CHAPTER 12

82 19 1
                                        

Chapter 12

"WHEN do you plan to go there?" Tanong sakin ni Ryker na ngayon ay nasa tabi ko.

Nasa mahabang sofa kami sa living room at nakahilig ako sa kanya habang siya ay nakasandal sa sofa at nakaakbay sakin. We're watching again the Lucifer. My favorite series like I said.

"This week? I am only free for this week because I know I will be busy with my modeling next week." I said.

"Okay. Bukas aalis na tayo." Mabilis na napalingon ako sa kanya.

"Agad?" Gulat na sabi ko.

"Ayaw mo ba? Pwede naman sa ibang araw na lang tayo umalis." Mabilis na umiling ako.

"No. What I mean is kagabi lang naman natin napag usapan iyon tapos pwede na agad bukas? Wala na bang mahabang process to have a membership." Nagtatakang tanong ko rito.

"I told you. I'll take care of your membership and I already have your membership card with me." At ipinakita sakin ang card na may pangalan ng island and below the name of the island is my name.

Kinuha ko sa kanya ang card at tinignan ang pangalan ko. Moore... Ivelisse Moore.

"Moore..." Nilingon ko si Ryker.

"How did you know?" Halos pabulong kong tanong.

"The former Mayor of Malolos, Bulacan has only one daughter and that is Ivelisse Moore." Sabi nito na parang iyon ang sagot sa tanong ko.

"But, nagpakilala ako sayo bilang Ivelisse Lopez at iyon ang alam ng lahat kaya paanong nalaman mo?" Naguguluhang tanong ko pa sa kanya.

"I knew you from the very start. Simula nang sumikat ka ay kilala na kita hindi bilang Ivelisse Lopez kundi bilang Ivelisse Moore. At nakumpirma ko lang iyon kagabi nang tanungin mo ako tungkol sa pagpunta ko noon sa bahay ng dating mayor sa Malolos." Paliwanag nito.

Pagak na napatawa ako. "Grabe! Lahat ng tinatago ko sa maraming tao ay mabilis mo lang nalalaman." Kasi naman andami niyang alam kumpara pa sa mga diehard fans ko. 

Alam niya kung ano ang tunay na ugali ko. Alam niya din kung sino ako. Kulang na lang ay malaman niya na kung ano ba talaga ang ginagawa ko at kung anong nakaraan ko. Pero wala pa akong balak na sabihin sa kanya. Yeah, may 'pa'. May balak ako pero hindi ko pa alam kung kailan.

"Hmm. And I would be glad to know everything about you." Napapikit ako nang dampian ako nito ng halik sa noo.

"I'll pack my luggage first." Sabi ko sa kanya.

"Hmm." He hummed while looking at me intently and while brushing my hair using his hands.

"You okay here?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm." Napakunot naman ang noo ko dahil puro ganyan ang sagot niya.

"Hmm?" Tumaas ang kilay ko dahilan para matawa naman siya.

"It's okay. Pack your things first. I'll wait here." Napatngo naman ako saka humiwalay sa kanya pero humigpit lang ang yakap niya sa balikat ko.

"Akala ko ba 'pack your things first'? Parang ayaw mo naman akong paalisin sa tabi mo eh." Natatawang sabi ko rito.

"Hmm. Nagbago na isip ko. Mamaya ka na lang mag ayos ng gamit mo." At mas hinigpitan pa ang yakap sakin. Natawa naman ako.

"I didn't know that you have this kind of side of you."  Nakangiting sabi ko sa kanya.

"What side?" Nilingon pa ako nito na parang nagtataka.

"That. You are so sweet and now you're clingy." Natatawang sabi ko.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon