Kabanata 5

60 10 8
                                    

"Wow ang cute naman nyan! Baby dinos!" nakapalambabang pinagmamasdan ni Jaelyn ang dalawang stuff toy na napalunan namin ni Reed sa bust-a-balloon booth kahapon.

Ngumisi ako at nilarolaro ang kamay nila. Kulay purple yung isa at kulay red naman yung isa.

"Pinaghirapan namin 'to no." pagmamayabang ko.

"Sana pala sumama ako no para may ganyan din ako."

Ngumisi lang ako.

"Uy akin na lang yung isa. Yung purple!" kalabit nya sa akin.

"Ano ka sinuswerte?" hinablot ni Reed yung purple na dino nang dumaan sa amin.

"Hoy Reed! Akin yan!" sigaw ko sabay baling sa likod.

Umupo sya upuan nya at niyakap ang stuff toy.

"Anong sa'yo? Pinatago ko lang sa'yo kahapon."

Umungol ako at pumadyak.

"E sabi mo akin na lang na dalawa!"

"La akong sinabi ah." dumukdok sya sa mesa nya, yakap ng mahigpit ang laruan na wala nang balak pakawalan.

Ngumuso ako at niyakap rin ang laruan ko.

Ba't ba nagsusungit na naman yon? E kahapon lang okay naman kami ah. Tumagal kami sa paglalaro dahil naaliw kami hanggang sa di namin namalayan na nagtatawanan na pala kami. Meron pa nga yung nag apir kami at nagyakapan nang makuha 'tong biggest prizes nila. Ang alam ko okay kami pero ba't parang may regla na naman sya?!

Anyway, that's okay. Ganyan na naman sya noon pa. Ba't di pa nasanay e isa rin yang may saltik e. I'm sure inaatake na naman yan ng sakit nya sa utak. Palibhasa utak nya may plema.

Pagkatapos ng mahabang foundation week, balik normal na naman lahat. Tinatamad na naman ang section namin dahil sa wantusang lectures na nakakaantok. Syempre ako tamang basa lang sa gilid. Oo lumipat ako sa pinakalikod sa gilid. Yung malapit sa bintana para makapagdaydream na naman ako sa librong binabasa. And in speaking of this book, parang may something sa librong 'to dahil the last time I check, nasa ikalawang kabanata na ako pero bakit wala akong maalala? I mean, kapag binasa ko ang ikalawang kabanata ay parang bago pa rin ito sa akin at never ko pang nabasa.

Weird.

Kaya heto at balik na naman ako sa umpisa. Sa introduction ng mga characters. Ibinalik ko sa front page ang pahina at binasa ulit ang note. Natulala ako at nag isip bago yon itiklop.

I need a peaceful place to read. Para makapagfocus ako. Sa tagal ko nang hindi nagdedaydream, nakalalimutan ko na tuloy si Treyton. Yung feeling na parang ako ang kausap nya. Yung kilig and all. Wala na limot ko na naman kaya need ko na talagang magfocus.

Balak kong pumunta ng rooftop ng building namin para doon magbasa ngayong lunch break nang makasalubong ko si Mrs.Crisanto, ang teacher ng grade 8 na naging teacher ko din noon.

Palampas na ako sa kanya nang tawagin nya ako.

"San Jose."

"Ho?"

"Saan mo nakuha yang librong yan?" namimilog na mga matang tanong nya habang nakatingin sa bitbit kong aklat.

Patay. Nalintikan na. Kapag nalaman nyang sa faculty ko nakuha 'to ay mabibisto kami!

"Ah, sa library mam hiniram ko lang. Sige po." akma na akong aalis nang hawakan nya ang braso ko.

"Sinungaling. Walang ganyan sa library. Patingin nga-

Extraordinaries (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon