Chapter 3
"CUT!" Sigaw ng ni Sir Jonas.
Yeah siya pa rin ang director ko ngayon dahil same teleserye lang naman ang tinetaping namin ngayon. Naging mailap nga lang siya sakin simula nung huli naming pag uusap. Aba dapat lang! Kairita siya kausap kala mo naman kung sino.
"Galing mo talaga, Ive!" Sabi sakin ni Collins.
"Thank you! Ikaw din! Great work!" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"I have to. Ikaw kasi ang partner ko kaya kailangan kong galingan." Napakamot pa ito sa batok na parang teen ager na nahihiya. Gusto kong ngumiwi at irapan siya pero tinawanan ko na lang.
"Ano ka ba? Ako lang naman to." Natatawang wika ko pa dito. Inilibot ko ang paningin ko para maghanap ng pwede excuse para makaalis na sa harap nitong lalaking to.
"Ah. Sige Collins. Sa tent muna ako. Magpapahinga lang." Paalam ko dito at umalis na ng hindi siya pinagsasalita.
Nang makarating ako sa tent ko ay pabagsak na umupo ako sa foldable chair na nandoon. I'm so tired! That feeling na tapos na yung scene ko for acting in a movie pero kada may kaharap akong tao ay kailangan ko pa rin umaktong mabait. Sanay naman na ako kaso nakakapagod lang talaga minsan.
"Here." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Ryker na may inaabot na tubig sakin.
"Thanks." Binuksan ko ito at uminom doon. Si Ryker naman ay nakatingin lang ng diretso sa salamin na nasa harap namin.
"You're so stiff." Bulalas ko nang matapos akong uminom ng tubig.
"I'm not." Simpleng sagot nito.
"Tignan mo kahit sagot mo napaka ikli. Can you be madaldal sometimes?" I asked him looking at our reflection in the mirror.
"My job is to be your bodyguard not to be your entertainer, Miss Ivelisse." He formally answered.
I scrunched my nose because I am starting to be irritated by him.
"You're so boring. Wala ka sigurong sex life." I stated. But it is impossible na wala siyang sex life! Aaminin ko ang gwapo at ang hot niya kaya imposible talaga.
"I don't have time for sex, Miss Ivelisse." Sagot nito habang diretso pa rin ang tingin sa repleksyon namin sa salamin.
"Seryoso?! I mean, you're gwapo and hot! Papasa ka na ngang model tapos wala kang sex life?" Gulat na tanong ko rito.
"I am attractive in your eyes now huh?" Doon bumaba ang tingin niya sakin nan kanina ay diretsong diretso lang.
"I'm just being honest." Inirapan ko ito saka ipinikit ang mata.
Napapansin ko lang na parang hindi pa ako nagiging mabait sa kanya kagaya ng palaging ginagawa ko sa ibang tao. Palagi akong nagsusungit sa kanya o kaya ay kinukulit siya. Pangalawang araw niya pa lang bilang body guard ko pero yun talaga yung napansin ko eh.
Napamulat ako nang biglang may maramdaman akong kamay sa sentido ko. Una kong nakita ang repleksyon ko sa salamin bago ang kay Ryker na nakatingin sa mismong mukha ko habang hinihilot ang sentido ko.
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil ansarap pala sa pakiramdam ng paghilot niya doon. Napangisi ako nang may maalala akong sinabi niya kanina.
"Akala ko ba your job is to be my body guard bat ngayon hinihilot mo na ako?" Tanong ko pa dahilan para matigilan siya sa paghihilot sakin.
"Pagmamalasakit ang tawag dito, Miss Ivelisse." Sagot pa nito saka inalis ang kamay sa sentido ko.
Mabilis na hinuli ko ang kamay niya at inilagay ulit sa sentido ko.
BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
Genel KurguIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...