Dug.Dug.Dug.Dug

934 17 8
                                    

Same Time Same Date

Juls POV

Eto ako ngayon, nasa bleachers pa rin, matagal pa bago mag class. Lunch na eh, pero tapos na kami maglunch habang nanonood sa Practice ng basketball.

''Alis muna ako.'' sabi ko ng walang expression. Nilingon nila akong lahat, magkakasama kasi kami lahat ngayun sa bleachers,breaktime nila e.

''Oy san ka pupunta?''- Kath

''Kung saan saan.'' - Me.

''Sige, Ingat! Balik ka ah!.'' - Coleen.

Bumaba ako ng bleachers. Lakad lakad... lakad lakad.. Ok nakakapagod.

Yun! Umupo muna ako sa may bench.

Gosh, ang sarap ng simoy ng hanginnn. Nakakarelax. Yung tipong ang sarap mag isip isip, magpahangin.

Napatingin ako sa paligid ko.

Ting! :(

Bigla kong naalala ung isang bench dun. Kasi dun kami laging pumupunta ng EX ko, dun kami lagi nakaupo, ang saya nga namin nun eh, walang problema, parang kami lang ang tao, parang ang saya saya, Pero anung nangyari samin? Bat kailangan nya akong lokohin.

Di ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko, nung napansin ko un, pinunasan ko kaagad. :(

"Oh panyo oh." pagtingin ko sa nagsalita, nagulat ako, si Quen. Inaabot nya sakin ung Panyo pero nakatingin siya sa iba. Aish! Nakakahiya naman may nakakita sakinn!! :| Pero kinuha ko na rin ungpanyo.

"Salamat."

Tas umupo siya sa tabi ko.

" Ok lang, di mo kailangan sabihin kung bakit, iiyak mo lang yan." sabi nya sakin. Hays, pinipigilan ko ng umiyak. Nangingiyak na lang ung mata ko.

"Aishhh!! Nakakahiya badtrip naman." reklamo ko. Nakita ko siyang tumawa ng konti.

"Haha. Para kang baliw. Nahiya ka pa. Eh ako lang naman to, matagal na rin naman tayong nagkakasama nila Dj at Kath e." sabi nya.

" Eh! Ikaw kasi Epal! =_= " sabi ko sakanya. hahaha.

"Pshh! Ikaw na nga tong kinocomfort e. Talaga to. Mapagkakatiwalaan naman ako noh!" - Quen

"Teka nga, Bat ka andito? Kanina lang nandun ka sa bleachers ah nung umalis ako." sabi ko sakanya. Eh nakakapagtaka naman kasi.

"Ahh! Kasi ano, wala lang, pagkatapos mong umalis, nainip rin ako, nagpahangin lang ng konti tas napadpad dito at Nakita kita." - Quen

"Ahh, eh si Coleen?" tanong ko. Eh kasi bat nya naman iiwan GF nya, diba?

"Eh masaya naman sila dun eh, nagkwekwentuhan silang apat." - Quen

"Ahhhh"

"Naks, tumigil na siya sa pagiyak. Drama mo kasi e, pumapangit ka, wag ka ngang umiyak, Di bagay, baka mamayat ka nyann. hahahahahahha!!" Pang aasar ni quen. Sinamaan ko siya ng tingin.

Pero gumaan ung loob ko nung dumating na siya dito. Thanks Quen :)

"Eto naman joke lang. Kung makatingin ka parang papatayin mo na ako e." sabi nya sakin na parang natatakot siya. Haha.

Napatigil na lang ako at huminga ng malalim at fineel ang simoy ng hangin. Ganun din naman ang ginawa ni Quen.

* Silence*

"Salamat Quen ah!"

"Para san?"

"Basta. Salamat."

Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon