FINAL CHAPTER
"Maligayang kaarawan Darling."
Inilapag ni Mama La ang isang pahaba at pulang kahita sa lamesa. Kasalukuyan kaming nagdi-dinner together sa garden area dahil birthday ko.
"Thanks Mama La. Nag abala ka pa." Ngumiti ako at marahang kinuha at binuksan 'yon.
Isang silver necklace na may maliit na pusong pendant ang tumambad sa akin. Lalong lumawak ang ngisi ko nang magkatinginan kami.
"Did you like it? I chose it myself." Ngiting ngiti na sabi niya.
Tumango ako at tumingin uli do'n.
"Wait, let me." Tumayo siya at kinuha ang kwintas.
Hinawi ko ang buhok ko nang ilagay niya ang kwintas sa leeg ko.
"Oh... that really suits you well." Napapalakpak siyang ngumiti sa akin.
"Thank you Mama La. I love you." Ngumiti ako at tumayo upang yakapin siya.
Bumalik kami sa pag kain matapos ang ilang saglit. Maya maya pa'y panay na ang tunog ng messenger ko dahil sa maingay na gc.
"What time is your reunion party?" tanong ni Mama La matapos sulyapan ang cellphone ko sa lamesa.
"Eight p.m sharp Mama La," sabi ko sabay swipe sa screen para mawala ang chat head.
Tumingin naman siya sa kanyang relo."Oh it's now eight. You should go."
Tinignan ko siya saglit habang naghihiwa."It's okay Mama La. Maaga pa naman e. I'm sure kokonti pa lang sila ro'n." Sumubo ako.
"But it's better if you go early Darling. So you will have all the time to reunite with your friends."
Matunog akong ngumisi."It's as if I haven't been reunited with them for so long. Yung mga nasa ibang bansa lang naman ang hindi ko pa nakikita Mama La."
"Kahit na. They're your friends. Aren't you excited to see them?" Tinitigan niya ako ng mabuti.
Natawa ako at ibinaba ang kubyertos. Honestly, parang 'di na naman ako na-e-excite dahil pumapait na naman ang pakiramdam ko. Ang balak ko nga humabol na lang sa last hour. Para kasing nawalan na rin ako ng gana at pakiramdam ko may mangyayaring 'di maganda.
"Come on Darling. Go now."
Ngumiti ako ng pilit at nagpatuloy sa pagkain.
"Pero Mama La hindi pa tayo tapos kumain," pangungumbinsi ko pa pero bumuntonghininga na siya at sinimangutan ako.
"It's okay Darling, sige na. Umalis ka na. Tapos na rin naman akong kumain." Inayos na niya ang plato niya na may laman pang kaunti.
Sumimsim siya sa kanyang wine habang tinitignan ako. Napabuntonghininga naman ako at walang nagawa kundi tumayo at magpaalam na.
Tumawag si Jaelyn sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko.
"Hoy babae! Nasa'n ka na?!" bungad niya na akala mo sobrang late ko na.
Tinignan ko ang oras, mag aalas nuebe pa lang naman.
"On the way na ako."
"Ha?!" Naririnig ko sa background niya ang maingay nang paligid."On the way ka na? Sure ka dyan? Pag ikaw hindi pa nakaligo, i-re-raid kita d'yan!" iritado agad na asik niya.
Natawa na lang ako at pinatay ang tawag. Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho at hiniling na sana magkatraffic pa pero sobrang luwag ng daan ngayon. Napabuntonghininga na lang ako nang makarating sa sinabing hotel sa akin kung saan magaganap ang reunion.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...