CHAPTER 33

66 17 2
                                        

Chapter 33

HINDI  talaga ako umasa. Promise! I didn't expect na gagawin niya talaga ang sinabi niya kanina. As he said, he will be back for dinner kaya ngayon ay nandito siya sa harap ko at inilalagay sa table ang mga dala dala niyang pagkain na nasa tupperware.

"Gisingin mo na si Lumi. Baka maalipasan siya ng gutom." Sbai nito sakin habang ako ay nakatitig pa rin sa ginagawa niya.

Medyo lutang pa rin ako dahil kakagising ko lang din naman. Kung hindi pa dadating si Ryker ay hindi pa ako magigising. Napatingin siya sakin nang makitang hindi pa rin ako kumikilos.

"You're still sleepy?" Tanong niya sakin.

"Nah." At saka siya tinalikuran para puntahan si Lumi sa kwarto niya.

Katulad ng nakagawian kapag gumigising si Lumi ay hindi ko siya masyadong kinakausap ngunit nang makababa kami ay nagulat na lang ako nang si Ryker pa ang una niyang batiin kaysa skain na una niyang nakita paggising niya.

"Good evening po, Dada!" Parang biglang nawaala ang antok ko nang marinig ko iyon.

"Good evening too, Lumi." Nakangiting bati din ni Ryker.

"Up! Up!" Sabi ni Lumi habang nakaangat nag kamay kay Ryker.

Binuhat naman ni Ryker si Lumi na parang gusto pang matulog muna sa balikat niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at parang naiiyak sa nakikita ko. Ang makitang sobrang close nila ay sobrang nakakapag paiyak sakin at the same time ay natutuwa ako.

"Lumi, baby. Sit on the chair. Y-Your D-Dada won't be able to eat." Pagsasabi ko kay Lumi.

"But I want him. He's warm." Nakangusong sabi ni Lumi.

Magsasalita pa sana ako at sasawayin siya nang sumabat si Ryker.

"It's okay. I can still eat while she's sitting on my lap." Sabi nito habang nakatingin pa rin kay Lumi.

Napairap na lang ako at umupo na lang sa upuan na nasa harap nila. Habang kumakain ay nag uuusap ang dalawa habang ako ay parang hangin na nakaupo lang sa harap nila.

"You like this?" Tumango naman si Lumi sa tanong niya.

"You want more?" Tanong pa ulit ni Ryker gamit pa rin ang maliit na boses.

"No. Mommy will be mad. Too many sweets will make my teeth will be ugly." Umiiling na sabi ni Lumi.

"Ahuh? Kaya mamaya ka na ulit kumain ng cake okay? Gusto mo bang bungi ka lagi kapag nakikita ka ng tao?" Sabat ko sa usapan nila.

"No!" Umiling ito ng umiling na para bang matatanggal na ang ulo niya.

"If you are finished with your food, then go and take a bath. You smell, baby." Pang aasar ko sa kanya. Syempre hindi totoo yung huli kong sinabi. Amoy fresh kaya lagi ang baby ko.

"Do I really smell, Dada?" Tanong ni Lumi kay Ryker.

"No, baby. But you really need to shower." Pang aasar pa ni Ryker kay Lumi kaya lalo itong sumimangot.

"Okay po. Mag te-take bath na po ako." Nakangusong sabi nito at bumaba sa lap ni Ryker.

"Careful!" Sigaw ko nang makitang paakyat na siya ng second floor.

Hindi ko alam na makapal din pala ang mukha ng anak ko. Kakakilala pa lang nila ni Ryker pero kumandong at nagpakarga na agad siya sa kanya. This is new for me dahil ngayon lang naman siya ulit na nakipag halubilo sa mga tao.

"You raised her to be a kind kid and bubbly." Napaangat ang tingin ko kay Ryker na nagsalita.

"Yeah." I smiled proudly and get back from eating.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon