Kabanata 22

37 6 0
                                    

Iritado kong nilisan ang lugar. Hindi ko maintindihan kung bakit nya gustong magpakabayani gayong wala naman syang magagawa. Baka nga kapag nakaharap na nya yung mga taong nasa likod non e maihi sya sa takot. Ano ba naman kasing laban ng isang patpating tulad nya sa mga may kapangyarihan? Hindi lang sa katayuan o estado sa buhay, kundi literal na kapangyarihan.

Kaya lang napaisip din ako. Kung tutuusin maganda naman ang hangarin nyang makatulong, kung talaga ngang nandito lang yung mga taong nawawala. Pero saan kami magsisimula? Napakalawak ng eskwelahan. Kulang ang isang buwang paghahanap at isa pa ilang linggo na lang, gaganapin na ang ball. At kung totoong may pinaplano nga sila sa gabing yon, ano yun at bakit? Pero siguro tama nga si Isabella. Kailangan naming lumaban kahit papaano. Pero paano?

"What the hell?!"

Napahinto ako sa paglalakad nang may makabanggaan ako. Sa kalutangan ko hindi ko namalayang nasa cafeteria na pala ako at may nakabanggaang babae. Basang basa ang uniform nya sa juice na naitapon nya sa sarili dahil nagkabanggaan kami.

"Shit! Sorry!" Napatakip ako ng bibig.

Tiningnan nya ako ng masama at nanggagalaiting sumigaw.

"What do you think you're doing?! Look at what you've done!" Itinaas nya ang dalawang palad sa ere.

"S-Sorry, hindi kasi kita napansin e." Paghingi ko ng paumanhin pero agad nangunot ang noo ko nang makilala ang babae.

Siya yung Queen bee na bully. Ang leader ng mga alipores ni Treyton.

"What?! Hindi napansin? Are you nuts?! Ang lawak ng daan oh, imposibleng hindi mo 'ko nakita!" pagalit nyang sinabi.

Malamya ko naman syang tinignan.

"Kaya nga kita nabangga di ba? Kasi hindi kita nakita," sarkastikong tugon ko.

Lalong umusok ang ilong nya habang matalim ang tingin sa akin. Nagsimula na ring magbulungan ang mga estudyante sa paligid.

"Aba't talagang sumasagot ka pa ha. If I know, sinadya mo 'to para mapahiya ako! Para makaganti ka sa akin!"

"Ha? E hindi ba naparusahan ka na? Bakit pa ako gaganti sa'yo?" Kunwaring inosenteng tanong ko.

"Because obviously you hate me. But don't worry I hate you to death also!"

"E yun naman pala e." Nagkibit balikat ako."We hate each other to hell. The feeling is mutual so why bother? At saka isa pa, nag sorry na naman ako di ba? Buti nga nagsorry pa ako e. Unlike you na wala man lang akong narinig kahit S man lang sa sorry. And you don't feel guilty at all. But that's alright, I don't need your apology anyway."

Umirap ako at akmang lalagpasan sya nang ibuhos nya sa mukha ko ang natitirang laman ng disposable cup na hawak nya. Napasinghap ako sa lamig non. Langhiya.

Maging ang mga estudyanteng nanonood na ay nagsinghapan rin.

"Don't you dare talk to me like that. And don't you dare turn your back on me when I'm still talking to you," mariing sambit nya habang nakaduro sa akin.

Matalim ko syang binalingan.

"How dare you do this to me too!" sigaw ko sabay hablot sa buhok nya.

Umalingawngaw ang matinis na sigaw nya sa buong cafeteria.

"You bitch! Ang kapal ng mukha mong buhusan ako ng juice sa mukha e nag sorry na nga ako! Walang hiya ka!" galit na galit na sigaw ko habang nilamlampaso ang ulo nya sa ere.

"Get off of me bitch! Who do you think you are to do this to me huh?!" sumigaw sya sa sakit.

Mariin ang pagkakahawak ko sa kanya at mariin din ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko sa ulo nya. Pinipilit nyang tanggalin yon pero hindi nya kaya, kaya naman buhok ko na ang hinila ng putangina!

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon