CHAPTER 14

74 21 2
                                    

Chapter 14

DAHIL hindi pa ako tinatawag ni Ryker, I hacked the CCTV of the resort and the system because I have to know where that senator is staying. All I can do for now is to watch him and to retrain myself from killing him.

He is staying in Phuket Village at may kalayuan iyon sa Balesin Village but it's okay. Base sa mga footage na nakita ko ay tuwing gabi ay pumupunta sa Nusu Dua Bar na malapit lang sa village namin.

Bakit kasi ito pa ang ibinigay na mission sakin? Napakahirap naman kasing isipin na ganon lang ang gagawin ko. Nangangati na ang kamay kong tapikin ang trigger ng sniper ko at tumama ang bala sa mismong puso niya. Alam kong brutal pero maiisip ko pa bang brutal iyon kung mas brutal ang ginawa niya sa mga magulang ko at sa mga taong nandoon noong panahon na iyon.

Pagkatapos ng pangayyaring iyon ay akala ko iyon na ang pinakamalalang mangayyari sa buhay ko yun pala hindi. Isa pa sa pinakamasalimuot na pangyayari sakin ang sumunod doon nang mapunta ako sa mga tiyahin ko.

Hindi maganda ang relasyon nila daddy at ni tita noon pero kinupkop pa rin nila ako. Mabait naman ang tiyahin ko sakin kaso masungit pa rin. Ang asawa naman niya ay hayop. Matatawag ko siyang hayop dahil siya ang pinaka walang modong tao na nakilala ko.

"Ive? Are you ready?" Napatunghay ako mula sa pagkakatitig sa laptop ko. Napangiwi naman ako nang mapatingin ako sa suot ko.

"Uh. 5 minutes." I said while bringing out all the clothes that I brought with me.

"Okay. I'll wait for you here outside." Rinig ko pang sabi nito.

Mabilis na nagpunta ako sa banyo nang makuha ko ang green hollow out one-piece swimsuit ko at ang boho maxi dress ko for a cover-up. Mabilis lang akong nagbihis at dinala ko na lang ang maliit na bag ko at nilagay doon ang lotion and sunscreen.

I turned off first my laptop. May password naman iyon at kung tangkaing i-hack iyon ay automtic na mabubura lahat ng files na nandoon. Kaya no, worries na lumabas ako ng cabin ko.

"Let's go!" I said when I went out of my cabin.

Pinasadahan pa ako nito ng tingin bago hawakan ang kamay ko. Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa ginawa niya.

"I expected that You are wearing your swimsuit already." He said.

"I am wearing it inside. Mamaya ko na lang tanggalin cover up ko kapag nasa mood akong magswimming." I said then he nod.

We went to the golf cart that is parked in front of his cabin. He's going to drive. Nakapunta naman na daw siya dito kaya no need na ng tour guide or staff ng resort.

"Where do you want to go first?"

"I don't know. Kahit saan na. Panigurado naman na maganda dito sa buong isla eh." Yumakap ako sa braso niya pero tinaggal niya an yakap ko doon kaya nadismaya ako pero mabilis na nawala ang pakiramdam na iyon nang maramdaman ko ang braso niya sa likod ko at ang kamay niya sa bewang ko.

Napangiti naman ako at niyakap rin ang bewang niya.

"Sana ganito na lang tayo palagi..." I murmured. I felt that his arms tightened around my body.

Malungkot na napangiti ako nang wala siyang sabihin. Siguro nga wala lang sa kanya ang lahat ng nangyayari samin. Did I expect too much from his actions and words? Maybe, yes. Pero pinapanindigan ko ang lahat ng sinabi ko. I am claiming him no matter what.

"Where are we going?" Tanong ko nang makita kong puro puno na lang ang nakikita ko.

"To the stables." He simply answered.

Beguiled SupremacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon