Dj's POV
Wow! May pov ako? Long time no POV ako ah?
Teka teka,andito ako ngayun sa gym pa rin kasi nagkakagulo kasi nanalo kami. Nandito kami nila Sam,Jon,Robi at iba pang varsities. Except nga lang kay Quen, nasan ba yun?
Pero speaking sa sira ulong yun, aba pucha dahil sa kanya nanalo kami. Hindi ko alam pero ganadong ganado siya,eh ang tamad tamad nga nyan sa practice. Nakakaloko tong lalaking to eh! Tapos kanina bago magsimula game,sobrang seryoso parang nakakatakot nga itsura eh! At isa pa,pansin ko buong game,para siyang may galit dun sa taga kabilang school kanina,yung lalaking apilido 'Dee'. Pano ba naman lagi nyang inaagawan ng bola at hindi nya talaga hahayaang makashoot yon. Pero ayos na yon kase dahil sa pinaggagawa nya,nanalo kami.
Nakakatawa nga kasi yung 5seconds nalang para manalo,yung sumigaw si Juls, Haha! Sabi ko 'nako panalo na kami neto',shomoot nga! Hahaha! Alam na!
Oh andyan na pala si Quen eh!
"Woy! Bakit pulang pula ka Quen?" tanong ko kasi pulang pula talaga siya.
"Wala to!Tsk!" sabi nya. Weirdong tao -_-
"LETS CELEBRATEE GUYSSS WOHOO" sigaw ng coach namin. Anu ba tong si coach ang ingay masyadong proud.
Yes may celebration woho. Sigurado kasama buong team namin yes woho!
"Kasama ang mga ibat ibang players pa sa iba" dagdag ni coach ibig sabihin kasama ang VB girlz?badminton?soccer? Woho party party masaya ito!
"Uy bebe ko may party tayoo mamaya hehe." sabi ko nang biglang lumapit sakin bebe ko.
"Wahhh yeheyyy, congratsss bebe ko ang galing galing mo talaga." sabi nya pa, hehe,proud ng girlfriend ko. :">
"Para sayo bebe ko." ang baduy namn alam ko pero mahal ko yang girlfriend ko hihi. Tapos nakita ko pa siyang namula hehe kinikilig sya.
"Bebe ko nagblablush ka." sabi ko tapos bigla akong binatukan. Sweet eh noh.
"Ikaw kasi eh!"
Jul's POV
"May celebration mamaya hah! Kasama ang iba pang team,halos buong school rin. Sa bahay daw nila DJ." sabi saamin ni coach.
"Nga pala Montes, maraming salamat talaga! Sobra akong humanga nanaman sayo,buti naisipan mo! Umatend ka sa celebration mamaya hah" dagdag pa ni coach. Nginitian ko siya bilang sagot.
Hinanap ko si Kath,at ayun pala kasama si Dj at Quen kaya lumapit ako sakanila. Nakaupo sila sa bleachers eh, buti nalang konti nalang mga tao.
"Uy Juls!" papalapit na sana ako kela Kath kaso tinawag ako ni..
"Sam?" ilang days ko na siyang hindi nakakausap.
"Long time no talk,by the way, ang galing mo kanina, i never expect na naglalaro ka pala,and parang kilalang kilala ka talaga dito,akala ko hindi ka naglalaro what you've said nga."
"Hehe,ganun eh,masyadong long story."
"Ganun ba?Well, congrats!" sabi nya tapos kinindatan ako sabay alis. Napa kibit balikat nalang ako at dumiretso na kela Kath.
"Uy Juls!" sigaw sakin ni Kath. Parang ang dami ng nag 'Uy Juls' sakin ah! Ganito pwesto nila Dj-Kath--Quen kaya tumabi ako dun sa gitna ni Kath at Quen.
"Hoy ikaw Juls wala kang sinasabi magaling ka pala! Pa humble ah!" bungad sakin ni Dj. Sira ulo to. Kaya nakatanggap ng batok kay Kath.
"Baliw!" sabi ko dahil totoo namang baliw siya.
"Nga pala Juls, umatend tayo mamaya sa celebration ng pagkapanalo ah! Wag kang Kj!"sabi ni Kath sakin.
"It depends." pagkasabi ko nyan nakatnggap ako ng batok.
"Eto napaka Kj! Nako,kailngan sabay tayong pumunta dun nph! Minsan na nga lang eh!" sermon pa nya.
"Ikaw bebe ko kanina ka pa nambabatok sakin eh,ngayun naman si Juls!" singit pa ni Dj.
"Hehe sorre"
Tumingin ako sa gilid ko na si Quen. Bat tahimik siya?
"Bat ang tahimik mo ata?"
"Wala." sabi nya lang. Wow ang tipid natin ngayun ah! Nakakapanibago. Kanina nung kinausap ko siya dun yung bigla siyang tumabi sa tabi ko,okay pa naman siya,teka nga,anu ba yan naalala ko nanaman, kasi parang may nag something spark kanina,tapos feeling ko nung sinabi kong ang galing nya namula siya tapos namula din ako,buti nalang bigla siyang umalis.Para nga siyang nahihiya nun eh!
"Eh? Sure ka? Parang ang lalim ng iniisip mo eh!" dagdag ko pa,kasi naman nakatulala lang siya na parang naiinis at ang lalim ng iniisip.
"Uy mauna na kami ah!" biglang singit ni Kath.
"Ge lang,ingat!" sagot ko sakanila. Tsk!
"Kitakits mamaya hah! Hoy ikaw Juls susunduin kita!" pagbabanta pa sakin ni Kath.
"Oo na nga! Kulit mo ah!"
Tinignan ko si Quen, tahimik talaga siya,para siyang may iniisip or naalala na something,
"May pupuntahan ka pa?" bigla nyang tanong,
"Ah--eh wala."
"Tara tambay tayo sa likod ng school dun sa may garden." pagkasabi nyan bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa kamay at naglakad.
dug.dug.dug.dug
Wews, namiss ko yang ganyang kabilis na heartbeat. Nanyayari yan talaga tuwing hinahawakan nya ko sa kamay o pag may ginagawa siya saken. Tsk!
Wala naman akong nagawa hanggang sa nakarating kami sa likod ng school,yung may garden,eh bumibilis pa rin tibok ng puso ko.
Bigla siyang nahiga sa damuhanbsa ilalim ng puno. Infaitness,ang ganda dito,bukod sa rooftop, meron din palang ganito pwedeng tambayan. Masarap din ang hangin. Nakatayo pa rin ko habang tinitignan ko siya humiga at
pumikit sa damuhan.Kaya naisipan ko ring tumabi sakanya kaso nakaupo ako.
Pasimple ko siyang tinitigan,ewan ko ba, badtrip kasi na maa to rh,para namng di ko siya nakikita araw araw kung tumingin.Tsk! Di ko macontrol.
Sobrang tangos ng ilong nya,makinis,walang pores, mabango, maputi,kissable ang lips. Tsk! Mukha siyang babae! De joke,pero inaamin ko naman na gwapo siya, sge na hindi ko na talaga idedeny, eh kaya nga naman siya hearthrob.
"Tapos ka na bang silipsilipin at kabisaduhin ang bawat parte ng mukha ko?"
O__O
"Lah. Anung pinagsasabi mo dyan?" nag maang maangan ako kahit tinititigan ko naman talaga siya.
"Deny pa,alam ko namang gwapo ako." dagdag nya pa. Kita ko na nag smirk siya! Pumikit nanaman siya.
Awkward Silence...
"Sino yun?" nagulat ako nung bigla siyang nagsalita at nagtanong habang nakapikit pa rin siya
"Anung sino yun?" tanong ko sakanya,bigla bigla kasing nagsasalita eh,baka nanaginip,pero imposible,mukhang gising naman siya nung sinabi nya iyon.
"Yung nakabangga mo kanina."
O___O
"Nakita mo??!!!"
"Oo."
Silence....
Ang awkward..
"Ano na?" dagdag nya habang nakahiga at nakapikit pa rin siya. Napabuntong hininga nalang ako. No choice.
"Yung EX ko."
"Yung mahal mo ng sobra? Yung dahilan kung bat ka nag bago?" tanong nya na kalmado lang.
" Minahal lang,pero hindi na ngayun. Oo siya yun." Nakita kong dumilat na siya at umayos ng upo. Pagkasabi ko nun,tumahimik siya.
Ang seryoso n atmosphere. Anu bang meron?
"Sos,yun na pala yon, di hamak na mas gwapo naman ako dun noh." ang basag nya sa katahimikan -____________-
BINABASA MO ANG
Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)
FanficIsang babaeng nagmahal,pero sinaktan. Akala nya sila na talaga,akala nya forever na talaga,AKALA nya lang pala. Pero paano kung may darating na bago para sakanya? Mababago kaya buhay nya? Magiging masaya kaya ulit siya? Kailan nya ba mapapansin na...