CHAPTER 5

93 24 0
                                        

Chapter 5

NAGISING ako dahil sa liwanag na nakatapat sa mukha ko. Doon ko lang naramdaman na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Fucking hang over! Namumungay pa nag mga mata ko nang may madanggil ako sa tabi ko. Matigas...

I look at it and I gasped when I saw a man's back sleeping peacefully in my bed! Tinignan ko ang suot ko at halos manginig ako nang makitang iba na ang suot ko. Damit ko pa rin naman ang suot ko but these are not the clothes that I am wearing last night!

Maghihysterical na sana ako when the man suddenly moved and now he is facing me.

"Anong ginagawa ni Ryker dito? Hindi naman niya siguro ako pinagsamantalahan diba?" Bulong ko sa sarili ko.

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. He looks peaceful pero nakakunot pa rin ang noo niya. Hanggang sa mapunta sa baba ang paningin ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may biglang lumabas na imahe sa isip ko.

"H-Hinawakan ko yung... yung ano niya! Damn you, Ivelisse! Ano bang pinaggagawa mo kagabi?!" Kausap ko sa sarili ko.

"You're awake." Napalingon naman ako sa nagsalita. Pupungas pungas pa ito na parang naistorbo ko ang tulog niya.

Hindi ako makapagsalita dahil napakadaming imahe at usapan ang lumalabas sa isipan ko. Kahihiyan ka Ivelisse! Napatili na lang ako at nagdire diretso sa banyo ng kwarto ko.

"Hindi ikaw yon, Ive okay? Hindi  ikaw yon. Ibang tao yon." Pagkukumbinsi ko pa sa sarili ko pero napatili na lang ulit ako nang maalala ko na naman ang pagdakma ko sa ano niya.

Naalala ko pa nang makarating kami dito sa condo ay inulit pa iyong gawin at tinawag iyong sandata nng Pilipinas. Sinabi ko talaga yon sa harap niya! Nakakahiya!

"Ive! You okay there?" Nag aalalang tanong ni Ryker mula sa labas ng banyo.

"Yeah." Mabuti na lang at nagawa niya pang sumagot dahil naiisip niya pa rin ang mga kahihiyan na nagawa niya kagabi.

Hindi ko alam kung ilang minuto kong kinukumbinsi ang sarili ko sa loob ng banyo pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nag aayos ng sarili at naglalakad palabas ng banyo. Natagpuan ko si Ryker na naka upo sa couch sa living room ng condo ko.

Tinignan niya ako kaya mabilis na nag iwas ako ng tingin. Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng kape para saming dalawa. Ipinilig ko ang ulo at mariing pumikit nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga!

Mas nangibabaw ang hiya ko kaysa sa sakit ng ulo ko dhail sa hang over eh. Hindi na talaga ako iinom ng madami. Hindi ko nga alam kung bakit napakadami kong ininom kagabi samantalang alam ko naman na mahina ang tolerance ko sa alak. Ah. Oo nga pala. Dahil sa nangyari sa taping.

Saka ko lang naalala ang suot ko. May nangyari ba sakin na hindi ko alam? May idadagdag pa ba akong kahihiyan?

Bumuntong hininga na lang ako. No choice kundi kausapin si Ryker kung bakit iba na ang suot ko.

Inilapag ko sa harap niya ang kape sa harap niya saka ako umupo sa upuan kaharap ng inuupuan niya.

"M-May nangyari ba satin?" Nauutal kong tanong. Nang tignan niya ako ay nagbaba ako ng tingin.

"Wala. Bakit? Gusto mo na ba isabak sa gera ang sandata ng Pilipinas?" Napaangat ang tingin ko sa kanya dahilan para makita ang nakangising labi niya.

"Hindi! I mean-iba yung suot ko kumpara sa suot kong damit kagabi. Tsaka malay ko ba kung pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko." Sabi ko habang nakatingin sa mga paa ko.

Pangit na pala ng kulay ng nail polish ko. Makapag spa nga bukas.

"I changed your clothes but I turned off the lights and closed my eyes." Sabi pa nito saka tumayo. "And I would rather be a celibate for life than to take advantage of someone's weakness." Saka tinalikuran ako at naglakad papunta sa pinto palabas ng unit ko.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon