Julia's POV
HMM... Ayun, lagi na saaming sumama si Coleen. 2nd bestfriend ko na nga siya eh. Never talaga siya gumawa ng masama saamin, puro kabaitan.
Tas naging mas close pa sila ni Quen, ewan ko ba itong nararamdaman ko pag nakikita ko silang sweet. Friends lang naman kami ni Quen. DIBA? Friends lang. Wala ng iba.
Araw araw, magkausap na sila, parang sila nga e. Mukhang paparating na dun. Masakit man isipin. Di ko alam pero parang may nafifeel ako na hindi ko gusto..
*
Magkasama kami ngayun ni Kath at DJ.
Si Kath, bigla akong kinausap.
''Juls, binalaan na kita e, tignan mo, mas close na sila ngayun. At parang may something na sakanila. '' sabi ni Kath saakin.
''Sus, anu naman? Ayaw mo nun?! May bagong loveteam.'' sabi ko *sarcastic*
''Weh? Never ka bang nahulog kay Quen? Alam ko naman na meron. Si Quen nalang kasi!"
Hindi naman sa pagiging bitter. Pero hangga't maari ayoko muna ng love love na yan. Atsaka ewan ko! Basta alam ko, kaibigan ko lang si Enrique. KAIBIGAN lang.
"HINDI NGA!"
"Weh? Bitter?!"
Kath's POV
Alam ko naman, na may gusto na si Juls kay Quen, kilala ko yan e, alam kong unti unti na nyang nagugustuhan si Quen.Ayaw nya lang aminin, kasi takot na siyang mag mahal muli, na masaktan ulit, ayaw nya na mangyari pa sakanya un.
Sa totoo lang, last year lang ung nangyari sakanya e, third year kami, kitang kita ko ang mga pangyayari.
''Juls, Kath, tulong naman, may plano ako , liligawan ko na si Coleen.'' sabi ni Quen. Omaygawd! Di pwede ito! Nako. Vote ko siya for Juls eh! Matagal tagal na rin kasi simula nung magtransfer sila Coleen dito.At masyado na silang nagiging close. Pero iba pa rin yung 'tingin' ni Quen kay Juls at nakikita namin yun ni Bebe Dj ko.
''Ah, eh, sige, ano bang plano?! '' sabi ni Juls. Tsk! Sige! Bahala storya nyo dyan!
''Ano ba dapat ang unang moves ko dun?! '' tanong ni Quen samin.
'' Basta, tanungin mo lang siya kung pwede mo ba siyang ligawan, tas ayun mag start ka na, bigyan mo na siya ng kung anu ano, hatid sundo, tas pakiligin mo. Ayun lang. sabi ni Juls. Pano nya ba kasi nakakayanan un?! Kainis talaga itong babaeng ito. sasakyan ko na nga lang. Super Indenial siya!
''Ay oo nga, ganun lang gawin mo.'' sabi ko na parang nag aalinlangan pang sabihin.
''Ganun lang ba un? Sige, salamat. Da best talaga kayo!'' sabi ni Quen, tas umalis na siya. Pero tinignan si Juls na parng alam nyo na.. Isa pa to si quen eh, masyadong mahina. Di rin nya alam tunay na feelings nya. Shete kayo! Stress!
Julia's POV
WOW lang. Ang bilis, oh diba? Nililigawan nya na si Coleen? Ang saya naman! Oo masaya! Di ako bitter ah!
Pero bakit parang may nararamdaman akong kirot? Imposibleng gusto ko siya! Pero hindi nga ba? Ay siyempre hindi.
Pero may nafeel talaga akong masakit. Ewan ko! Lilipas din ito.
''Tara Kath, uwi muna tayo, tulog tayo sa kwarto ko.'' sabi ko kay Kath.
''Juls, Okay ka lang ba? '' sabi ni Kath.
''Oo okay lang ako, kaya tara na!'' sabi ni ko naman sakanya na nagmamadali ng umuwi.
''Dj, uwi muna kami huh, mamaya nalang, sabihin mo kela Quen at Coleen na umuwi na kami ah! Love you!'' sabi ni Kath kay DJ.
''Sige, bye Kath! Love you too, Ingat kayo!'' sabi naman ni DJ.
DJ's POV
Nung umalis na sila, pinuntahan ko na sila Quen at Coleen, kadiri namn to, naglalandian!
Chickboy talaga to si Quen. Buti pa ako, nagbago na. Stick to one! :D
''Oy kayong dalawa, umalis na pala si Kath my loves at Juls.'' sabi ko sa kanilang dalawa.
''Ay ganun ba? Bakit daw? Kamusta si Juls? Sige, uwi na rin tayo, hatid muna natin si Coleen'' sabi ni Quen. Wow huh! Batukan ko to e. Nagalala kay Juls tapos biglang coleen?
Sumakay na kami sa kotse ko. Ako nag dra-drive, si Quen sa Shotgun seat, si Coleen naman, nasa likod namin.
Nandito na kami ngayun sa tapat ng bahay nila Coleen. Maganda at malaki naman. Rich Kid din kumbaga.
Bumaba si Quen at pinagbuksan ng pinto si Coleen. Pagkababa ni Coleen, sinalubong siya nung kambal nya na si Sam.
''Salamat sa pag hatid kay Coleen.'' sabi ni Sam.
''Welcome''. sabi naman ni Quen.
Sumakay na si Quen sa kotse ko, parang nababadtrip.
''Ano PROBLEMA mo?'' sabi ko. Para kasing naiinis na ewan.
''Ewan ko ba, kasi parang di ko gusto yang si Sam, naasar ako sakanya kahit wala siyang ginagawa. '' sabi nya naman na parang iritang irita.
''Hhahahaha. Sira ulo ka lang talaga. Joke lang.'' Sabi ko naman.
''Maiba ako Quen, Bat niligawan mo si Coleen? Eh diba si Juls talaga ang gusto mo sa pagkakaalam ko?" tinanong ko na siya. Eh kasi ang gulo nya eh!
''Ah eh, ewan ko. Kasi hindi naman ako napapansin ni Juls. Ang alam ko eh, gusto ko si Coleen."
''Pre, niloloko mo lang sarili mo, sa mga dahilan mo, halatang Juls ka pa rin e, pinipilit mo lang na si Coleen, kasi ayaw mong masaktan si Coleen at gusto mo ng makalimot dahil sa tingin mo wala kang pag asa. Pre, dapat hindi tayo sumusuko.'' sabi ko naman
"Oo gusto mo si Coleen, mahal mo ba?" dagdag ko pa.
Napatahimik siya sa sinabi ko. mukhang napaisip siya. Alam kong alam nya kung sino ang mahal nya. Indenial naman siya ngayun. Pero alam kong alam nya.
''Pinapaasa mo lang si Coleen eh. Kahit anung gawin mo, hindi agad agad natatanggal ang feelings mo kay Juls, nandyan lang yan, kahit anung pilit mo. Mas masakit yun kay Coleen pagdating ng araw. Oh sige na, bumaba ka na, andito na tayo.'' sabi ko naman na parang pagod na.
Lumabas na siya na 'lutang'.
Si Coleen nga ang gusto, si Juls naman ang mahal. Sabi ko sa isip ko. Pero hayaan ko na siya, desisyon nya yun, kung give up na siya, edi give up na siya, basta ako, Kath lang forever, At hinding hindi mababago un.
Ginusto nya yun, Alam ko namang alam nya na mahal nya si Juls.
Ma text nga si Kath myloves.
To:Kathmyloves
Kath, kamusta naman kayo dyan? Okay ka lang ba?
From Kathmyloves:
Okay lang ako DJ, Ewan ko lang si Juls. Medyo masama pakiramdam nya e. Mamaya nalang tayo mag text, I love you. ♥
To: Kathmyloves
Sige, ingat ka, I love you more. Wag ka na magreply. Bye! :) ♥
Sweet namin no? Mahal ko yan!
BINABASA MO ANG
Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)
FanfictionIsang babaeng nagmahal,pero sinaktan. Akala nya sila na talaga,akala nya forever na talaga,AKALA nya lang pala. Pero paano kung may darating na bago para sakanya? Mababago kaya buhay nya? Magiging masaya kaya ulit siya? Kailan nya ba mapapansin na...