Kaya pala

266 15 9
                                    

Long time no update. Hehe. Sorry. Short ud lang to. Pag maraming votes and comments, gagawin ko lahat maka update lang agad. :)

Btw, may bagong cover na ang story na to, maganda ba? Gumawa nyan si sweetbish search nyo, pwede rin kayo pagawa sakanya imessage nyo lang. 

Try nyong basahin 'WHEN DESTINY PLAYS' ni sweetbish :))

\Julia's POV

"Ganto kase." Kanina pa kami dito nag prapractice ni Enrique para sa dance chuchu event na yan. Bakit ba ko nakasali dito? Umoo ba ko? Di ko na matandaan eh.

Kanina pa ko di nakakafocus dito, di ko alam kung bakit, o kunwari di ko alam kung bakit sa sarli ko. Anggulo.

Di tuloy ako makasabay sakanya sa dance steps, korny eh. Pang couple yung dance. Bakit ba kasi eto yung pinili nila na gayahin namin? Kainis. Tusukin ko mata nila eh. Ano nga bang event to?

"Wait Quen, para san nga ba tong sayaw na to? Anong event?"

"Nagprapractice ka ngayon tas hindi mo alam kung para saan?" Nangiti nalang ako ng nakakaloko. Napailing nalang siya.

"Di ko rin alam eh." Napa pokerface nalang ako. Di rin pala alam bwiset.

So ang kinalabasan tinext ko si Kath, at sabi nya, para daw to sa Christmas Party. May kung ano ano pang mangyayari bago mag celebrate sa kanya kanyang room. Aba, malapit na pala christmas, ngayon ko lang narealize. Ay, december na ba.

Di ko na alam nangyayari sa mundo ah. Parang ang tagal na. Dami na palang nangyari ano. Bilis lumipas ng araw naman. Malapit na pala kami mag college. Ugh!

Pinanood ko nalang si Quen sumayaw, nakakapagod eh. Muntanga tuloy siya, magisa lang sumasayaw eh dapat may kapartner yun. HAHA!

Tumayo na ko at sumabay nalang din sa pagsayaw para matapos na.

Geez. Kinakabahan kase ako e. Nakaka- ilang pag nagsasayaw kami..

"Oh sige bukas nalang ulit. Marami naman na tayong napractice." Sawakas! Buti naman nakaramdam na siya ng pagod. Buti pa sila Kath, kakanta lang. Eh kami? Sasayaw. Magkakabisado pa. Napakadaya ng mundo.

Niligpit ko na mga gamit ko at ready to go na. Nagugutom na rin kase ako. Gusto ko ng umuwi. Sabado naman ngayun. Next week friday na pala yung event. So it means, next next week na ang Christmas. Aba, ngayon ko lang narealize. Yessss!! Sembreak na!! Malapit na!! Pero, kailangan ko na atang mamili ng gifts. Masaya to!

Lalakad na sana ako, kaso

"Juls, kain tayo."

"Uhmm.. Sige lang." Di na ko nakatanggi,gutom na rin kase ako. Sinundan ko na siya maglakad, papunta kami sa parking lot, dito kase kami sa school nagpractice.

**

Dito kami kumain sa Max. Dun siya umistop e. Bumaba na ko at naghanap ng table for two. Umupo na rin siya at may lumapit saaming waiter.

"Juls anong gusto mo?"

"Kung ano sayo ganun na rin akin." Di naman ako choosy sa pagkain e. Hahaha! Pag gutom, ganun talaga. Umorder na siya at umalis na ang waiter.

"Tahimik mo ata Juls ngayon."

"Tahimik naman talaga ako. Hehe." Pero totoo, may something sakin kainis.

"Ikaw? Tahimik? Kelan? Ngayon lang." Aba sira ulo to ah. Tahimik naman talaga ako ah?

"Ewan ko sayo!" sabi ko nalang. Wala talaga akong masabi. Hays.

"Bagay naman pala sayo yang binigay ko eh." sabi nya nanaman.

"Ganun talaga pag maganda nagsosoot."

"WOW! Taas ng confidence hah!" Parang gulat na pang asar na sabi nya.

"Totoo naman eh." sabi ko sabay tawa. Hahaha! Grabe kung ano ano sinasabi ko, pero totoo naman eh.

"Ewan ko sayo, oh ayan na pala pagkain, kumain ka na nga dyan ng tumaba ka pa lalo." tinignan ko siya ng masama. Mataba nanaman? Ang payat ko na nga eh! Natawa lang siya saken.

***

Hinatid na ko ni Quen sa bahay namin. Wala nan kaming ginawa kundi mag asaran. Kesyo ang taba ko daw. Mag diet naman daw ako. Tas pagtatanggol ko sarili ko at lalaitin ko rin siya.

Dumiretso na ko sa kwarto ko. Nagbihis muna at tsaka nahiga. Nakatingin lang ako sa kisame at parang lutang.

Naaalala ko yung mga panahon pag kasama ko si Quen. Tuwing natutulala ako, yun lagi naiisip ko. Nakakainis! Badtrip  lang.

"Anu ba na talagang nangyayari sakin??" Lagi nalang kase akong ganto. Tipong hihiga nalang at yun ang maiisip.

Inisip ko ng inisip.

Hays. Ayoko na nga!! Oo na sige na alam ko na. Dinedeny ko nalang palagi. Oo na yun na nga ata yun.

Nahuhulog na ko sakanya. Gusto ko na siya.

Gusto ko na si Quen.

Matagal na siguro, ngayon ko lang narealize, oh todo deny lang ako?

Kaya pala kinakabahan ako kapag nandyan siya,minsan naiilang pa ako, nung nagkahawak kamay namin nun parang nakakakuryente, tas kung minsan namunula ako kapag nandyan siya. Basta kung ano ano pa. Lalo na nung nagsorry siya sakin, sobrang sarap sa pakiramdam. Tas lagi kong tinitignan yung bracelet na yun. Ingat na ingat. Kaya pala ang sakit nung sila ni Coleen.Kaya pala.

Pano na to? Ayoko ng ganto. Masakit to. Magkaibigan lang kami. Masakit to. Ayokong mahulog pero wala na, nahulog na ko at walang sasalo.

Magiging awkward na lagi dahil dito sa narealize ko. Pero hindi, dapat normal lang. Kailangan tulad pa rin ng dati. Gagawin ko ang lahat para lang maging normal pa rin ang galaw ko. Itatago ko na lang tong nararamdaman ko.

Mas mabuti na yun.

Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon