Kabanata 35

22 5 0
                                    

Kung may pinakamagaling magbiro ay siguro ang tadhana na 'yon dahil niyanig na naman nya ang mundo ko nang makita sa harap ko ang lalaking sobrang minahal ko kahit na alam kong hindi totoo.

"T-Treyton?!" hindi makapaniwalang sambit ko at biglang nanghina.

"Hey." Nahawakan nya agad ang siko ko bago pa ako mawalan ng balanse."Are you alright?"

Tinitigan ko sya, nakaawang ang bibig. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko sya ngayon. Hindi ako naghahallucinate. Talagang sya 'to! Mula sa malagintong mga mata, tuwid at itim na mga kilay, matangos na ilong at natural na mapulang labi. Siyang siya to! Maging ang height at built ng katawan, kuhang kuha nya.

"Miss?" takang anas nya.

Pati ang boses nila, magkatunog. Kaya hindi ako pwedeng magkamali! Siya si Treyton!

"Treyton." Nangilid ang mga luha ko sa tuwa at agad sinunggaban sya ng yakap.

Napapikit ako ng mariin at hindi maipaliwanag ang tuwa at pananabik ko sa kanya.

"Buhay ka," mahinang sambit ko."Buhay ka Treyton." Napangiti ako.

"Uh, excuse me? Do I know you Miss?" aniya sa isang mabilis na american accent.

Napamulat ako at unti unting kumalas sa kanya. Sinalubong nya ako ng nagtatakang tingin. Kumiling pa ang ulo nya habang pinagmamasdan ako.

"Are you okay?" kuryosong dagdag nya."Sorry, do I know you?"

Hindi ako nakapagsalita agad. Binitawan nya ako at pinakatitigan na para bang inaalala nya ako.

"Ako 'to si Shea. H-Hindi mo ba ako matandaan?"

Paano kayang nabuhay sya at napunta rito sa totoong mundo? May kakaibang nangyari na naman kaya?

"I'm sorry I don't understand you. Can you speak in English?"

Napanganga ako. Ano daw? Teka, ba't gano'n? Marunong namang magtagalog si Treyton ah? Hindi kaya... may nagbago? Nabago sya no'ng napunta sya rito?

"Treyton, a-ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit ganyan ka? H-Hindi mo ba ako maalala?" Napalunok ako.

Natawa sya ng slight at napakamot sa sentido.

"Uh, excuse me. I really don't understand you. Can you speak in English? So that I can understand what you're talking about?" Parang natatawang sambit nya.

Hindi ako nakaimik. Parang nagloloading ang utak ko sa kakaibang ikinikilos nya ngayon.

"You called me Treyton earlier, right? Sorry but that isn't my name. My name's Tristan Martins. I'm from Massachusetts. You are?" Naglahad sya ng kamay.

Ano? Tristan Martins? From Massachusetts?

Mas lalo ko syang tinitigan dahil hindi ako makapaniwala. Talagang siyang siya si Treyton pero bakit naging iba tao na sya? Ibig bang sabihin, hindi sya napunta rito kundi na reincarnate lang sya? Posible ba 'yon?

"What's your name? Can you understand me?" untag nya nang di ako makasagot.

"Ha? Ah... Y-Yes. I'm sorry. I just thought... you're someone I know." Kumunot ang noo ko at napapahiyang napatungo.

Natawa sya ng mahina."Really? Who? Your ex boyfriend?"

Nag angat ako ng tingin, namamangha pa rin.

"Ah... no. Just forget about it." Kabado akong tumawa.

Pinagsasabi mo Shea? Psh. Mukhang ma-e-exercise ang utak ko rito ah.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon