CHAPTER 4

99 27 2
                                        

Chapter 4

NANG makarating kami sa BGC ay hinintay ko munang ma-ipark ni Ryker ang van na dala dala namin. Inis pa rin ako sa kanya lalo na habang nasa byahe ay hindi man lang siya nagsasalita. Matagal pa bago kami nakahanap ng parking lot dahil maraming tao ngayon sa Bank Bar.

Buti na lang ay by reservation ang pagpasok dito dahil kapag hindi ay pipila ka pa sa labas at paniguradong dudumugin ako ng mga taong makakakita sa akin. Pati ang madalas na nagpupunta sa bar na ito ay yung mga artista at mga mayayaman kaya may mga delikadesa naman ang mga taong pumupunta dito.

Nang makapasok kami sa loob ng bar ay madami ngang tao. Hinanap muna namin sila Sir Jonas. Wala naman kasi akong number sa kanila dahil ang palagi nilang kinocontact ay ang manager ko.

Habang hinahanap namin sila Sir Jonas ay marami na ring taong napapatingin sakin pero hindi ko na sila inabalang bigyang pansin at alalahanin na baka lumapit na naman sila sakin dahil nandito naman si Ryker sa tabi ko. Ang ibang bodyguards ay nasa labas at doon sila nagbabantay.

Mabuti na lang at nakasalubong namin ang writer namin. Si Ate Jonah. Actually, isa siya sa mga kasundo ko sa mga staff ng teleserye lalo na at palagi din siya ang nasa tabi kapag gina guide kami sa gagawin namin every episode.

"Ate Jonah!" Ngumiti ako kumaway sa kanya at ganoon din ang ginawa niya.

"You're here! Let's go upstairs. Nandoon lahat ng crew and staffs." Pag aaya nito samin.

Sumama kami sa kanya paakyat sa taas at doon nakita namin sila Sir Jonas na umiinom. Ang iba ay mga tipsy na dahil halata naman sa mga pinaggagawa. Mas nauna kasi sila dito ng isang oras dahil naipit pa kami sa traffic at tsaka malayo ang BGC sa place ng pinag shooting-an namin.

"Drink for the latecomers!" Sabi pa ni Sir Jonas at nag abot ng tig isang shot samin ni Ryker. Feeling close din tog direktor na to eh.

Ininom ko ang ibinigay na alak ni Sir Jonas habang si Ryker naman ay naka guard pose pa rin. Yung diretsong tayo at tingin. Nailing na lang ako saka siya kinalabit.

"Inom ka." At inginuso pa ang shot na ibinibigay ni Sir Jonas.

"I'm on duty. Bawal uminom ng alak." Tuwid na sabi nito.

Napangiwi naman ako dahil totoo naman ang sinasabi niya. Ako na lang ang uminom ng shot na ibinigay sa kanya. Pipigilan niya pa sana ako kaso nainom ko na eh. Nakailang bigay pa sila kay Ryker pero ako lang ang umiinom ng shot para sa kanya pati gusto ko rin naman.

"That's enough, Miss Ivelisse." Pagpigil sakin ni Ryker.

"Kanina Ivelisse lang tapos tinawag mo pa ako sa nickname ko. Tapos ngayon balik ka na naman sa Miss Ivelisse." Nakabusangot na sabi ko pa rito.

"Ivelisse! You're here!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Lumayo naman ng konti si Ryker samin.

"Cassandra! I miss you!" Sabi ko nang makilala ko kung sinong tumawag sakin. 

She was a co-model before in a fashion show and we barely got communication in that fashion show. I don't know how she has the guts to be close to me right now. Syempre kunyari lang yung sinabi ko sa kanya. Kailangan ko lang makisama para naman hindi siya mapahiya.

"You've got a boyfriend again huh?" Sabi nito nang makipagbeso ito sakin. Tinignan ko nag pinapasadahan niya ng tingin.

"Oh. No. No. That is my bodyguard. And I don't have time for that right now." I said.

"Oh? Kala ko naman may kapalit na si Jerome." Sabi pa nito habang hindi pa naaalis ang tingin sa bodyguard ko.

"Wala lang naman akong boyfriend ngayon kasi wala pa akong time doon." Tumango tango naman ito peor parang hindi naman siya nakikinig sakin.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon