Kabanata 34

22 5 0
                                    

"Hay! Ang ang bilis ng panahon. Pasukan na naman. Jusme. May hangover pa ako sa bakasyon e." Reklamo ni Jaelyn na ka-vc ko.

Nasa kwarto ako at pinapanood nyang nag aayos na ng gamit ko sa pasukan. Nakabili na ako ng mga gamit at handa na ulit pumasok.

"Kota ka na sa bakasyon. Back to reality na tayo bes." Sarkastikong sabi ko.

Napabuga sya ng hangin at sumimangot.

"Kelan ka naman naging interesadong mag aral aber?" tamad na sabi nya.

"Ngayon lang. Syempre graduating e. Excited na rin ako sa college." Natutuwang sabi ko.

Bumuntonghininga ulit sya.

"Ano namang nakakaexcite sa college? Another stress?" sarkastikong saad nya.

"Nope! But a Brand. New. Car." Humagikgik ako.

Napabangon sya sa kanyang kama."What?! Seryoso ka?!"

"Yep." Ngumisi ako at tumingin saglit sa screen."Yun ang wish ko kay Mama La. Syempre mas malayo ang University 'di ba. Ayoko namang magcommute ng malayo araw araw. Kaya yun ang hiniling kong regalo nya sa akin sa debut ko."

Bumagsak ang balikat nya."China oil bes. China oil San Jose. Iba talaga big time e no?"

Napatawa ako ng mahina."Ikukuha nya raw ako ng magtururong magdrive sa akin. At kapag nag-18 na ako, pwede na akong kumuha ng lisensya."

Madrama syang umiyak."Haaaay! China oil na lang. Ay bes! Naisip ko lang, maganda pala talaga 'yan no, para after school, makakagala tayo!" natutuwang sambit nya.

"Sinong me sabi sa 'yong pasasakayin kita?" pang aasar ko.

"Ay bastos! Tangina mo ka."

Tumawa ako."Biro lang."

"Darling?" Katok ni Mama La sa labas."Are you busy? You have a visitor downstairs."

Napalingon ako sa pinto at kinuha ang cellphone sa dresser. Visitor? Sino naman 'yon?

"Wait lang ah bes, may bwisita raw ako sa labas," sabi ko kay Jaelyn.

"Ay kilala ko na kung sino 'yan." Ngumisi sya ng nakakaloko."Oh sya, sige na. Ibaba mo na. Matutulog muna ako."

"Okay, bye." Pinindot ko agad ang end button.

Binuksan ko ang pinto at tumambad si Mama La na nakaroba pa. Day off nya ngayon kaya nasa bahay sya at nagbi-beauty rest.

"May bisita ka Darling. Manliligaw mo raw?" Ngumisi sya sa akin, nanunukso.

Kumunot ang noo ko. Manliligaw? May manliligaw ba ako?

"Come on, let's entertain him." Inangkla nya ang kamay sa braso ko at sabay kaming bumaba.

"Hi hijo, good morning again," masayang bati ni Mama La kay Reed.

Oo si Reed nga!

"Good morning Mama La," balik nyang bati bago bumaling sa akin."Good morning timang este Shea Armelle." Ngisi nya.

Napangiwi ako at bumati pabalik. Hinagod ko sya ng tingin. Gwapong gwapo sya sa mala action star na porma nya. Plain white T shirt na napapatungan ng black leather jacket, black ripped jeans at white sneakers. Bukod sa signature look nya na naka silver dogtag, may itim na hikaw sa tainga at may guhit na ahit sa kilay, ay kapansin pansin ang umaalingasaw nyang bango at isang malaking bouquet sa kamay.

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon