Di na kami umimik ni Quen.
Pagkatapos namin kukmain, malamang pumunta na kami sa classroom at nag lesson.
*
''Juls, Pwede ba kayo mamaya ni Kath? Pasyal tayo sa mall.'' biglang tanung ni Enrique sa akin. Anu ba yan, naiilang pa talaga ako saknya dahil sa nangyari kahapon kapag naalala ko yung picture na yun. Tsk!
''Hah? Sige lang."
''Sunduin nalang namin kayo mamaya ah.'' sabi ni Quen. Sinabi ko na rin ito tungkol kay Kath, pumayag naman siya,yun pa! Gala yung babaeng yun eh!
Nakakainis yung mga babae sa paligid , ang landi! Tingin ng tingin porket kinakausap ako ng Enrique NILA! Geez, sikat talaga si Quen at Dj dito! Sobra! Nako po,kung kuyugin naman nila si Dj, ewan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)
FanfictionIsang babaeng nagmahal,pero sinaktan. Akala nya sila na talaga,akala nya forever na talaga,AKALA nya lang pala. Pero paano kung may darating na bago para sakanya? Mababago kaya buhay nya? Magiging masaya kaya ulit siya? Kailan nya ba mapapansin na...