Namiss ko to.

367 21 6
                                    

Jul's POV

Dumaan ang mga araw, hindi pa rin kami nagpapansinan. Actually, yung totoo lang, nakakamiss rin pala. Kasi siya eh, pinikon niya ako! Bahala siya dyan. Kaso mukhang wala rin naman siyang pake kahit di ko siya pansinin, dedma lang din siya. Hays.

Naglalakad ako sa hallway habang iniisip yan, kaso biglang may nabunggo ako. Wrong timing, masyado akong isip ng isip yan tuloy.

"Ay sorry sorry." sabi nung nakabangga ko habang nagpupulot din siya ng books na hawak ko katulad ko. Teka, pamilyar yung boses na yun ah?

Tumingala ako para tignan kung totoo nga ba yung naisip ko, at oo nga, siya nga.

Dug.dug.dug.dug.dug.dug

Shet namiss ko tong pakiramdam na to. Ilang araw na rin nakalipas simula nung di ko na naramdaman tong dug.dug.dug.dug ng heartbeat ko. Nakakamiss.

Binilisan ko yung pagkuha ng books ko at kinuha yung mga inabot nyang books na pinilot nya rin at nagmadali na akong maglakad ng papalayo kay Quen.

Nagdirediretso ako hanggang sa gumilid ako sa wala masyadong taong lugar. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal sa pagmamadali at sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Ughhh bakit ba ako nagkakaganito?" bulong ko sa sarili ko. Para kasi akong tanga eh. Pero di ko namalayan nakangiti na ako. Geez! Galit ako sakanya okay? Tsss. Napapa-iling nalang ako sa sarili ko.

"Huy!" 

"Ay palaka ka!!" nagulat ako nung may biglang nagsalita.

"Anu bang ginagawa mo dyan? Bat parang kabang kaba ka?" tanong sakin nitong mokong na to.

"Wala ka na dun! Asan na ba yung girlfriend mo?" tanong ko kay Dj Parang timang kasi eh, sumusulpot nalang bigla eh.

"Eh nag cr eh, iniintay ko nga eh. Oh sige na una na ko baka lumabas na sa cr yun." sabi nya at tinap ako sa balikat. Tumango nalang ako.

Pumunta na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Wala pa siya sa upuan nya, pati yung dalawa na si Djat Kath.

"Hi Julsss!!" napatigin ako kung sino yung tumawag sakin nun, yung kambal pala.

"Kamusta Juls?" tanongnila sakin.

"Okay lang naman! Parang ang tagal nating di nagkita ah?" biro ko.

"Lagi ngang nagkikita pero di naman nakakapagusap." sabi ni Coleen. Sabagay..

"COLEEEN!!!!" bigla bigla nalang mau tumawag kay Coleen, yung kaklase namin. Siguro may gagawin sila. 

"Sige sandali lang ah!" tapos lumapit na siya dun sa tumawag sakanya. Ang natira nalang si Sam.

"Hi Juls!" pagbati nya sakin tapos umupo siya sa upuan ni ano. Nginitian ko siya biglang pagsagot. Kaya ngumiti rin siya pabalik.

"So, hmm, anong problema?" tanong nya habang nakangiting nakaharap sakin. Nginitian ko siya ng pilit na konti.

"Wala naman.." 

"Ehemm." napatingin kami sa nag 'ehem' umiwas nalang agad ako nung nakita ko kung sino.

"Oh pare, sorry, kinausap ko lang si Juls. Sige dito ka na ulit sa upuan mo." sabi ni Sam at tsaka na siya tumayo at umupo na rin si Quen. Nakita kong tumingin siya sakin sa gilid ko. 

**

"Sige na Kath, una ka na. May pupuntahan lang ako. Ayoko pang umuwi eh. Maglalakad lakad lang ako. Mag lalakad nalang ako paguwi or mag cocommute." paalam ko kay Kath habang nagaayos kami ng mga gamit namin para mag si uwian na. Ayoko pang umuwi eh. 

Kailan?! :O (JulQuen and KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon