Kabanata 25

37 6 0
                                    

Lalo akong nalungkot sa sinabi nya. Mahina at marahan lang 'yon pero ramdam ko ang sinseridad at panghihinayang sa boses nya. Lalo akong nalungkot dahil alam ko sa sarili kong... totoo 'yon. At ang hilingin nyang sana hindi na lang 'yon totoo ay nagbigay ng kirot sa puso ko. Dahil ako man, iyon ang hiling ko. Na sana hindi na lang sya fictional character. Na sana totoo na lang sya.

Napapabuntong hininga ako habang naglalakad. Laylay ang balikat ko at kandahaba ang nguso ko. Masaya nga ako na malamang may gusto sya sa akin pero para akong sinampal ng reyalidad kahapon. Ouch lang.

Kusang napahinto ang mga paa ko nang mula sa lupa ay may humintong pares ng paa sa harap ko. Unti unti kong iniangat ang paningin ko at nagtama ang paningin namin ni Thara. Mukha na syang mataray dahil hindi sya palangiti ngunit parang mas dumoble naman yata ang taray ng hitsura nya ngayon? Seryoso masyado at kita ko ang pagtagis ng bagang nya.

"Oh, hi Thara?" Kunwaring kaway ko at ngumiti.

Hindi man lang nya 'yon sinuklian imbes ay mas seryoso nya akong tinignan.

Problema neto?

"I'm gonna ask you a question. I want an honest answer Shea." Malamig na panimula nya.

Napawi ang ngisi ko at naibaba ang kamay.  Agad ko din namang binawi 'yon kahit ramdam ko na ang intensidad ng mga titig nya.

"Oh sige ba! Ano ba 'yon?" Kunwaring masiglang tanong ko.

"Who's your date for the Ball?" mabilis nyang tanong.

Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Now I'm doomed! Heto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Ah...-

"Answer me."

"Uhm-

"Is it Treyton?" mariing tanong nya.

"Ha?"

Pakshet.

"Is it Treyton?" ulit nya.

"Uhm.." nangangapa ako ng isasagot.

"Just answer me with yes or no!" inis na sabi nya.

Bumuntonghininga naman ako at bahagyang tumungo.

"Yes."

"Tsa! I knew it." hindi makapaniwalang bulong nya.

Alam naman pala nya e bakit nagtatanong pa sya? Engot din.

"Do you know what's going on between us?"

Napakurap kurap ako.

"We've been partners for years! The whole school knows that!" inis na sambit nya.

Napakunot ang noo ko.

"So?"

Sarkastiko syang tumawa at tumingin ng deretso sa akin.

"So? Are you dumb? Kasasabi ko lang di ba? Kami na ang magkapareha noo-

"Alam ko. Hindi mo na kailangang tagalugin." putol ko sa kanya, bahagyang nairita.

"So?"

"Anong so? Wala akong pakialam." deretsahang sabi ko.

"Hah!" hindi sya makapaniwalang natawa at muling bumaling sa akin."What did you say?!"

Siya naman ang di makaintindi. Buset.

"Alam ko at aware ako sa sinasabi ng lahat okay? Pero wala akong pakialam. Hindi naman ako ang nagyaya kay Treyton na maging date kami. Siya ang may sabi at may gusto no'n." pamamrangka ko.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon