Kabanata 16

42 9 24
                                    

Nakapagdesisyon na ako. Nakapagdesisyon na akong tatapusin ko ang sinimulan  ko. Bahala na kung anong mangyari. Kung mategi man ako don e di wow. Anong magagawa ko kung yon talaga ang kapalaran ko? Kaysa naman nandito nga ako pero paulit ulit naman akong ginugulo ng librong 'yon.

Mula kasi nong nag usap kami ni Mrs.Crisanta tungkol kay Ysabella, hindi na ako nakatulog ng maayos. Lagi akong bangag. Paulit ulit ko syang naiisip at ang pagkawala nya. At hindi nakatulong na sumisingit sa isip ko ang gwapong mukha ni Treyton. Parang torture sa akin ang huling scenario namin. Pota. Bakit ba kasi napakagwapo non?! At ang hininga nya kasing bango ng pabango nya. Yung concerned gesture nya nong time na yon, nakakaluwag ng garter ng panty. Ba't ba kasi biglang naging sweet at gentleman yon? Hay, sabing di ako marupok e.

Maaga akong gumising para makasama ko sa breakfast si Mama La. Gusto ko kasing paghandaan ang lahat dahil kung sakali mang mategi nga ako don ng di oras ay kampante na akong at least nakasama ko sya bago mangyari yon. Sa school naman malaya kong pinagmasdan ang mga kaklase ko na kanya kanyang mundo na naman. Binusog ko ang mga mata sa nakikita at kusang kumurba ang labi ko dahil sa saya. Hindi man ito ang pinakaperfect na klase pero para sa akin, ito ang pinakamagaling. Walang ibang section ang nakakagawa nyan. Talang ang Kepler lang. Nag iisa at tunay na sakalam-

"Aray!"

Napahimas ako sa noo nang tamaan ako ni Rufus ng bola. Nasa pintuan kasi ako at nakahilig sa hamba at sya naman naglalaro sa dingding.

"Oops! Sorry not sorry kasalanan mo. Ba't kasi nandyan ka? Ano ka feeling model?"

Binatukan ko sya.

"At ikaw ano? feeling player?" umirap ako at humakukipkip.

Kandahaba naman ang nguso nya at naiiyak na hinihimas ang ulo.

"Oy Reed jowa mo oh inaaway ako." sumbong nya sa likod.

Psh. Jowa my ass.

"Wag namang ganyan love. Nambubully ka na naman e." sagot ni Reed na nakikipag tong its yata kina Flint.

Umungol naman ng mahabang ayiee ang buong klase. Tsk. Mukhang pinanindigan na nila yon dahil sa lecheng couple jacket na yan.

Mabilis akong nagmartsa papunta sa kinauupuan ng magaling na hari at kwinelyuhan sya gamit ang isang kamao.

"Ansabe mo?" maangas na tanong ko.

Napatingala sya sa akin.

"Bingi ka? Ang sabi ko brad. Wag naman ganyan brad." tamad nyang sabi.

Napangisi ako. Kahit ganyan si Reed, naniniwala akong may tinatagong bait yan. Kulang lang sa aruga o di kaya'y nahulog siguro nong bata sa crib. Inayos ayos ko ang kwelyo nyang nagusot at saka malakas na pinisil ang pisngi nya.

"Ahhh.." tunog nasasaktan pa sya nong una pero nagtawanan ang lahat nang naging ungol yon na tila nasasarapan sa kama.

Sinampal ko ang mukha nya at tinadyakan ko pa ang paa nya. Buset. Lakas talaga makapang asar ang gago. Iniwan ko sya doon at dumiretso ako kay Jaelyn na busy sa pagtitext. Sinulyapan ko si Jex na ganon din. Nakangiti pa nga ang loko. Nang sulyapan ko si babaita ay halos umabot na rin sa tenga ang ngiti nya sabay halakhak ng mahihina.

"Hoy, ba't di na lang kayo mag usap ng personal kesa nag-ti-text-an pa kayo dyan. Para kayong mga tanga."

"E sa trip namin e. Me magagawa ka? Saka mas nakakakilig kaya pag sa text, with matching emo-emojis pa."

Tumirik ang mata ko. Mukhang sigurado na ang future relationship ng bestfriend ko. Tinarget lock na nya si Jex Alejandro e. Sana lang hindi sya lokohin kahit mukhang loko loko itong si Jex.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon