CHAPTER 27

57 17 2
                                    

Chapter 27

NAKANGITING bumangon ako sa kama dahil magandang panaginip na naman ang napanaginipan ko. Baby Raziel is an actual baby in my dreams at kalaro niya si Lumi na katabi niya rin sa crib.

Habang inaayos ang sarili sa banyo ay napapangiwi ako dahil sa nararamdaman kong sakit sa bandang puson ko. Bearable naman ang sakit at sa tingin ko ay normal na ito dahil malapit na ang due ko.

Mamaya nga ay bya-byahe na kami papuntang hospital sa Mindoro para doon na ako mag stay dahil kailangan ay sa ospital ako manganak dahil delikado sa lagay ko na nakunan ang manganak sa contaminated na lugar.

Sinabihan na din ako ng doktor ko na baka raaw imbis na mas maagkaroon ng malaking tyansa na hindi magkasakit ang anak ko ay mawala pa kung hindi ako sa hospital manganganak. Sinabi rin sakin ng doktor na posibleng magkaroon ng komplikasyon ang baby kapag naipanganak ko na dahil nga sa pagdurugo ko noon na siyang dahilan para malaglag ang isa kong anak.

Napangiti na lang ako nang makita ko si Nanay Celia sa kwarto ko at hinihintay ako. Maliligo na nga sana ako kaso baka kung ano pang mangyari sakin sa loob dahil sa kirot na nararamdaman ko sa puson ko.

"Tara na? Naihanda na ni Arisso ang bangka. Halika na at kumain na muna tayo." Alok sakin ni Nanay Celia.

Bumaba kami at habang pababa kami ng hagdan ay maingat pa rin akong inaalalayan ni Nanay Celia. Nang matapos kaming kumain ay hindi agad kami umalis dahil naagpababa pa muna kami ng kinain.

Makalipas ang ilang minuto ay ko na nag nag aya sa dalawang matanda na umalis na. Inalalayan pa ako ng dalawa paakyat ng bangka dahil sa laki ng tiyan ko.

Habang nasa byahe kami papunta sa syudad ng Mindoro ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kumikinang na tubig ng dagat. The sun rays hitting the waves of the sea made it so wonderful to look at.

Nang makarating kami sa syudad ay sumakay agad kami sa kotseng inarkila namin na ako ang nagbayad. It's convenient for us lalo na at lumalala na din ang pagkirot ng puson ko.

Nang makarating kami sa ospital ay mabilis na inasikaso agad ako ng doktor ko at may kung nao ano pang ginawa sakin hanggang sa maramdaman ko ang sobrang sakit ng puson ko na para bang binibiyak ito.

"Ready the DR. The patient is ready to give birth." Sabi ni Dra. Madrigal.

She's been my doctor ever since I went here to Mindoro. Her full name is Arabella Madrigal. She was just a few years older than me at may asawa at anak na rin siya. Kapag araw ng check up ko ay hindi lang tungkol sa pagbubuntis ko ang pinag uusapan namin kundi pati na rin ang buhay buhay namin.

Naikwento ko na nga rin sa kanya ang nangyari sakin. Dapat nga ay ob doctor ko lang siya pero naging therapist ko na din siya lalo na noong unang tatlong buwan ko rito. Kahit na kilala niya ako bilang isang sikat na tao ay hindi siya nag abalang bigyan ng pansin ang bagay na iyon.

Naalala ko pa ang sinabi niya sakin noong tinanong ko siya kung hindi ba siya nagagalak na makita ako sa loob ng clinic niya. She said that "A patient is a patient. Whoever you are, we, doctors should do their job as doctors not as fans or tools of anyone."

Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa delivery room at walang ginawa kundi ang umire. Bsta ay nagising na lang ako at nanghihina pa rin. Ayaw pa nga akong payagan ni Doctora Ara na mag normal delivery ako because of the small chance na maging negative ang kalalabasan ng mangyayari.

"Oh? Gising na si Ivelisse! Teka at tatawagin ko lang ang doktor. Bantayan mo yan Arisso ha?" Bilin ni nanay Celia bago nagmamadaling umalis para tawagin ang doktor.

"May gusto ka bang kainin apo? Ibibili kita ng makakain mamaya pagbalik nila Celia." Sabi sakin ni Tatay Arisso.

"Ayos lang ho tay. Bumili na lang po kayo ng pagkain ninyo ni nanay." Nanghihina kng sabi.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon