There is really something about this book.
Hindi ko alam kung bakit. Basta parang may na-fi-feel ako na something weird.
Binalikan ko na naman ang tungkol kay Ysabella. Gusto ko sanang tanungin si Mrs.Crisanta about don pero baka kunin nya lang ang libro sa akin.
Bakit ba ayaw nyang basahin ko 'to? Anong meron dito para sabibin nyang hindi dapat nasa akin 'to? Was this Ysabella's? At yung mini library, kanya din ba 'yon?
Sa dami ng tanong ko sa utak halos lumipad na ako sa kalutangan habang naglalakad ako sa school grounds. It's friday fun day. Fun day dahil hindi kami obliged mag uniform tuwing friday kaya happy ako na naka casual na ulit. Isang white three fourth furry crop top at fitted jeans ang suot ko at sa paahan ay white sneakers. Nakakamiss din palang magjeans at some point. It feel so damn good to be casual.
Dahil maaga pa naman pumunta muna ako sa likod ng school. Sa mga benches kung saan pwede tumambay. Presko dito dahil sa mga naglalakihang mahogany trees na syang nagsisilbing lilim sa init ng araw. Medyo creepy nga lang ngayon dahil walang katao tao. Maaga pa naman kasi. 6:30 pa lang ng umaga. Tho may mangilan ngilan na rin akong nakitang estudyante kanina na naglilinis. And I'm sure naglilinis na rin si Noam sa classroom namin. Sya kasi ang taga hawak ng susi at taga linis na rin. Halos lahat na kasi kami ay VIP, kasabayan ni Mam sa pagpasok. Hmp. Bahala nga sya don. Pumasok ako ng maaga para magbasa at hindi para maglinis!
Marahan kong binuklat ang libro at inumpisahan agad ang pagbabasa. Lumagaslas ang mga dahon ng puno dahil sa hangin. Dahil don nagliparan ang mga ibon. Bahagya akong nadistract pero nagpatuloy ako. Gaya ng nakasanayan, taimtim kong iniimagine ang mga scenario na parang totoong nandoon ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagdedaydream nang unti unti na namang umiikot ang mga letra. Kumurap kurap ako at nagbakasakali na baka mawala yon gaya ng dati pero tangina ganon pa rin!
It started to creep me out. Lalo pa't ako lang ang tao rito. Samahan pa ng mas lumalakas na paglagasgas ng mga sanga. Lumalakas ang hangin at lumalakas din ang kung anong pwersa na nanggagaling sa libro. Nanginig ang mga kamay ko nang bumilis ang pag ikot ikot ng mga letra hanggang sa makabuo ito ng isang butas. Isang maliwanag na butas na parang portal!
Gusto kong tumakbo pero para akong nakadikit sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw. Nakanganga at nakatitig lang ako sa butas na yon hanggang sa lamunin na ako nito. Sumigaw ako habang tumitilapon sa kawalan. Isang madilim at malamig na lugar.
Tangina ano ba 'to?! Panaginip?!
Pumikit na lang ako at nagsisigaw na parang baliw dahil babagsak na ako! Babagsak na ako at mamamatay! Tangina lang! Sa gantong paraan talaga ako mamamatay?
Tinanggap ko na ang mapait na kapalaran ko at hinintay na bumulagta sa kung saan man pero hindi nangyari. Pagkatapos kasi ng mala-sky dive ng walang parachute ay maingay na paligid ang naulingan ko. Dumilat ako sa kaba at nakita kong nasa gitna ako ng isang...siyudad? O mas magandang sabihing bayan dahil maliit ito kumpara sa siyudad. Maraming tao. Maraming sasakyan. Maraming tindahan. Maingay, magulo, at busy'ng busy ang mga tao na tila nagmamadali sa mga lakad.
"Ay putangina!"
Napamura ako ng malakas nang may busina sa likod ko. Isang vintage car na kulay asul na may tatak na BMW.
"Ano ba! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw ng lalaking driver.
Saka ko lang narealize na nasa gitna pala ako ng kalsada! Anak ng tinapa!
"E ba't galit ka? Hmm!" inambahan ko sya ng suntok."Kasalanan ko ba kung dito ako binagsak?! Kasalanan ko?!" sigaw ko rin.
Iritado akong tumabi sa may bangketa at pinasadahan ulit ang paligid.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...