Ꭿ/Ꮑ: тнαηк уσυ ѕσ мυ¢н ƒσя яєα∂ιηg υηтιℓ тнє єη∂. ѕєє уσυ ιη му ηєχт ѕтσяιєѕ! ଘ( ᐛ ) ଓ
♡EPILOGUE♡
Nakangiti kong si-na-swipe ang screen ng phone ko habang tinitignan ang mga litrato ng reunion namin noong nakaraang linggo. Iyon na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang reunion na akala ko dudurog sa puso ko pero 'di ko akalaing bubuo pa pala. Hindi lang ng puso ko kundi pati na rin ng buhay ko.
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang magring 'yon at nagflash ang pangalang Engineer gwapo. Napangiti agad ako at kagat labing sinagot ang tawag.
"Hello?"
"You done? Nasa baba na ako."
Halos mangisay ako sa kilig habang pinapakinggan ang boyfriend ko sa kabilang linya. Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako 'pag magkausap kami lalo na 'pag magkasama.
"Mm. Pababa na rin ako." Kinagat ko ang labi habang pa-sway sway sa swivel chair.
"Sunduin kita d'yan?"
Mas lalo akong nangiti at 'di ko talaga kayang itago 'yung kilig ko kaya halos madurog na ang labi ko sa kakagat. Jusme. Para akong tanga.
"Wag na. Pababa na rin ako. Mapapagod ka pa e." Nangingiting tinignan ko ang mga kuko ko.
"Tsh," natatawang singhal. niya."Wag kang pabebe d'yan. Di bagay sa 'yo."
Aba't...
Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. Sira ulo talaga. At ano raw? Pabebe? Sinong pabebe? Psh.
Napangiti at pumangalumbaba pa ako saglit bago nag ayos ng mga gamit. Inayos ko ang blazer coat ko at buhok at nagretouch muna bago lumabas.
"I'll go ahead Kara," paalam ko sa sekretarya ko na agad tumayo at sinalubong ako.
"Okay Ma'am."
"Yung mga bilin ko ha?"
"Opo. May... lakad pa po kayo?" Marahang tanong niya.
Ngumiti ako."May date ako."
Namilog ang bibig niya at agad lumawak ang ngisi."Ni Engineer Ma'am?"
Nakangising tumango ako at tumalikod na.
"Enjoy Ma'am! Good night po!" Masayang sabi niya sa likod ko.
Hindi na mabura ang mga ngiti ko habang palabas ng building. Lalo pang lumawak 'yon nang makita ko na si Reed na nakahilig sa kanyang makinang na sasakyan at cool na nakapamulsa. Black leather jacket na may white inner shirt at denim pants suot niya kaya napakaastig niyang tignan. Lalo tuloy akong nainlove. Pakshet.
"Hi!" Masayang bungad ko nang makalapit at nilahad ang kamay pero sinimangutan lang ako.
Sa jacket na lang tuloy niya naglanding ang kamay ko.
"Bakit?" takang tanong ko, nakangiti pa rin.
Bakit ang cute niya kahit nakasimangot?
"Ganyan ka magdamit sa opisina?" nakasimangot niya akong hinagod ng tingin.
Napatingin naman ako sa suot kong tube top na may sweetheart na neckline na napapatungan ng blazer coat at pencil cut skirt.
"Bakit? Anong problema?" takang tinignan ko siya.
"Tsh." Hinila niya ako papalapit at saka kunot noo niyang ibinutones ang coat ko hanggang sa matakpan ang konting cleavage ko.
Ngumuso naman ako. Konti na nga lang 'yon, itinago pa.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...