CHAPTER 25

59 18 2
                                    

Chapter 25

ILANG oras na akong naghihintay ng balita sa tv tungkol sa senador pero wala pa rin akong nakikita. Kahit sa internet ay wala p0a ring lumalabas na article or any posts about the senator. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sigurado akong nasa ospital na ngayon ang senador at nandoon din si Ryker.

Nasa harap ko ang laptop ko kung saan makikita ko ang footage ng hospital na pinagdalhan ng katawan ng senador. Buhay pa naman pero alam kong nasa critical ang lagay nito.

Napairap na lang ako sa hangin dahil paniguradong si Ryker ang may kagagawan kung bakit hidni nababalita iyon. Alam kong makasasama sa akin kapag naibalita iyon pero gusto kong makita ng tao na mahina at nasa peligro ang buhay nito.

Ilang araw ang lumipas hanggang sa dumating ang araw bago ang premiere night ng movie ko. Buti na lang at nandiyan ang manager ko dahil nonfunctional ako these days. Palagi pang masama ang pakiramdam kapag umaga pero kapag tanghali naman ay nawawala na.

"Ano? Sakto na ba ang sukat ng damit sayo, Ive?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Ree.

"Yup!" Tipid na sagot ko sa kanya bago tinignan ulit ang sarili sa salamin.

Nakadalawang adjust pa kami ng damit ko para bukas dahil medyo tumadaw daw ako at sumikip din ang damit. Mabuti na lang at mabait ang designer ko at napagtyagaan na iaadjust ng dalawang beses ang damit.

It was just a simple deep v-cut halter top jumpsuit. It's a white jumpsuit with small beads on the top. Maglalakad ako sa red carpet and I want to stand out. Ayoko naman maging kakulay ng red carpet.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Ree nang makalabas ako ng fitting room.

Kanina kasing umaga ay naabutan niya akong nagsusuka. May shoot kasi kami kagabi at nag stay lang kami sa hotel dahil madaling araw na natapos. Hindi ko nga rin alam kung anong nangyayari sa sarli ko dahil wala naman akong ibang ginagawa at kinakain.

"Maayos na ako, Ree. May hindi lang siguro ako nakain na maganda kagabi." Paniniguro ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Pwede naman kitang dalhin sa ospital ngayon o kaya ay tawagan ko yung kakilala kong doctor."  Tipid na ngumiti ako kay Ree.

"Maayos na ako. Promise." Yumakap ako sa bewang niya at naglambing.

"Tigilan mo nga ako Ivelisse! Tara na." At pilit na umaalis sa yakap ko.

Natatawang pinakawalan ko siya dahil alam ko naman na ayaw niyang ginaganon siya. She thinks it's cheezy and corny. And I am like that sometimes 'coz that so... eww!

Matapos namin magpunta doon at kuhain ang damit ay nagpunta naman kaming spa to relax. Syempre hindi lang ako ang mag rerelax dahil lahat ng kasama kong staff ngayong araw ay makakapag relax din. That's my thank you gift kapag may ganitong event kaming dadaluhan lalo na at alam kong sila mismo ang naghihirap na maisaayos ang gagamitin ko.

Nakatulog na ako habang nasa spa section kami at nagising lang ako nang magpapasalon na kami. Pedicure and manicure and gagawin samin pati na rin hair treatment.

Nang matapos kami doon ay nag uwian na rin kami para makapagpahinga ng ayos. Nang makauwi ako ay nagluto lang ako ng ramen at boiled egg. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyari sa senador at kay Ryker.

Hindi ko pa rin maintiindihan kung bakit ba naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng balita tungkol sa nangyari. Or baka may iba ang nangyari nang makaalis ako doon sa restaurant.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa tanghali ay pupunta na kami sa hotel malapit sa mall na pag gaganapan ng premiere night movie. Hindi kasi pwedeng sa condo ko dahil ayoko namang ipagkalat ang sarili kong address diba?

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon