Kabanata 33

23 4 0
                                    

"Bes!"

"Bes! Yoohooo!"

"Bestie!"

"Bes!"

Kumunot ang noo ko nang sunod sunod kong narinig ang malakas na boses ni Jaelyn.

"Bes!"

Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit ipagpatuloy ang tulog. Bakit gano'n? Bakasyon na pero hindi pa rin ako tinatantanan ng nakakairitang boses ni Jaelyn.  Para parin akong nasa school! Lintek na 'yan.

"Bes!" Pabalyang nabuksan ang pintuan."Ano? Patay ka na? Ihahanda ko na ba 'yung neon pink na kabaong mo?"

Tsk. Sira ulo.

"Huy!"

Napahiyaw ako nang lundagan nya ako.

"Ano ba?!" iritado kong hinawi ang kumot ko at tinignan sya ng masama.

Ngumisi lang ang gaga sa akin at itinuon ang baba sa braso ko.

"Ano? Buburuhin mo na naman ang sarili mo ngayong bakasyon ha? Bangon ka na dyan. Hiking tayo!" Pinalo nya ang pwet ko at saka umalis sa kama.

Kumunot ang noo ko sa kanya."Anong trip mo? Nakailang gramo ka na naman ba? Palibhasa bakasyon."

Tumawa sya at namaywang. Ngayon ko lang napagmasdan ang hitsura nya. Nakamiksing running shorts sya, V-neck breezy tee na grey at puting sneakers. Sa likod naman nya ay malaking hiking bag at sa leeg nakasabit ang isang DLSR cam.

Psh. Handang handa ang gaga.

"Kilala mo naman ako bes. Hindi ako 'sing bored mo no! Tara na! Bumangon ka na dyan. Waiting na 'yung iba sa baba. Feel na feel at home ang mga gago. Nagpapagawa ng meryenda sa maids."

Lalong kumunot ang noo ko. Nandito rin 'yung iba? Tae. Mukhang wala na 'kong lusot. Hindi naman sa ayokong maghike. Wala lang ako sa mood.

Muli akong nagtalukbong ng kumot."Kayo na lang. Tinatamad ako."

"No! hindi pwede!" Lumundag uli sya at pwersahang hinila ang kumot ko hanggang maalis nya 'yon sa akin.

"Jaelyn ano ba!" asik ko.

"Wag mo 'kong artehan dyan. Hindi 'yan tatalab sa akin." Pumunta sya sa closet ko at naghalungkat ng tuwalya ro'n.

Ibinato nya 'yon sa mukha ko at saka lumapit."Dali na. Ligo na. Wag na maarte." Kinaladkad nya ako hanggang sa banyo.

"Bilisan mo ah?" Matamis syang ngumisi at pabagsak na isinarado ang pinto.

Sabay akong umirap at bumuntonghininga. Wala akong nagawa kundi maligo at magbihis. Isang high-waisted grey trail leggings, sports bra, at white sneakers na may striped ankle socks ang napili kong isuot dahil summer naman. Pinuluputan ko na lang ng red na checkered polo ang baywang ko para astig. Naglagay din ako ng sunscreen sa katawan at mukha dahil paniguradong sasabak kami sa impyerno. Bri-naid naman ni Jaelyn ang humaba na ring buhok ko at saka nya ako tinulungang mag impake. Gaya nya isang malaking hiking bag rin ang dinala ko bago kami bumaba.

Doon nga sa sala naabutan naming lumalamon ang mga kasama namin na kanya kanyang aura sa kani kanilang hiking OOTD. Sa mga babae sina Anthea, Elowen, Ibby, Clio ang nakita ko. Sa mga lalaki naman syempre si Reed at ang mga kampon nyang sina Flint, Jex at Stellan. Naroon din sina Oz, Rufus at Azriel na akala mo hindi kumain ng ilang araw. Lalo na ang takong ng section namin na si Flint.

"Uym Sheauhm. Sharamp pala na mga pagkain nyu dito nu?" si Flint na punong puno ang bibig.

Tumirik ang mata ko at namewang."Akala ko ba aalis tayo? Oh baka gusto nyo dito na lang kayo? Magmeryenda kayo maghapon tas ako matutulog maghapon."

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon