Chapter 23
SIGURO nga may tamang oras para sa lahat. Tamang oras para sa pahinga. Tamang oras para tumigil. Tamang oras para sumuko. Tamang oras para sumugal. Pero sadyang may mga bagay na walang tamang oras dahil kusa na lang itong nangyayari o nararamdaman.
Walang tamang oras sa pagmamahal dahil kahit ano pang gawin mo ay pagmamahal iyon at wala kang magagawa kundi ang hayaan ang sarili mo na maramdaman iyon. Dahil kung pipigilan mong mahalinang isang bagay o tao ay kasalungat lang nito ang mangyayari.
Yung mga taong nagsasabing hindi iyon ang tamang oras at panahon para magmahal sila dahil sa mga pagsubok at paghihiwalay nila ay masasabi kong mali. Dahil hindi naman ang panahon at oras ang hindi tama doon kundi ang mga taong nakapaligid sa kanila. Yung mga taong ayaw sa pagmamahalan nila at sa mga taong nakakaakpekto sa relasyon nila.
Iyon ang ilan sa mga narealize ko habang binabantayan ko si Ryker. Dahil kapag kasama ko siya ay parang lahat ay nagiging tama. Lahat ng tao at bagay sa paligid namin parang nawawalang bula. Kumbaga parang may sarili kaming mundo.
"Anlalim na naman ng iniisip mo hon." Nabalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Ryker.
"I was just...thinking of something." Sabi ko sa kanya.
"What is that something? Hmm?" Malumanay na tanong niya sakin.
"Nothing." At umiwas ako ng tingin sa kanya at kumuha ng prutas sa side table niya. "Wala na ba talagang masakit sayo?" Pagbabago ko ng usapan.
"Wala na nga. I'll tell you naman kung may masakit sakin." Ngumiti pa ito sakin kaya napailig na lang ako.
Ibinigay ko sa kanya ang orange na nabalatan ko. Kinain naman niya iyon. Kanina pa nakaalis sila tita pagkatapos naming kainin ang binili nila dahil magpapahinga na daw sila. Kaya ako naman ngayong gabi ang magbabantay sa kanya. Mabuti nga at hindi ako kinausap ni tita kung bakit hindi niya ako naabutan kaninang umaga dito eh.
Mabuti na din yon dahil ayoko namang magsinungaling pa sa mga magulang ni Ryker. Huminga ako nang malalim dahil naisip ko na naman ang mga plinano ko ay mukhang mahihirapan akong gawin.
Yung sabihin pa nga lang kay Ryker na nasa isang ahensya ako na pumapatay ng tao ay napakahirap na. Andami ko pang plinano sa isip ko kung pano ko sasabihin sa kanya iyon pero ngayong nasa harap ko na siya ay hindi ko magawang sabihin kahit isang salita man lang tungkol doon.
Siguro nga ganon talaga kahirap gawin kapag yung totoong pangyayari ay nasa harap mo na. Ganon nga siguro yon. Katulad ng madalas sabihin ng iba pati na ng linya ko minsan sa pelikula ay mahirap ng gawin kahit na ilang beses mo ng plinano iyon. Hindi ko naman alam na mangyayari din pala sakin ito sa totoong buhay.
"What happened to your press con that day?" Ryker suddenly asked.
"Natigil na. Mabuti at wala ng ibang nasaktan maliban sayo dahil paniguradong lalaki ang gulo. They will surely accuse me or someone about that." Naiiling na sabi ko.
"But you have nothing to do with it kaya kung gagawin man nila iyon ay sisiguraduhin kong pagsisisihan nila iyon kahit pa fans mo sila." Madilim nag mukhang sabi ni Ryker.
"Kahit naman anong sabihin nila kung hindi naman nila alam iyong totoo ay wala na sakin iyon." Lumamlam ang mga mata niya nang sabihin ko iyon.
"Nasan ang palaban kong Ivelisse hm? Ilabas niyo siya!" Natawa ako nang umakto itong hinahanap pa ako.
"You're so mean! I just don't want to think about their antics because I am still thinking about your recovery." I pouted and look away.
"Oh? Come here, honey. I want to hug this lovely honey." He pats the space beside him.

BINABASA MO ANG
Beguiled Supremacy
Ficção GeralIvelisse Lopez Moore is known as Ivelisse Lopez. She is an actress who is a pro in acting and when you read the pro, that means that she is always acting. In front of the camera or not. She just found out that she was just acting all day in front of...