Simula

136 16 20
                                    

A/N: Para sa lahat ng fictiophil d'yan like me, try to listen to this song. 😁

  •••

"Hey! Are you sure okay ka na?" untag ni Jaelyn sa akin.

Natigil ako sa paglalaro ng lollipop sa bibig at saka nagsalita.

"Oo, bakit?"

"E bakit nagbabasa ka na naman neto?" Kinalabit niya ang librong nakatutok sa mukha ko.

Tamad kong ibinaba ang libro at nagpoker face sa harap niya.

"Fitness and health 'to, gaga." Sumimsim ako sa iced tea na in-order ko.

Nasa isang mall kami at nagmemeryenda. Malapit na kasi ang graduation namin sa SHS kaya heto at milagrong nanlibre ang bestfriend ko.

"E malay ko ba kung dinaya mo 'yang book cover?" Umikot ang bilugan niyang mga mata bago sumimsim sa inumin.

"Ano namang mapapala ko kung gagawin ko 'yon aber?"

Bumalik ako sa pagbabasa.

"E 'di mas lalong lalala 'yang sakit mo."

"Wala akong sakit Jaelyn, p'wede ba?"

"Sus, hayan ka na naman sa pagiging in denial. Ano? Nakausap mo na si Dr. Alonzo? Ano'ng sabi niya sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Why do I need him? Wala akong sakit. Hindi ako baliw."

Hindi ko alam kung bakit hindi nila matanggap 'yon. Matagal ko nang sinasabi at ine-explain sa kanila na totoo lahat ng naexperience ko pero walang naniniwala.

"Shea! Heto na naman ba tayo?" Bakas ang magkahalong iritasyon at pag aalala sa boses niya. "Hanggang kailan mo ipagpipilitan 'yan?"

Ibinaba ko na ang aklat dahil wala na akong maintindihan sa binabasa. Sa lakas ba naman ng bunganga neto ay imposibleng may pumasok ni isang salita sa utak ko.

Sumimsim ako sa inumin at balewala siyang tinignan.

"Hanggang sa maniwala kayo sa akin."

"Maniwala? Hello? That's imposible. Ikaw ba naman sabihan na nag e-exist 'yong fictional character at 'yong mundong ginagalawan nila?! And worst, nakapasok ka pa do'n through that book? Sinong maniniwala, ha?"

"The one who had experienced it. Hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naman na-experience." Sumimsim ulit ako at lumingap sa paligid.

Sanay na ako na hindi pinaniniwalaan ng mga kaibigan ko sa na-experience ko almost a year ago. Ako man ay hindi makapaniwala na nangyari 'yon. Hindi ko akalaing mangyayari 'yon. She's right. Napakaimposible kasi no'n but what can I do? Nangyari talaga siya sa akin.

"My God, Shea!" Halos sabunutan niya ang sarili. "That was a part of your daydreaming! Dahil sa pagiging fictiophil mo naapaektuhan na ang mental health mo. And now you're suffering from a serious mental illness!"

Tinignan ko siya. She began to frustrate herself tho she's not the one who's involved. Bumuntonghininga ako at kalmado siyang tinignan.

"I'm not sick, Jaelyn," seryosong saad ko. "What I had experienced were all true. What I had encountered was real."

Umismid siya at umiling sa akin.

"Si Dad na mismo ang nagsabi sa akin, Shea. Dr. Alozo thinks you have maladaptive daydreaming. And if not cured will result to Schizophrenia! Ano ka ba?!"

Umiling ako at muling sumimsim sa iced tea.

"Dahil 'yon ang gusto nilang palabasin base sa mga kwento ko-"

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon