He's a perfection. This Godlike guy beside me was created beautifully. It looks like the author took her time to create this man. From his straight eyebrows, monolid luminous eyes with thick and long lashes, pointed nose, soft plump lips that's natural reddish to his defined and strong jaw. All perfectly fit in his small face. Lalo na iyong mga mata nya. His ravishing amber eyes. Nakakaakit ang pagkayellowish slash golden nito. He looked like a wild cat. Hindi ko maiwasang mapatitig. Para kasi akong hinihigop nito. Ang sarap tignan. Ang sarap sa mata. Sa sobrang pagkamangha ko ay di ko na namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Ms.Pridewood. Kung hindi pa nya malakas na hinampas ng pamalong kahoy yung blackboard ay hindi pa ako mapapaigtad.
"Ms.San Jose, is there any problem?" mariin at seryosong tanong nito sa akin.
Kumiling ang ulo ko.
"Ah wala naman po. Kayo po ba?"
Dumilim agad ang mukha nya sa sinabi ko. Nagtagis ang ngipin nya habang tinititigan ako ng masama. Tinignan naman ako ng mga kaklase ko na parang may ginawang krimen. Nagusot ko tuloy ang ilong ko at cool na pumangalumbaba.
Huminga ng malalim ang matanda at bahagyang kumalma pero nandoon pa rin ang pagpipigil.
"Will you please focus on our lesson and keep your eyes straight forward? Hindi kung saan saan ka nakatingin." masungit na sabi nito.
Ngumuso ako.
Damot naman. Parang sumilip lang ke crush e.
Padabog nyang binuklat uli ang libro at nagpatuloy sa pagbabasa don. Bumuntong hininga naman ako at halos maglupisay sa mesa dahil sa boredom. Dahil hindi nga interesado sa klase gaya ng nakasanayan ay nagscribble na lang ako sa notebook ko. Tamang panakaw nakaw lang ng tingin ke crush na nagbabasa naman ng libro. Nang tignan ko ang librong binabasa nya ay hindi naman academic book. Ang daya ah.
Bakit ang isang 'to allowed magbasa sa gitna ng klase? Dahil ba special sya? Ano sya rebisco?
Napatingin sya sa akin bigla kaya nginitian ko sya. Ang gwapo nya talaga. Parang di sya tao. Pero hindi naman talaga sya tao e. Fictional character lang sya.
"Excuse me?" kunot noong tanong nya sa 'kin.
Napakalas ang kamay ko sa baba.
Whoa, ganto pala ka-manly ng boses nya! Mababa at buong buo na. Ilang taon na ba sya? 17 o 18?
Pairap nyang tinanggal ang tingin nya sa akin at saka umiling iling na nagpatuloy sa pagbabasa. Napaawang naman ng bahagya ang bibig ko.
"Huy!" kinalabit ko sya."Ano nga yong sasabihin mo?" interesadong tanong ko.
Hindi sya nagsalita at parang naging hangin na lang ako sa tabi nya.
"Huy Treyton." mas malakas na bulong ko sabay kalabit.
Iritado syang tumingin sa akin at sa balikat nyang kinalabit ko na parang nadumihan ko yon.
"May sasabihin ka?" matamis na ngiti ko.
"Ako may sasabihin." boses ni Ms.Pridewood ang narinig ko.
Namutla ako nang makita ko sya na nasa gilid ko na pala. Kung kanina e matalim lang tingin nya ngayon para na syang sinaniban ng sampung demonyo.
"Get out and face the wall Ms.San Jose!" turo nya sa pinto.
Pucha. Gandang first day of school 'to ah.
°°°
"Wala ka bang healing powers?" nakangusong hinilot hilot ko ang mga binti kong namamanhid na dahil sa matagal kong pagkakatayo sa labas.
BINABASA MO ANG
Extraordinaries (EDITING)
FantasyShea Armelle San Jose is a typical highschooler who has a great passion in reading romantic fantasy novels. Her daydreaming led her to insanely falling in love with the fictional character. And then she begins to notice hints in the book that it is...