Kabanata 29

33 5 0
                                    

Pwede bang sampalin nyo ako left and right? Yung bonggang bongga sana para mahimasmasan ako. Hindi kasi ako makapaniwala! Siya si Marianna Ysabella Lualhati?! For real?

Tumayo ako at pinakatitigan ko syang mabuti. Maganda, inosente ang mukha at may motherly figure. Kung tutuusin pasok sa deskripsyon na naimagine ko noon habang nagkukwento si Mrs.Crisanta. Kaya lang... paano syang naging si Ilumina Rocheveron?

"Paano mo nalaman ang tunay kong pangalan? At paano mo ako nakilala?" muling tanong nya, may gulat pa rin sa mukha.

"D-Dahil... galing ako sa totoong mundo. Sa mundo natin." Napalunok ako.

Mas lalo syang nagulat. Napabaling naman sa akin si Isabella na may pagtataka sa mukha.

"G-Galing ka sa m-mundo natin? N-Nakapasok ka rito?" gulat pa ring tanong nya.

"Kaya nga po ako nandito e," pamimilosopo ko.

"Pero paano?"

"Hindi ko rin po alam. N-Nagulat na lang ako na... nakapasok ako dito," mahinang sambit ko sabay kamot sa tenga.

"Ilumina!"

Sabay sabay kaming napabaling sa baritonong boses na 'yon na sumigaw.

Ang Headmaster! Shit!

Nakatayo ang Headmaster sa malayo at nakahawak sa kanyang baston. Sa gilid nya ay nakatayo rin si Thara at sa likod naman nila ay ang gabatalyon na alipores at hawak hawak ang mga walang malay na class A++ students!

"Harris," bulong ni Ilumina.

"Bumalik na pala ang alaala mo, hindi mo man lang ako sinabihan." Ngumisi ito."Halika darling, sumama ka sa akin at muli nating pabalikin ang dating Ilumina." Naglahad ito ng kamay.

"Hindi ako sasama sa 'yo Harris!" mariing sagot ni Ilumina."Ilang taon. Ilang taon mo akong ipinasailalim sa kapangyarihan mo. Ginawa mo akong laruan at pinaikot ikot mo sa iyong mga kamay! Ngayon hindi mo na ako makukuha."

Natawa lang ang Headmaster sa kanya at saka marahang ibinaba ang kamay.

"Pero tinupad ko naman ang pangako ko sa 'yo hindi ba? You told me you wanted a family. I gave it to you. Here's Thara our daughter. So come with us now and let's live happily ever after."

What the fuck? Anak nila si Thara?! Pakening shet.

"Oo sinabi ko 'yon. Dahil naniwala akong may kabutihan ka dyan sa puso mo at mababago pa kita. Pero ano 'tong ginawa mo?! Kinontrol mo ako dahil alam mong may nalalaman ako sa mga mangyayari sa hinaharap! At ayaw mo ang mga 'yon kaya minapula mo ako at binura ang mga alaala ko!"

What?! What a fuckin' revelation! Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko! Ginusto nyang magkaroon sila ng anak?! Posible ba yon? Alam kong may kontrol sya sa mga ganap dito sa loob ng libro dahil sya mismo ang sumulat nito pero paanong nabago pa rin nya 'yon? Posible kayang tama ang hinuha ko na... nababago ang mga mangyayari kung may makakapasok sa mundong 'to?

"Dahil ayaw ko ng gano'n Ilumina. Kilala mo ako. Ang gusto ko, ako ang masusunod at hindi ikaw," malumanay na sambit ng Headmaster.

"Pero ako pa rin ang masusunod dahil nilikha ko lang kayong lahat! Ginusto kong mapabilang sa mundong 'to dahil akala ko dito ko mahahanap ang totoong kasiyahan ko. Iyon ay kapag nakasama ko kayong lahat na nilikha ko. Lalo na ikaw Harris! Pero hindi ko akalaing hindi na kita mababago." Galit, lungkot at pagsisisi ang maririnig sa boses ni Ilumina.

Kung ganon... ito ang dahilan nya. Kaya sya pumasok dito ay ginusto nyang manatili rito upang makasama siya. Kaya sya nawala ng ilang taon dahil ginusto nya ang lahat. Hindi aksidente ang nangyaring pagkawala nya dahil sya mismo ang nagpasok ng sarili nya dito. Pero paano nya nagawa yon? Paano?

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon