Jul's POV
"Tapos na ba kayo magpractice? Tama na yan muna kung di pa, tara kain tambay muna! Excuse naman tayo eh." Gulat nalang kami ni Enrique sa biglang pagsulpot ni Dj kasama si Kath. Parang mga kabute.
Nagpapahinga muna kase kami saglit ni Enrique habang nagprapractice. Tas bigla nalang silang sumulpot. Actually, thursday na. Ang bilis noh? Excuse kami kasi kailangan namin magpractice. Eh kahit naman sa room kami, wala kaming gagawin. Tsaka halos lahat naman ng fourth year may ginagawa at busy. Siyempre preparation sa christmas party at actvity. Siguro freshies at elem lang may ginagawa.
"May choice pa ba kami? Kahit kelan talaga kayong dalawa." sagot ni Quen tas tumayo na kami papunta sakanila. Nag ngiting tagumpay nalang sila. Bagay talaga sila. Parehas baliw.
Sinundan lang namin silang dalawa. Aba mukhang papuntang rooftop.Namiss ko yung tambayan namin dun ah. Pagkabukas nila ng pinto, lintek.
"Lintek, aba ayos ah! Naka ready na ah. Picnik ba to?" sabi ko. Pano ba naman. May nakalatag na, tapos ang daming pagkaing pang piknik.
"AYOS TO!" sigaw ni Quen sabay pumwesto na rin siya. Hapon naman na rin eh. Hindi na tanghali. Masarap yung hangin. Yung dalawa nakangiti lang. Kahit naman ako napangiti. Nakakamiss kasi yung ganto.
"Di nyo niyaya si Sam at Coleen?" tanong ko kay Kath habang kumukuha ng pizza. Naka indian sit na kami sa nakalatag at yung dalawang lalaki nilalantakan na yung mga pagkain.
"Niyaya ko kaso busy rin eh." sagot nya naman habang kumakain ng sandamakmak na fries.
"Ay ganon, nakakamiss sila eh."
"Baka naman si Sam lang namimiss mo." sabat naman nitong Dj na to.
"Parehas ko silang namimiss. Parehas ko kaibigan yun eh. Ikaw malisyoso ka eh noh!" sigaw ko sakanya sabay batok.
"Hahaha! Joke lang to naman. Alam ko namang di mo gusto yub" bawi nya pa. Oo hindi si Sam, o si enchong ang gusto ko. Meron na akong gusto.
"Oo nga napaka mo talaga Dj." sabi naman ni Quen. Tumahimik nalng ako. Kase na awkwardan ako sa sarili ko. Eh sila di naman kasi nila alam itong tinatago ko. Kahit si Kath di pa alam itong sikreto ko. Di ko alam kung pano sabihin. Ayoko namang maglihim sakanya. Pero kasi..
"Hay nako kumain na nga lang tayo." singit ni Kath sa usapan at ayun, nilantakan nanamin ulit yung mga pagkain. Nakaka goodmood.
"Hoy ikaw Daniel niready pa naten to tas ikaw lang uubos!" pagsigaw ni Kath sa boypren nya.
"Ikaw naman Kath ko, minsan lang naman tayo mag ganto eh." aba bagong tawagan. Kath ko? Hahaha!
"Osha sha, ako rin kakain na. Hehe." tignan mo tong babaeng to, matinde, kakain din pala siya. Eh mas matakaw pa nga siya kay Dj.
Grabe tong dalawang to, baka langgamin na sila. Magkatabing sweet. Makasubo na nga lang ng pizza.
"Juls, picture tayo! 1,2,3.." gulat ako kay Quen biglang tinapat agad yang iphone 6 nya saamin at nag picture. Nag pose kami parehas na sumusubo ng pizza. Naka pahiwatig pa yung bracelet na binigay nya sakin. Binigay nya sakin? Sarap naman pakinggan nun. UGH! Hindi pala, ang sagwa pakinggan. Masagwa pakinggan rin na sabi nya magpicture kami.
"Jul's, bat namumula ka? Maanghang ba yang pizza?" shit naman tong epal na Dj na to eh, namumula ba ko? Kung anu anu kasi iniisip ko. Pero alam mo ba, masarap sa pakiramdam na naamin ko na sa sarili ko tong nararamdaman ko, kahit na ako lang nakakaalam.
"Oo maanghang, wag mo nga akong pansinin dyan kayo magsama ni Kath." sagot ko nalang sa epal na yon. Tinignan ko si Quen tapos nakatingin siya sa phone nya. Tinitignan nya ba yung picture namin? Weh. Ang assuming ko. Sabi ko nga, dapat tigilan ko na to bago pa lumala...lalo.
Nang magsawa kami kumain, pareparehas kaming apat na napatingin sa view at magkakatabi. Ganto ayos namin. Dj-Kath-Ako-Quen. Sarap naming picturan. Hahaha! Ganda ng pose namin eh.
"Inaantok ako, pahiga Juls ah."pangalawang beses na nagulat nanaman ako na bago pa ako sumagot eh humiga na siya sa lap ko. Nanlaki mata ko. Kinakabahan ako eh.
Dugdugdugdugdug
Kanina pa yang heartbeat na yan eh. Napatingin ako sa dalawa, nahuli ko silang nakatingin tas nung nakita nilang nakatingin ako, umiwas sila na para bang wala silang nakita.
"Ako rin Kath inaantok na bigla akong naiinggit." sabi naman ni Dj kay kath sabay gaya sa ginawa ni Quen.
"Natulog lang, nainggit ka na?" tanong naman ni Kath.
"Hindi naman kasi yung pagtulog yung nakakainggit, yung.. Sweetness. HAHAHAH!" sabay tawa nya, natawa din si Kath. Anu bang pinapalabas nila? Mga malisyoso.
Leche kinakabahan pa rin ako, parang di ako makahinga at makagalaw. Napatingin ako kay Quen na nakapikit na. Hays. Gwapo talaga. Nang magtagal at nangawit kami ni Kath dahil sa tulog yung dalawa. Humiga din kami ng pa straight habang sila naman nakapatigilid na nakahiga sa lap namin. Gets?
Naisip ko lang. Kelan ba ko bibili ng mga regalo? Next week na pala yung event. Shet! Buti nalang patapos nakami ni Quen sa sayaw. Kinakabahan nanaman ako. Hindi dahil sa mag peperform kami, pero yung fact na kapartner ko siya at magpeperform kami ng sabay. Nang kaming dalawa lang.
Siguro next week na ko bibili or bukas basta pag sinipag. Hehe. Malapit na pala kami makagraduate. Mabuti yun, baka sakaling magkaiba na kami ng school at makalimutan ko na siya bago pa to lumala.
Naconcious nanaman ako, oo nga pala, nakahiga pa rin si Quen sa lap ko. Sarap sa feeling. Ang hirap lang, one sided love ata to. Hays. Bat ba kasi akk napalapit sakanya? Di ko na pala alam, matagal na kong may gusto sakanya. Manhid na talaga ko. O.. Manhid manhidan?
**
Linggo na. Walang pasok. Sinabihan ko naman na si quen na wag kaming mag practice ngayon kasi mamimili na ako ng mga regalo. Pumayag naman siya. Natapos na rin naman namin yung sayaw eh. Okay naman na. Hindi naman sa mayabang, pero kaya na namin yun.
Ginamit ko yung kotse ko at nagmaneho magisa papuntang mall. Gusto ko kasi ako lang mamimili kasi siyempre regalo to kaya dapat surprise. Dami kong echos. Nakapag ipon naman ako para sa pangregalo. Para naman maganda ganda mabili ko. Siyempre bumilo muna ako sa potato corner ng fries pampagana. Pagkatapos ay naglibot na ako.
Bumiii muna ako ng pang exchange gift. Yung hiniling ng nabunot ko.
Pagtapos kong bumilo ng pang exchange gift, ang una kong naisip na regaluhan naman ay siyempre si Kath. Alam ko na agad bibilhin ko dun. Yung pabango ni taylor swift at yung album nya. Matutuwa yun for sure. Bumili ako ng dalawang pabango at isang album ni taylor at keds. Sure ako wala pa siya nun kasi bagong labas lang to lahat eh.
Sunod ko namang naisip eh si Daniel, siyempre, boypren ni kath. Ano kaya? Alam ko na. Sapatos. Naghanap ako ng maganda na kicks. Nakikita ko kasi mahilig si Dj dun kaya yun nalang. Hahaha.
Binilhan ko rin nanay at tatay oo ilalagay ko nalang sa ilalim ng christmas tree. Binikhan ko na rin parents ni Kath. Siyempre naman, pasko mgayon. Its better to give than to receive.
Siyempre di ko naman malilimutan si Quen, siya talaga una kong naisip regaluhan bukod kay Kath at Dj. Wala lang talaga akong maisip. Ano kaya?
Hmmm. Eh kung kumpletong outfit? Or watch? Or shoes din? Ano kaya? Mukha naman siyang mayaman at parang wala ng kakailanganin. Nuh ba yan kinakabahan ako.
Isipan nyo naman ako ng ireregalo sakanya oh? Please. Wala akong maisip.
BINABASA MO ANG
Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)
FanfictionIsang babaeng nagmahal,pero sinaktan. Akala nya sila na talaga,akala nya forever na talaga,AKALA nya lang pala. Pero paano kung may darating na bago para sakanya? Mababago kaya buhay nya? Magiging masaya kaya ulit siya? Kailan nya ba mapapansin na...