Chapter 29
ALL night after that day, I did all my research and used the database of the agency. Again. They blocked me from using everything from them except the protection that they give to all agents because of the dangerous missions they did.
I also have a partner for this mission means I really have to cooperate with them. Binigyan pa talaga ako ng agency ng partner para sa mission na to dahil na din siguro sa takot nilang mangyari na naman ang ginawa ko dati.
Hindi ko naman sila masisisi dahil sadyang katangahan talaga ang ginawa ko noon and I don't have a plan to do it again because I realized that it's way too ridiculous.
Kinabukasan ay maaga din ako nagising para ipaghanda ng pagkain si Lumi. Kahit na puyat ako ay hindi ko na din maiwasang magising ng maaga dahil na rin siguro nasanay na ako na ginagawa ko yun sa ilang taon ng pagiging nanay ko. Body clock na din siguro.
Nang matapos akong magluto ng agahan ay naligo lang ako ng mabilis at saka pinuntahan si Lumi sa kwarto niya. Hindi naman mahirap gisingin si Lumi kaso nga lang ay bugnutin ito kapag bagong gising kaya kapag kagising niya ay hinahayaan ko siyang gawin ang gusto niya dahil ayoko naman na umatungal ng iyak to o tumili na naman.
Tahimik na bumaba kami at si Lumi ay pupungas pungas pa habang nakahawak sa kamay ko. Nang makababa kami ay hindi na ko nagulat nang makitang nandoon an din sila Nanay Celia at Tatay Arisso.
"Good morning po mommapops and papapops."Bati ni Lumi sa kanila.
Minsan nakakatampo din itong batang to. Sila nanay babatiin niya ng ganon pero ako tong gumising sa kanya ay hindi man lang niya binati.
"Magandang umaga din apo." Bati ni Nanay Celia.
Gaya ng nakagawian ay nagdasal muna kami bago kumain at si Lumi ang nag lead ng prayer kaya natagalan ang prayer which is a good thing because I know at this point that Lumi is god-fearing.
"Aalis pow ba kayo ngayown?" Biglang tanong ni Lumi.
"Yes, baby. Bibili kami ni papapops mo ng foods natin for a week." Sabi ko rito habang nakakunot nag noo.
Nakakapanibago lang dahil may iba sa tono ng boses niya. Dati ay sobrang excited niya dahil kada aalis kami ay nagpapabili siya ng laruan or kung anong mang magustuhan niyang ipabili samin.
"Can I join you? What do you call it? Ah! Pwede pow ba akong sumama sa pamamawengke?" Kumukurap kurap na tanong nito.
"Oh. But baby, hindi ka pa nakakaligo. Remember what I said to you before? Never go out of the house if you're not dressed up." Sabi ko sa kanya.
"But I'm kinda bored here. I want to go there." Nakangusong sambit nito sakin.
Natigilan naman ako nang marealize ko ng sinabi niya. Hindi ko alam na maaga niyang mararamdaman iyon. Feeling bored here in the house with only seeing sand and water. By only playing by herself and sometimes with me and with her Kuya.
"Do you want that? Pwede kitang isama next week kung gusto mo but not now because marami kaming bibilhin ni papapops mo." Sabi ko sa kanya dahilan para magliwanag ang mga mata niya.
"Really?! That's the deal mom. I'll just play with mommapops today." Excited na sabi nito at ipinagptuloy ang pagkain niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagbihis na ako dahil nakapambahay pa rin ako. I wore a yellow beach dress and paired it with gladiator sandals. I put a sunscreen para iwas sunburn na din at hindi ako magkaroon ng skin cancer.
Nang matapos ay bumaba na ako at naabutan kong nakikipaglaro na agad si Lumi kay Nanay Celia habang si Nanay Celia aya tuwang tuwa pa rin sa pakikipaglaro kahit na nirarayuma na.

BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
General FictionIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...