CHAPTER 38

58 16 1
                                    

Chapter 38

NILINGON  kong muli si Ryker at nakitang nakatitig pa rin ito sakin. Ganyan na siya mula nang makabalik kami kanina dito sa studio galing sa labas para bumili ng pagkain para sa miryenda namin dito.

"Kanina pa nakatitig sayo yan ah?" Nilingon ko naman si Ree na nagsalita sa tabi ko.

"Tss. Ewan ko diyan." At muling tinignan si Ryker.

"Ano nasabi  mo na ba? Mukhang galit pa naman yun nung umalis kayo." Muli pang kausap sakin ni Ree.

"Well..." I trailed off. HIndi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya or hindi.

"Nasabi mo na?!" Halos pasigaw na tanong ni Ree sakin.

"Shh!" Pagpapatahimik ko sa kanya. I looked at Ryker again and saw him, still staring at me.

"Nabanggit ko sa kanya kanina while were in a middle of argument." Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at pagkagulat.

"Did he ask you questions?" Kuryosong tanong nito.

"Nah. He was so shocked that he didn't have time to ask questions." Bored na sabi ko. "I was even offended because did he really think na papatol ako sa ibang lalaki?" Inis na sabi ko.

"I don't know. Siguro ay hindi rin talaga siya makapaniwala sa narinig niya or hindi niya inaasahan na ganon nga. May anak siya sayo." Hindi rin siguradong wika nito.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kung iyong paano ako magpapaliwanag sa kanya mamaya o iyong naiisip niyang nakipag sex ako sa ibang lalaki at hindi sa kanyang anak si Lumi.

"Pag usapan niyo na lang iyan mamaya para hindi kayo magkaroon ng misunderstanding." Payo pa sakin ni Ree.

Buong araw na kasama kami sa shoots ni Cody at habang papunta kami sa next place ng shoot ni Cody, Ryker tried to talk to me but Lumi is with us to interfere. Kaya ang nangyari ay kinukulit kaming dalawa ni Lumi na balikan sila nanay at tatay sa isla at dalhin dito para ipasyal.

"Next month, nak. Kakausapin muna natin sila lola kung papayag sila okay?" Wika ko sa anak ko.

"Why don't we just go there then bring them here?" Suhestiyon ni Ryker.

"Oo nga pwo, mommy! Ganown na lang pwo!" Mabilis na sang ayon ni Lumi.

Hindi na din naman ako nakaangal dahil parang gusto ko din munang bumalik sa isla. It's peaceful there kaya walang taong hindi gugustuhin na manirahan doon kaysa dito sa Maynila, magulo at maraming taong gustong makialam sa buhay mo.

Nakasunod lamang kami kila Cody hanggang sa makauwi na kami muli sa condo. Alam kong pareho na kaming kating kati na magtanong sa isa't isa ni Ryker pero si Lumi ay masigla pa rin at hindi man lang nakaidlip habang pabalik kami sa condo.

"Hey, baby. Akyat ka muna sa taas okay? Take a bath and get into your pajamas." Utos ko kay Lumi.

"Pero maaga pa pwo." Nakangusong sabi nito sakin.

"Uhuh? Don't you want to have a pajama party with your Dada and me?" Tanong ko sa kanya.

"Really?! Okay! I'll take a bath na pwo!" Excited na sabi nito at tumakbo paakyat.

Napailing na lang ako sa inakto ni Lumi. Hinarap ko si Ryker at nakitang nakaupo na ito sa couch. I can feel the awkwardness at the same time the tension that is coming from us.

"Hindi ka pa ba magpapalit? You have your clothes upstairs." I told him because he slept once here dahil napilit ako noon ni Lumi na dito matulog si Ryker.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon