Kabanata 14

44 11 11
                                    

"Huy!"

Marahan akong gumalaw sa boses na yon ng isang lalaki.

"Huy!" tadyak nya sa akin sa paa.

Umungol ako at unti unting dumilat. Malabong imahe ng isang lalaking nakapamulsa sa kanyang grey jacket ang tumambad sa harap ko. Nakatayo lang ito isang metro mula sa kinauupuan ko. Kinusot ko ang mga mata ko at kinurap kurap para luminaw.

"Anyare sa'yo?"

Teka ba't iba na bigla ang suot ni Treyton? At saka parang nag iba rin ang boses nya? Naging tunog millennial?

"Huy timang! Tinatanong kita kung anyare sa'yo." tadyak nya uli sa paa ko.

Doon na ako tuluyang napadilat at tumingala sa kanya. Putang-anak ng tilapia! Bakit si Reed ang nakikita ko?!

Pakiramdam ko mas bilog pa sa buwan ang mga mata ko habang nakatanga sa kanya. Naka grey jacket, black worn out jeans at white sneakers. Nakapamulsa sa jacket at nakasimangot.

"Reed?!" nagugulat na anas ko.

Ilang beses kong kinurap kurap ang mga mata pero walang nagbago don. Si Reed talaga ang nasa harap ko!

"Paanong..paano ka nakapasok rito?!" gulantang na sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay nya.

"Sa gate malamang." walang buhay nyang tugon.

"Ha? H-Hindi yon ang ibig kong sabihin! Paano ka nakapasok dito sa mundong 'to?!"

"Pfft! Timang ka talaga. Ano bang hinithit mo?"

Kumunot ang noo ko.

"Reed ano ba! Tinatanong kita ng maayos. Pwede bang umayos ka ng sagot?! Tatamaan ka sa akin." sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw ang wala sa ayos tanga. Tama ba namang tanungin mo ako kung paano ako nakapasok dito sa school? E malamang dito ako nag aaral e."

"Ha?" nilingap ko ang paligid.

Unti unti kong natutop ang bibig nang matantong wala na ako sa rooftop kundi nasa likod ako ng eskwelahan! Eskwelahan na North Shore!

"Psh..baliw." bulong nya.

Paanong..

"Ano bang trip mo? Naubos mo ba yung katol nyo kaya ka nagkakaganyan? At saka bakit....ganyan ang hitsura mo? Tangina ambaho mo!" lumayo sya sa akin at nagtakip ng ilong.

Napatingin tuloy ako sa sarili. Basang basa ang uniform ko at ang nang amuyin ko ay sobrang baho ko nga! Kinapa ko ang basa ring buhok ko at doon narealize na maikli na yon. Bumalik ang tingin ko sa unipormeng hindi pang North shore. Ito yung uniform ko sa King's Academy!

Shet! Shuta totoo nga! Totoong nanggaling ako don?!

"Anyare ba sa'yo? Ba't ganyan na ang hitsura mo at saka bakit ambaho mo? Nagswimming ka ba sa kanal?" tanong ni Reed habang nakatakip pa rin ang braso sa ilong.

Sinulyapan ko sya habang nakaawang ang bibig ko. Natigilan sya sa pagkakatulala ko. Ibinaba nya ang kamay at kumurap kurap.

"Bakit? Namumutla ka. Okay ka lang?"

"Reed." mahinang anas ko.

"Bakit?" hinagod nya ako ng tingin.

"Reed...sampalin mo nga ako."

"Huh?" namilog ng bahagya ang singkit na mga mata nya.

"Sampalin mo ko." utos ko.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon