Chapter 21
MAY mga bagay talaga na dapat ng putulin mula sa nakaraan natin. Mga dapat ng kalimutan. Kaso may mga bagay talagang kailangan nating tapusin dahil hangga't hindi natatapos iyon ay mas dadami ang masasaktan.
Humanda lang talaga ang taong gumawa nito sa kanya. I will bent the rules for us to get the life that we wanted. Hindi ko kailangang sumunod sa batas kung patuloy pa ring nasasaktan ang taong mahal ko sa buhay.
"Hindi ka ba muna uuwi, iha?" Nilingon ko si Tita Raelyn.
"Hindi pa muna po. Hanggat hindi ko pa po nakikitang nagmumulat si Ryker ay hindi po ako aalis sa tabi niya." Malungkot na ngumiti sakin si tita.
"Pero dalawang araw ka ng nandito. Umuwi ka muna at magpahinga. Paniguradong hindi magugustuhan ng anak ko kapag nakita ka niyang ganyan." At hinaplos nito ang buhok ko.
"Hindi na po ba ako maganda?" Mahinang napatawa naman ang ginang sa sinabi ko.
"Anak, kahit na wala kang ligo ay napakaganda mo pa rin. Ang hindi lang magugustuhan ni Ryker ay ang magising siyang sobrang stress ka." Malumanay na sabi nito.
"Naiintindihan ko po. Siguro po uuwi po muna siguro ako. Babalik ho agad ako mamayang gabi." Lumawak ang ngiti ng ginang sa sinabi ko.
"Dapat lang dahil kailangan mo ding makapagpahinga ng ayos." Tipid na ngumiti ako dito saka binalingan si Ryker na nakahiga pa rin sa hospital bed.
"Hon, uuwi muna ako okay? Kaya dapat pagbalik ko gising ka na para naman makita mo na ang magandan mukha ko." Tinitigan ko pa ito saglit bago hinalikan sa noo.
Niyakap pa ako ni Tita bago ako umalis. Sana lang talaga magising na siya para mapigilan niya ako sa kung ano mang naiisip kong gawin sa taong gumawa nito sa kanya. Ready na din akong sabihin sa kanya kung anong trabaho ko. Ang totoong trabaho ko.
Kaya hindi pa magising gising si Ryker ay dahil natamaan siya sa fatal point at naging critical din ang lagay niya habnag nasa operasyon siya. Akala ko mawawala na siya sakin nung araw na iyon dahil sa dugong lumalabas sa sugat niya. The blood was literally gushing out from his body that made me more worried. Kung hindi pa siguro ako nilapitan ni Ree ay hindi namin madadala si Ryker sa hospital.
Nang makarating ako sa condo ko ay kumain muna ako ng binili ko sa drive thru na nadaanan ko. Matapos kong kumain ay naligo ako.
"Sisigurduhin kong pagbabayran ng taong gumawa sayo at higit pa sa ginawa nila sayo ang magiging kabayaran." Sabi ko habang nakatingin sa picture namin ni Ryker.
Hinaplos ko ang picture namin sa cellphone ko. Sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa non sa kanya ay dapat ng maghanda. Alam kong hindi ko dapat gawin ang pinaplano ko sa isip ko kaya guto ko may taong pumigil sakin.
Kung dati ay hindi ako kumilos ukol sa pagkamatay ng magulang pero ngayon hindi ko na kaya. Kailangan may gawin na ako para matamik na sila at pati na rin ang buhay namin. Hindi ko man guston gawin ito pero kung iyon na lang ang tanging paraan para matapos ito ay gagawin ko.
If I need to exert violence then I will.
Umahon ako sa bath tub at nagbanlaw sa shower. Nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ba ang pinaplano ko sa oras na malaman ko kung sino ang gumawa nun.
Matapos maligo ay sinet up ko ang mga laptop ko sa harap ko at saka nagresearch tungkol sa mga naiisip kong suspect ng insidenteng iyon. Matalas ang pakiramdam ko na iyong taong iyon ay gusto akong burahin sa mundo. Hindi dapat kay Ryker iyon tatama kung hindi lang siya nakarang sakin.
I saw the man. And I knew that it was just a gun man. Napag utusan dahil mabilis din itong nawala. Nasa second floor siya ng building at gustohin ko man habulin o paputukan ang lalaki ay hindi ko magawa lalo na at nasa harap ko si Ryker noon na sugatan at umaagos ang dugo.

BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
General FictionIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...