Chapter 40
LUMIPAS ang buwan at masaya kaming nanatili ni Lumi sa Manila hindi dahil sa mga lugar na napuntahan namin o sa mga bagay na nabili namin na wala sa Mindoro. Masaya kami dahil kasama namin si Ryker pati na rin ang mga taong malalpit samin.
Kaya ngayon na aalis kami upang bumalik sa Mindoro ay nalulungkot kami. Lumi and I are both sad because Ryker told us that he was busy that day because of a meeting that he can't cancel.
Gusto kong maagalit sa kanya because he promised na sasama siya samin sa pag uwi sa Mindoro. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Ryker pero nitong nakaraang araw ay madalas nga siyang natutulog dito sa condo pero kapag nagiging akok sa gabi ay palagi siyang may katawagan.
Madalas naming pag awayan ang tungkol doon dahil kada tatanungin ko siya kung para saan iyon ay sasbaihin niya ay 'for work' o kaya ay 'investor'. Kung minsan ay naniniwala pa ako sa mga dahilan niya pero nitong nakaraang linggo ay hindi na talaga ako naniniwala dahil nakausap ko ang secretary niya na last month pa naman daw na-close ang deal sa isang investor at hindi rin naman daw tambak sa trabaho si Ryker.
"Sinasabi ko sayo Ryker kapag wala ka pa sa susunod na araw sa isla. Hinding hindi mo na kami makikita ulit ng anak mo at hindi mo na makikilala pa si Raziel." Pagbabanta ko sa kanya kagabi nang mahuli ko siya may kausap sa telepono at katulad ng dati ay parehong dahilan lang ang sinabi niya nang tanungin ko siya.
"It was just a call from a possible investor."
Kaya nang gabing iyon ay hindi na ako nakapagpigil ng galit ay lumipat ako sa kwarto ni Lumi. Malaki naman ang kama ni Lumi kaya magkakasya kami dito. Mabuti na lang at hindi nagising si Lumi nang tumabi ako sa kanya.
Kinabukasan, nang magising ako ay una kong tinignan ay ang iniwan kong kwarto ko kagabi ngunit ang inaaakala kong sasalubong sakin na natutulog na Ryker ay note lang sa side table ang nakita ko.
Napatiim bagang ako at nagpupuyos galit nang mabasa ang note na iniwan niya.
'Goodmorning, Hon. I will be leaving early today because I have a meeting all day. I'll be at the island tomorrow.
-Your, honey
Galit na pumasok ako sa banyo at naligo dahil pagkatapos lang namin kumain ng breakfast didiretso na kami ni Lumi sa airport dahil maaga ang flight namin. Nang matapos magbihis ay dinala ko na ang maleta ko palabas ng kwarto at pinuntahan si Lumi sa kwarto niya.
Nakita ko siyang bihis na at may inilalagay sa maleta niya. Kung dati ay maliit na maleta lang ang dala namin para sa kanya ngunit ngayon ay halos kasing laki na ng maleta na dala dala ko. Marami kasing biniling damit si Ryker para sa kanya at gusto niyang dalhin halos lahat iyon dahil sa magtatagal kami sa isla.
"Hindi po ba talaga sasama satin si Daddy?" Malungkot na tanong ni Lumi sakin.
"Daddy had some work to do eh. But don't worry tomorrow before you wake up nandoon na si Daddy." Nakangiting wika ko rito kahit na nag aalangan ako kung talaga bang makakarating siya bukas sa isla.
"Talaga po?" Tila nabuhayan si Lumi sa sinabi ko.
"Yup! Kaya huwag ka ng malungkot." Nakangiting wika ko rito.
Matapos naming mag usap ay bumaba na kami at kumain ng breakfast at pagkatapo na pagkatapos namin kumin ay umalis na agad kami ng condo at dumiretso ng airport.
Oras lang ang inabot bago kami makarating ng Mindoro. Habang papalabas kami ng airport ay nagtataka ako daahil laahat ng tao ay nakatingin samin. Nakakunot noong tinignan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng airport kasama si Lumi.

BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
Ficción GeneralIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...