Bahala na.

302 13 6
                                    

 Oh eto na JulQuen fans! Sa title pa lang, Bahala na. Bahala n tong update. XD

----

Jul's POV

Kinabukasan, naeexcite akong pumasok, ewan ko ba. May gana ako today! 

"Anung meron? Bakit energetic ang peg?" tanong nya habang nakatingin saakin na para bang nagtataka talaga siya. Aba sira ulo. Pero kataka taka naman talaga, kahit naman ako, ewan ko may something saakin ngayon.

"Bakit? Masama?" sagot ko sakanya. Umiling naman siya at umatras na. Baka naisip nya baka magbago isip ko. Hahaha! 

Nakarating na kami ng school at naabutan namin sa gate ang dakilang boyfriend ni Kath. 

"Yow Dj!" Tinaas ko kamao ko para itama nya rinyun kayatinaas nya rin yung kamaonya para bang nag apir yung kamao namin, kaso yung expression nya nakakatawa, parangnag aalangansiya kasi parang naninibago siya. Well.

Bumulong siya kay Kath pero narinig ko naman. "Psst, bakit ganyan yan?" ang sagot naman ni Kath "Di ko rin alam" tapos parehas silang nag taas balikat na para bang ewan nila.

Pumasok na kami sa classroom pero wala pa siya. Kaya umupo na ako sa upuan ko at nakipagchikahan kay Kath at Dj. Nasa mood nga kasi ako. Habang nag chichkahan kami bigla nalangmay umupo sa tabi ko at kilala nyon naman sigurkung sino.

"Hoy anong pinaguusapan nyo dyan!" tanong nya para makisali. 

"Wala naman, kung ano ano." sagot ko at nginitian ko siya kasi nginitian nya ako eh. Diba nga bati na kami. Bata pa lang? Nag aaway? 

Pagkalingon ko sa dalawang mag syota eh, speechless sila. Parang 'nganga' kumbaga. 

"Okay na kayo?!" sabay pa talaga nilang tanong. Ilang weeks din kaming di nagpansinan kaya sobrang nagtataka sila, hindi nga nila alam yung rason eh. 

"Oo." sabay din naming sinabi at ngumiti. Nanahimik nalang sila at tumalikod at nagbulungan. Nakakatawa sila. Parang sira.

*

Umalis yung subject teacher namin, pinatawag ata siya.  Kaya nakatunganga kaming lahat. Tumingin ako sa gilid ko tapos nakita kong nakahalumbaba si Quen at nakatingin sakin na nakatulala. Kumuot noo ko. Tapos bigla siyang ngumiti.

Shit!

Ang gwapo kainis. Bakit ganun. Lakas ng epekto nya sakin ngayon. Kaya umiwas agad ako nung ngumiti siya tapos tumingin ako sa kabilang gilid.

"Tabs, bat ka namumula?" what the heck? Tabs? San galing yun? Pero sh1t! Bigla akong kinabahan pero hinarap ko pa rin siya.

"Tabs? Tapos namumula? Ako? Ayos ka lang? Mistisa kasi ako kaya ako namumula."

"Reasons." sabi nya tapos umupo na siya ng tuwid habang pangiti ngiti. 

*

Nandito kami ngayon sa canteen, apat lang kami ngayon. Si DJ, Kath at Quen. Si Sam at Coleen nasa iba nilang kaibigan. Kaharap ko si Kath at Daniel, kaya katabi ko si Enrique.

"Uy saglit lang may bibilhin lang ako." biglang tumayo si Kath.

"Samahan na kita." sino pa ba yang sasama na yan.

"Saglit lang kami ah." paalam nila.

Kumakain lang ako kaso

"Psst." napalingon ako kay Quen.

-_-

Sinundot lang yung pisngi ko gamit yung daliri nya. Napa poker face nalang ako. Tapos siya nakangiting baliw sabay tawa. Nag make face nalang ako, para kasing baliw. 

Bigla nya nalang hinablot yung kamay ko tapos pinagmasdan nya yung bracelet na binigay nya kagabi.

"Bagay pala sayo eh." sabay comment nya, kaya bigla kong binawi kamay ko. Hindi ko nga alam kung bat ko binawi eh. Bigla kasi akong kinabahan. Ughh! Natawa nalang siya sa ginawa ko. Buti nalang dumating na agad sila Kath.

"Uy Juls, ang cute naman ng bracelet mo!" kinuha nya yung kamay ko rin tapos pinagmasdan din nila ni Dj. Tapos napakunot noo sila.

"Sorry??" sabay pa nilang tanong. Binawi ko ulit yung kamay ko kasi grabe naman sila kung makatingin parang kulang na lang isubsob nila yung mukha nila sa kamay ko.

Hindi ko sinagot yung tanong nila, pero bigla silang nagkatinginan.

"AHHHH!!!! Alam ko na!!" sigaw ni Daniel.

"Ano yun?" tanong ni Kath. Kaya binulungan siya ni Daniel, sasabihin nya yung nadiskubri niya. Tinignan ko si Quen, kumakain lang siya.

"Ahhhhh!!! How sweet!! Ano kayang nangyari?" komento pa nito ni Kathryn. Tapos tumingin siya ng nakakaloko saamin, kaya tinignan ko silang dalawa ng masama. Kaya napagdesisyunan nilang ipagpatuloy nalang ang kain nila. Good.

Magtatime na kaya buti nalang, sobrang hindi na ako mapakali kapag masyadong malapit na ako kay Quen. 

*

Pinagusapan sa room mga mangyayaring events pa. Hindi naman ako nakinig. Hinayaan ko sila dun. 

"Okay ka ba dun Juls?" nagulat nalang ako nung binanggit yung pangalan ko ni Pres.

"Eh? Ano yon?" tanong ko para ulitin nila yung sinabi nila.

"Kayo ni Quen ang sasayaw ng solo. Magaling naman kayo parehas sumayaw eh. Sila Ktah at Dj naman sa kanta solo. ANo to, irerepresent naten ang batch natin. Okay na?"

Nag nod nalang ako. Wala naman akong palag sa mga yan. Tsaka talagang may mga ganyan. No choice naman ako eh, pipilitin pa rin ako nyan. 

"As soon as possible, mag practice na kayo. Okay? Bibigyan ko kayo ng time para sa practice. Pero if may time, mag practice kayo, gets?" oo nalang kaming lahat sa sinabi ni Pres.

Kanina ko pa talaga gusto umuwi. Gusto kong isiping mabuti bakit ako naiilang ngayon kay Quen. Bakit kinakabahan ako. Kung ano na ba to. Hays. Kaya nung pagkauwi ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga. 

"UGHHHH ANO BA TO!" hindi ko alam kung anong pakiramdam ko, hindi ko alam kung masaya ba ako na naguguluhan na baliw. Hindi ko nalang masyadong iisipin. Ang iisipin ko nalang, yung sa sayaw. Bahala na. 

Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon