Chapter 6
NANDITO ako sa ilalim ng palm tree, mag isa habang nakamasid sa dagat. Katatapos lang unang dress para iphotoshoot namin. Wala kaming tent na itinayo dito dahil saglitan lang naman kami kaya sa van na lang ako nagbibihis. Malawak naman ang van at tinted. Kaya ngayon hinihintay ko nalang silang matapos sa pag seset up ng props na gagamitin.
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil ang init init ng suot ko. A traditional Maria Clara dress pero iba ang tela nito dahil sobrang kapal at napakainit. Medyo nahuhulas na din ang make up ko pero ire-retouch naman ako mamaya bago kami magsimula ulit.
Nilingon ko naman si Ryker na nasa kabilang gilid at tuwid na tuwid nag tayo na parang walang inaalintanang init.
"Hey, Ryker!" Lumingon ito sakin. " Wag ka diyan mainit! Dito ka sa may lilim." Itinuro ko pa ang tabi ko.
It's true naman kasing mainit doon sa pwesto niya at walang lilim. Nagmamalasakit lang naman ako saka bumabawi na din sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya nitong nakaraan. Ilang saglit pa bago siya lumapit sa tabi ko.
Tahimik lang kami parehong nakatingin ng diretso sa dagat. Nakikiramdam ako kung kailan ako magsasalita. Humugot ako ng malalim na hining abago nagsalita.
"Ryker." Tawag ko rito.
"Hmm?" He hummed.
"Ano... Uhm..." Kinakabahan ako! Isinara ko muna ang pamaypay na hawak saka nagsalita muli.
"Kasi Ryker-naman eh! Hindi ko naman kasi alam na ganun pala yung nangyari kaya-"
"Miss Ive, Photoshoot na po!" Rinig kong tawag sakin.
"Mamaya mo na ako kausapin. Mahaba pa naman ang oras. Unahin mo muna yung trabaho mo." Sabi nito sakin.
Nag aalangan pa ako ng sundin siya kaso tinawag na ako ni Ree kaya sinunod ko na lang siya. Tinulungan pa niya akong maangat ang damit ko dahil baka makuha ko lahat ng buhangin dito sa dagat kung hindi ko iyon gagawin.
Nang makarating kami sa ilalim ng arch na tinatawag ng mga taga dito na Mayahaw Arch ay inayusan ulit nila ako. Habang inaayusan nila ako ay hindi ko maiwasang tignan si Ryker na nakatingin pa rin sa dagat at kung minsna ay nahuhuli ko pang nakatingin sakin pero ako agad ang umiiwas ng tingin.
Nang matapos akong ayusan ay nagsimula na agad ang pictorial namin sa ilalim ng arch. Nakailang shots din kami bago nagsabi ang photographer na doon daw ako pumwesto sa rock formation na nasa gilid ng Mayahaw Arch.
"Kaya ko naman po kaso baka po sumabit yung damit ko." Mahinhing sabi ko dito.
"I'll help her." Napalingon naman ako kay Ryker na naglalakad palapit sakin.
Wala naman ng nakaangal dahil siya na ang nag angat ng gown ko. Inalalayan na din niya ako sa pag akyat at napatigil pa ako sa pag akyat dahil sa natanaw ko. Green grass! I mean green land! Bihira na lang ako makakita ng ganito!
"Wow." Manghang bulong ko.
"Okay na diyan! Para hindi ka na mahirapang bumaba mamaya Miss Ive!" Sigaw ni Carlo na photographer ko. Nasa baba kasi sila at ako lang ang nandito sa itaas.
Nagsimula na akong mag pose sa harap ng camera. Nagpose ako ng nag pose hanggang sa mag announce ang photographer ng wrap up dahil tanghali na din at kailangan na namin mag lunch.
"Kain po." Pag aaya ko sa mga taong dumadaan sa harap ko.
Nasa likod kami ng pick up truck na nirentahan para sa mga bodyguards na kasama namin. Kaunti lang naman sila pero hindi ko alam kung bakit ihiniwalay pa sila ng sasakyan ni Ree.
BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
General FictionIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...