CHAPTER 9

71 22 1
                                    

Chapter 9

DUMIRETSO na ako sa condo tower ko pero hindi ako sa condo ko dumiretso dahil nakakapagtaka lang naman kung makikita sa CCTV na lumabas ako sa ibang unit tapos papasok ulit ako sa ibang unit ulit.

Kumalam ang sikmura ko kaya napanguso ako habang nakatingin sa TV.

"Nagugutom na ako!" Sabi ko habang nakatingin sa TV ko na nakabukas.

Ayoko naman kumain ng sunog ngayon. Kainis! Bakit ba kasi hindi ako marunong mag luto?

"Order na lang kaya ako? Kaso baka ikalat nila ang address ko." Ngumuso ako nag isip kung anong gagawin ko.

Papuntahin ko na lang kaya si Ree kaso ayoko naman istorbohin tsaka baka may kasama siyang ibang talents na hinahandle niya. Si Ryker kaya? Pwede din. Kaso day off niya but I'll try. Kaso wala akong number niya.

Me:

Hi! Can I get the number of Ryker?

May number naman siguro siya ng mga bodyguards ko kaya sa kanya na lang ako hihingi. Imposible namang wala dahil siya ang kumo-contact sa mga ito kapag may schedule ako.

Ree:

Here. 09xxxxxxxxx. Anong gagawin mo sa number niya huh? Ayusin mo, Ive ha?

Natawa na lang ako sa reply niya. Wala naman akong ibang gagawin eh. Konti lang. I giggled at that thought.

I dialled his number kaso antagal niyang sagutin. Baka busy. Ibaba ko na sana nag tawag nang bigla may nagsalita. 

"Who's this?" Pambungad na tanong nito. Ansungit naman!

"Hi, Ryker! This is Ive. Are you free today?" I asked, wishing that he is free today.

"Why?" Napanguso naman ako dahil mas lalong tipid ang mga sagot nito pag hindi personal.

"I'm famished! I don't know how to cook. I'm not allowed to order online and I don't want to go out because I don't want something to happen like before." Matagal pa bago sumagot ito.

"Okay. I'll go to your condo. What-" Naputol ang sasabihin niya nang may magsallita sa kabilang linya.

"Sir, you meet-"

Babae! Girlfriend ninya kaya? Hindi ko naman kasi masyadong narinig ang sinabi ng babae. Nalukot ang mukha ko sa isiping girlfriend niya iyon.

"Cancel all my appointments. I have an important thing to do." Sagot nito.

"Who's that?" Tanong niya. Kapag talaga sinabi niyang girlfriend niya iyon ay hindi ako mangingiming patayan siya ng tawag peor mas lalo na kapag nagsinungaling siya.

"Just...someone." Alanganin pa nitong sagot. Liar.

"Uhuh?" Nakataas kilay kong tanong. Aba malay ko ba kung may girlfriend itong lalaking to tapos hahalik halikan ako.

"Uhuh. So, what do you want to eat? I'll cook." Pagbabago nito sa usapan.

"Cook your face! Ipagluto mo na lang yung babae mo diyan." At pinatayan siya ng tawag.

Kainis! Nagugutom na talaga ako! Nagpunta akong kitchen and look at my supplies. Cup noodles na lang siguro. Iyon lang naman ng kaya kong lutuin. Dahil panigurado kapag nagprito siya ay sunog ang kalalabasan nito.

Nagpainit ako tubig at nang kumulo iyon ay inilagay ko na agad sa noodles ko. Kinuha ko ang ready to eat sausage ko saka hiniwa iyon ng maliliit at inilagay sa noodles. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago ko makain ang noodles.

"Kulang pa rin." Bulalas ko nang matapos akong kumain. Ubos ko na ang noodles kahit ang sabaw nito ay naubos ko na pati na rin ang sausage pero hindi pa rin ako busog.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon